Chapter 16

12.5K 154 9
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Maaga akong nagpa-alarm dahil Saturday ngayon at uuwi kami ni Mika sa Tagaytay. Actually, ako lang pala ang uuwi dun ngayon kasi nauna na dun si Mika kagabi pa. Kagabi pa din dapat ako susunod dun kaso ang sabi niya gusto niya munang mapag-isa kaya hinayaan ko na lang.

Bumangon na ko at lumabas muna para magkape. 6am pa lang naman kaya hindi ko kailangang magmadali.

"Good morning, Vic." bati ni Tin pagkakita niya sakin. "Coffee?"

Tumango lang ako habang nagkukusot pa ng mata. "Thanks." sabi ko pagkalapag niya ng mug ko sa mesa.

Naupo na rin ako sa tabi niya. Kumuha ako ng tinapay at nilagyan na ito ng na-slice ng cheese.

"Aga mo pa ring nagigising ah." komento ko. Napansin ko kasing tahimik lang siya habang kumakain.

"Nahihirapan nga akong ibahin ang oras ng pagtulog at paggising ko eh. Night shift pa naman ako.." sabi niya habang nakatulala lang sa mesa.

"At lagi ka pa ring natutulala.." pinisil ko ang pisngi niya kaya napatingin siya sakin at napahawak sa kamay ko.

"Vic.."

"Sorry.." paumanhin ko saka binawi na lang ang kamay ko.

"Okay lang.." ngumiti siya ng napaka sweet niyang ngiti. "Kala ko ba aalis ka ngayon?"

"Yup. Tapusin ko lang to.." sabi ko saka kinalahati na ang kape ko at kumuha ulit ng tinapay.

Napatitig ako kay Tin. Nakatulala na naman kasi siya. Hindi ko nga alam kung naging habit niya na to o sadyang marami lang talaga siyang iniisip eh. Pati ako napaisip tuloy at natulala na sa kanya.

Maybe, just maybe. Kung muli kaming nagkita ni Tin bago ko nakilala si Mika, baka naisipan ko pang suyuin siya ulit. Mahal ko si Tin. Hindi naman na ata mawawala yun. Buong buhay ko nauugnay sa kanya. Buong past ko naroon siya.

Pero wala eh. Pinili ko ngayong pumasok sa butas ng karayom nung pinili ko ang relasyon namin ni Mika.

Mahirap pero kakayanin ko.

.

.

.

Malapit na rin ako ngayon sa bahay ni Mika. Alas nuebe na rin naman, sana gising na siya pagdating ko.

Maya maya pa ay tinatahak ko na ang eskenita papasok sa cabin. Malayo pa lang ay nakita ko na ang kotse niya na nakapark na rin sa driveway.

Bumaba na ko at kinuha na mula sa backseat ang mga konting groceries lang naman na binili ko kagabi.

"Mika?" kumatok na ko sa pinto. Naka lock kasi.

May narinig akong mga kaluskos mula sa loob, sign na gising na siya.

"Mahal?" pasigaw kong tawag. "Nandito na ko.."

Uy hala. May kumalabog sa loob nahulog ata na kaldero o ano. "Hindi ka ba marunong maghintay?"

Patay! Masama ang gising. O di kaya ay...

"Ang aga aga ah!" bungad niya sakin pagbukas niya ng pinto.

Pawis na pawis siya, pati sando niya kumakapit na sa katawan niya dahil basang basa na ng pawis. Pagpasok ko ay nakakita ako ng walis at mga basahan. Naglilinis pala siya.

"Masama na naman ba ang gising mo?" sabi ko pagkalapag ko ng mga dala ko sa mesa dito sa kitchen.

Hindi niya ko sinagot, sa halip ay pinasok na niya ang walis at dustpan sa maliit na storage room sa tabi ng CR. Lumabas din siya sa backdoor bitbit ang mga basahan.

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon