4 months. 4 nostalgic months.
Napapangiti ako tuwing naaalala ko lahat ng memories namin ni Ara, at the same time masakit. Malungkot. Kasi hindi ko alam kung kailan pa namin magagawa ulit lahat ng yun. Hindi ko alam kung magagawa pa ba namin yun. Ni hindi ko nga alam kung okay kami eh, kung okay pa kami, kung meron pa bang kami..
Sa loob ng apat na buwan, tatlong beses lang kaming nag-usap ni Ara. The first was when she hung up on me, the 2nd was the day after that, nung nag sorry siya for the way sha acted. Yung 3rd and last... kelan ba yun? A month after pa ata, and the last thing she told me was magiging busy na sila ni Cienne. Ewan ko kung bakit.
Nung una madalas ko pa siyang nakaka-viber. Halos everyday. Hanggang sa every other day na lang. Hanggang sa umabot sa every other week. Ngayon isang buwan ng wala talaga. Ayokong isipin na nag-give up na siya sakin. Na nagive up na siya samin. Pinanghahawakan ko pa rin ang pangako niyang hihintayin niya ko, na may babalikan pa ko.
"Babe, kanina ka pa gising?" nagulat ako sa biglaang pagyakap ni Ivy sakin. Gusto kong tanggalin ang braso niya sa tyan ko. Kaso normal niya naman tong ginagawa sakin, baka magtaka siya kaya hindi ko ginawa.
"Ngayon ngayon lang.." mahina kong sabi saka pinatong na lang din ang kamay ko sa braso niya na naka akap sakin.
"Eh bat kanina ka pa nakatulala dyan sa kisame?" napatingin ako sa kanya. Halata nga sa mga mata niya na kanina pa din siya gising. Di na din pwedeng magdeny pa ko.
"Hindi na ako inaantok eh. Iniisip ko na lang kung ano ang gagawin natin today." Araw araw, nadadagdagan lang ang mga kasinungalingan ko sa kanya.
Paano ko ba kasi sasabihin sa kanya kung bakit ako laging mataray? Kung bakit lagii ko siyang natatabla o nasisinghalan? Kung bakit lagi akong natutulala o nalulungkot? Hindi ko pa kayang sabihin... hanggang ngayon... na iisa lang ang kasagutan sa lahat ng yan. Na si Ara lang ang sagot.
"Lalabas sina Camille mamaya. Niyayaya tayo. Gusto mong sumama?"
"Hindi ba pwedeng tayong dalawa na lang ang lumabas?" ayoko kasing makisalamuha muna sa kanila. Tuwing makikita ko si Camille, imposibleng hindi ko maaalala si Cienne. At sa tuwing maaalala ko si Cienne, umiinit ang ulo ko. Naiisip ko pa rin kasi ang mga sinabi niya sakin that day sa airport, pati yung pagkwento ni Ara sakin ng mga sinabi niya dito. Sino ba naman ang hindi maiinis? Masyado na siyang nangingialam.
"Uy, gusto niya kong ma solo oh," hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sakin at hinalikan ako sa pisngi.
Nginitian ko na lang siya at niyayang bumangon para makapag handa kami ng breakfast. Nagtimpla na ko ng coffee para saming dalawa at siya naman ay lumabas muna para pumunta kina Cienne at Tigs. Ipapaalam lang daw na hindi kami sasama sa kanila.
Pagbalik niya ay nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos ay naligo na kami at gumayak.
.
.
.
Liberty Island
.
.
Nandito kami ni Ivy sa taas ng stone pedestal ng Statue of Liberty. Matagal na pala siyang gumawa ng reservation para dito. Sa araw na ito din niya ipina-set kaya timing lang din. Kasama namin dapat sina Camille at Tigs kaso naisipan nilang magpa resched dahil pupunta sila ngayon sa New Jersey.
"Thank you." sabi ko kay Ivy nung yumakap siya sakin mula sa likod. Nakatingin lang kami sa malayo. Sa buong city ng New York. Feeling ko malayo ako sa kapahamakan. Feeling ko safe na safe ako dito kasama siya. Feeling ko hindi ko na naman siya kayang iwan.