Chapter 37

5.7K 141 40
                                    

Pagdilat ko pa lang, napangiti na ako agad. Parang hanggang ngayon kasi nararamdaman ko pa rin ang mga halik at haplos ni Ara. Kung gaano niya pinaramdam ang pananabik niya sakin. Kung ilang beses niyang binulong sakin kung gaano niya ko ka mahal. Fresh na fresh pa lahat kahit pa ilang oras na ata akong nakatulog.

Wait.

Pagkapa ko sa tabi ko, wala na kong kasama! Nasan na si Ara?

"Ara?" tawag ko sa kanya. Bumangon na ko at binalot ang katawan ko ng kumot. "Ara?" muli kong pagtawag pero wala pa ring sumagot sakin. Nag echo lang ang boses ko sa buong room. Pumasok ako sa banyo ngunit wala ding tao.

Tumingin ako sa dresser, sa side table, sa mesa na pang dalawahan, ngunit wala namang note na iniwan si Ara kung umalis na nga siya. Tumakbo ako papunta sa gilid ng kama at hinalungkat ang bag ko, pag check ko ng phone ko, wala ding messages!

Nagsimula na kong mag-alala. Baka panaginip ko lang lahat yung kagabi? Urgh. Huminga ako ng malalim ng tatlong beses, pampakalma lang. Saka ko tinanggal ang kumot at dumiretso ako sa banyo.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamain. Ganun pa rin naman ang itsura ko, except sa mata kong halatang bagong gising.

Teka, ano to?

Tiningnan kong mabuti ang maliit na namumula sa kanang bahagi ng dibdib ko malapit na sa kilikili ko banda.

Shit!

Hindi panaginip yung kagabi! Nag-iwan si Ara ng kissmark! Shet! Naramdaman ko na lang na nag-init ang mukha ko!

No signs of Ara when I woke up. She wasn't beside me, she didn't leave any note nor message, but she left a mark! Nag iwan siya ng bakas ng nangyari samin kagabi!

Parang tanga lang ako na nakangisi sa harap ng salamin habang tinitingnan ang kissmark. Hay. Ara talaga, ang kulit.

Naisip ko na lang na baka may binili lang yun at babalik naman agad kaya naligo na lang ako. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay ini-on ko na lang ang TV. Ang tahimik kasi ng room, nakakabingi. Habang nanunuod naman ako ng cartoons ay may biglang kumatok sa pinto.

Mabilis akong bumangon mula sa pagkakadapa at agad na binuksan ang pinto. Na disappoint naman ako dahil ang room boy lang naman pala ng hotel. May dala dala siyang tray.

"Good morning, Maam. Your breakfast." magiliw niyang sabi. Tumabi na ko at pinapasok siya.

Nilagay niya ang mga pagkain sa mesa na malapit sa balcony at nagpaalam naman na agad. Nagtaka naman ako kasi ang dala niyang pagkain ay para sa isang tao lang.

Isang plate ng pancakes, scrambled egg, at bacon. Tapos isang tasa lang ng coffee. Para akong nanlulumo ngayon. Maliban talaga sa kissmark, wala talagang sign na nandito si Ara. Na nakasama ko si Ara.

Naupo na lang ako at kumain. Wala akong gana pero gutom na gutom ako.

After ko kumain ay muli akong humiga sa kama. Hihintayin ko pa rin na balikan ako ni Ara. Naniniwala akong babalikan niya ko dito.

Pero lumipas ang ilang oras, natapos ko na ang tatlong magkaibang episodes ng cartoons na pinapanuod ko, ay wala pa ring Ara na bumalik. Pagtingin ko sa oras sa phone ko ay alas onse na pala ng umaga. At sakto rin na nag ring ang service phone na agad ko namang sinagot.

"Hello?"

"Good morning, Ms. Reyes. Did I disturb you?" sabi ng receptionist sa kabilang linya.

"Uhm, no. Hindi, hindi naman. Why? Anong problema?"

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon