Chapter 36

6.1K 146 11
                                    

"Uhmm, same songs ah.." komento ko pagka-on niya ng player ng kotse niya.

"Ganun pa rin," sagot niya. "Wala namang bagong CD eh."

Pagtingin ko sa kanya ay ngiting ngiti lang siya na nakatitig sakin. Nakakatunaw ang titig niya. Gaya pa rin ng dati. Parang wala naman talagang nagbago. Nag-iwas na siya ng tingin at nagsimula ng magdrive.

"Dinner?" tanong niya.

Tumango lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Oo, parang wala ngang nagbago pero feeling ko pareho rin kaming nagpapakiramdaman. In fact, hindi pa kami nakakapag-usap, yung pag-uusap ng tungkol sa lahat ng nangyari, sa lahat ng dapat niyang malaman, at sa lahat ng dapat ko ding malaman.

Tahimik lang kami buong biyahe. At paminsan minsan kong naririnig si Ara na naghuhum kasabay sa tugtug ng player niya. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Napansin kong papunta kaming Makati. Di naman kasi ako nagtanong kung saan niya ko dadalhin.

Dito kami tumigil sa Ayala Ave. Sabay kaming bumaba ng kotse at hinintay niya ko malapit sa may lamp post. Nilahad niya ang kamay niya sakin.

Tiningnan ko lang ang kamay niya, ewan ko parang hindi ko kayang hawakan. Tsk. Naiinis ako sa sarili ko. Ngayon pa ba ako magpapakipot dito?

"Lika na," siya na mismo ang kumuha sa kamay ko.

Naglakad lakad kami hanggang sa nagdecide kami pareho na sa Gerry's Grill kami kakain.

Hinayaan ko lang si Ara na mag order. Hinawi ko lang ng tingin ang buong paligid, hindi gaano ang tao. At karamihan sa mga nandito din ngayon ay medyo mga matatanda na.

"Kamusta ka na?" napatingin ako kay Ara. Sa tapat ko kasi siya nakapwesto.

"Okay naman ako. Ikaw? Kamusta ka dito?" baliktanong ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya. Pero nandito naman na ko ngayon sa harap niya oh, babawi ako sa ilang buwang pag-iwan ko sa kanya. And this time, kanyang kanya na ko, gaya ng ipinangako ko sa kanya na aayusin ko.

"Okay din. Medyo busy." sagot niya saka uminom ng wine na nauna niyang pina-serve. "Bakit ka nga pala umuwi?"

Really? Tinatanong pa ba yan? Tsk. Na disappoint ako sa tanong niya. Pero dapat ko naman itong sagutin. "Dahil sayo. I promised you na aayusin ko diba?" diretso kong sagot.

Saglit na nanlaki ang mata niya at napanganga siya pero agad naman niya itong binawi ng iling at ngiti. "Di ko na inexpect na babalikan mo pa ko." sabi niya habang natatawa.

"Naayos ko na, Ara.."

Kumunot ang noo ko, bat natatawa to? "Sorry." sabi niya saka natawa ulit.

Grabe, yung tawa niya parang ang bago sa pandinig ko. Ilang buwan ang tiniis ko na hindi marinig ang pagtawa niyang ganito.

"Ano ang nakakatawa?" pagtataka ko.

"Sorry, sorry." nagpipigil na siya ngayon ng pagtawa. "Hindi lang ako makapaniwala sa mga sinasabi mo."

"Hindi ba ako kapani-paniwala?"

Bigla namang sumeryoso ang mukha niya at uminom na naman siya sa wine niya. Huminga siya ng malalim at muli akong tiningnan sa mata. "We started with lies, remember?"

Ouch! Para akong tinusok sa dibdib.

"Sorry, Mika. Pero alam mo na, mahirap ng magtiwala ulit." saka siya nag-iwas ng tingin.

"But I already broke up with Ivy." I'm trying very hard not to cry. Hindi kasi ito ang reaction na ineexpect ko from her. I was expecting na matutuwa siya, na yayakapin niya ko at sasabihin, 'salamat at akin ka na,' pero wala eh. Hindi pa siya naniniwala sakin. Hindi pa siya nagtitiwala sakin.

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon