Pareho kaming natulala sa isa't isa. Pareho kaming hindi nakapagsalita. Parang nanlumo ako. Okay naman kami ni Ara diba? Sabi niya okay kami. Pero hindi ko natanong kung okay din ba sila ni Tin. Nawala na nga sa isip ko na nageexist siya eh!
"Mika, let me explain." basag ni Ara sa katahimikan.
"I can't go to Tagaytay this weekend pala." yun na lang ang nasambit ko.
Yumuko siya, bumitaw din siya sa pagkakahawak sa kamay ko. "Okay lang.."
Okay lang?! Wtf?! Okay lang?! Hindi niya man lang ba ko pipilitin? Or make me at least change my mind?
Bumeso na lang ako sa kanya at dinaanan si Tin na hanggang ngayon nganga pa rin sa pintuan at nakahawak pa sa door knob. "Excuse me," irap ko sa kanya.
Umuwi ako ng may sama ng loob. Masakit, masakit yung parang may tinatago siya sakin. Bat nandun si Tin? May dalang breakfast? At bakit siya basta basta na lang nakapasok? Either may susi siya o sadyang hindi na lock ni Ara ang pinto.
Urgh. Nakatanggap ako ng text mula kay Ivy na gising na daw siya at wag na lang bumili ng breakfast dahil nagluto siya.
Maybe kailangan ko na lang mag focus kay Ivy ngayong araw. At para na rin ma weigh ko ang sitwasyon para sa magiging desisyon ko. Ang hirap na. Nahihirapan na ko, pati si Ara. Kahit di niya sinasabi sakin. Selfish na nga ako, aminado, pero hindi naman ako manhid para hindi ko maramdamang nasasaktan siya.
Nangangamoy sinangag pagpasok ko pa lang sa unit ko. At dun ko nakita si Ivy na nagluluto. Hindi niya pa napapansin na pumasok na ko kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap na lang siya mula sa likod.
"Ye, nandito ka na pala." hinawakan niya ang braso ko na nakayakap sa kanya.
"Opo." hinalikan ko siya sa batok at siniksik ang mukha ko dun. Uhmm, bango talaga.
"Saan ka ba pumunta? Di mo man lang ako sinama," may hint ng pagtatampo sa boses niya.
"Roxas lang, baby. Nagpahangin.." tipid kong sagot.
Pinatay niya na ang stove at tinanggal muna ang pagkakayakap ko sa kanya para kumuha ng mangkok na lalagyan ng sinangag.
"May problema ba?" hindi siya nakatingin sakin nung sinabi niya yun. Kahit side view lang alam kong seryoso ang mukha niya.
Lumapit ako sa kanya at muli siyang niyakap mula sa likod. "Wala po. Parang bet ko lang mag emo kanina." pinilit kong siglahan ang boses ko.
"Bakit extra clingy?"
Okay. Nahalata niya ang pagiging extra sweet ko. No, I'm not doing this because I'm guilty or what, mahal ko si Ivy. Sigurado ako diyan. Pero parang gusto ko na lang talaga bumawi sa kanya ngayong araw. I've been off din kasi for the past few days, hindi lang dahil sa sitwasyon namin ni Ara, pero parang nagpapakiramdaman pa talaga siguro ulit kami.
"Bawal ba?" nagpout ako at bumitaw na lang. Umupo na ko at kumuha ng sinangag.
"Hindi naman," ngumiti siya at nilagyan ako ng scrambled egg. "Anong gusto mong gawin today?"
"Uhmmm..." nagisip isip muna ako ng isasagot. "Cuddle day na lang?"
"Ayaw mo mag mall?"
"Later na lang siguro, babe.." nagsimula na kong kumain.
.
.
.
.