"Mahal, subo please," pagpapacute ko kay Ara.
Ngumiti lang siya at sinubuan ako ng ice cream.
"Thanks, mahal. Ikaw naman oh," subo ko din sa kanya ng ice cream na galing sa sarili kong pint, magkaiba kasing flavor ang kani-kaniya naming hawak.
Binuka niya ang bibig niya at sinubo din ang nasa spoon ko.
Nandito kami ngayon sa Tagaytay. Dito kami dumiretso pagkatapos kong magmakaawa sa kanya. Dito kami diretso pagkatapos kong hingin sa kanya ang araw na to.
One chance, one day. Then she decides. Yun ang last resort ko, ang papiliin na lang siya kahit in the first place, alam ko namang wala akong karapatang hingin ang chance na to. Kasi ang unfair ko, hanggang ngayon ang unfair ko pa rin!
You know what I feel? I feel like I'm a dirty desperate mistress begging for an ex-lover's time.
I know Ara must have felt this way back when she was in this stupid situation. Pero never niyang hiningi ang oras ko, because she fully understands na si Ivy, si Ivy ang priority ko.
But that was before. Ako na ang nasa sitwasyon ni Ara ngayon. Only this time, sobrang sakit at sobrang nakakakaba na at the end of this day, tomorrow, may pipiliin siya samin.
Me or Tin.
Me or Tin.
Me or Tin.
Me or Tin.
Me or Tin.
Yan ang patuloy na naglalaro sa isip ko though simula nung dumating kami dito kanina, ay never siya ni mention ni Ara sakin. Siguro to lessen the pain. But no, it doesn't. Lalong mas masakit ngayon, kasi Ara herself, I know, is pretending na din na para bang wala siyang iniisip. Na para bang wala kaming problema.
But like she said, nandito kami sa Tagaytay, sa lugar na to, sa bahay na to, kami lang. Kami pa rin.
"Ara, do you love me?" maging ako nagulat din sa tanong ko. Hindi ko inexpect na lalabas to mula sa bibig ko. Nakaramdam ako ng takot, takot sa kung ano ang isasagot niya.
Luminga linga siya sa paligid. Tumingin siya sa TV na hindi naman naka-on, tumingin siya sa kwarto sa taas, tumingin siya sa bandang kitchen, sa phone niya na kanina ko pa pinatay habang nasa biyahe pa kami, at tumalikod siya at lumingon sa fireplace kung saan naglalaro ang mga apoy. "It's just me and you today, sabi mo." huminga siya ng malalim at naghalf-smile. "Akala ko ba ayaw mong pag-usapan natin yan?"
"I'm just asking," nakayuko kong sabi. Kung nakakatunaw lang ang tingin, siguro sopas na tong ice cream na hawak ko ngayon.
"I'll always love you, Mika." inalo niya ko at pinasandal sa dibdib niya.
Ngayon ko lang naramdaman ulit to, yung init ng yakap ni Ara. Yung pagmamahal. Alam ko na sa moment na to, totoo ang lahat ng to. Ramdam na ramdam ko na mahal niya pa rin ako.
But relationships can't stay on love alone, i know that.
Kaya ako sobrang nagagaguhan sa sarili ko ngayon. Yung para bang dahil ako ang nasa sitwasyon niya dati, parang nag-eexpect ako na gagawin niya rin sakin ang mga ginawa ko para sa kanya. Parang I want to happily settle na lang na maging kabit niya ko!
Pero wala sa options ni Ara yun. It's either me or Tin, she made that clear.
Oo, na feel ko rin na parang pinagbigyan niya lang ako ngayong araw. Na feel ko na na hindi ako ang pipiliin niya.