"Bakit pawis na pawis ka?" puna ni Mika sakin nang salubungin niya ko sa paanan nitong building. Hinatak niya ko papunta sa gilid kung saan may bench sa ilalim ng puno. "Lika nga.." pinalapit niya ko sa kanya at pinahiran ang pawis sa noo ko gamit ang panyo ya.
Sobrang na tetense ako ngayon. Sabi ko kay Tin magstay put lang siya dun sa kwarto niya sa condo. Hanggang ngayon hindi ko pa din nasasabi kay Mika. Nagdadalawang iisip pa ko kung sasabihin ko nga.
"Anong ginagawa mo dito?" finally, nakapagsalita na din ako pagkatapos kong ma regain ang lakas ng loob ko.
"Ah. Kasi yung friend ko may unit diyan.." ugh. Patay!
"Si-sinong friend?" Vic, wag masyadong obvious. Naramdaman ko na namang namuo ang pawis ko.
Never ako kinabahan ng ganito sa harap ng isang babae. Never ako naging sunud sunuran. Never din naging mahalaga sa akin kung magalit sila or mahuli nila akong may iba. Iba kasi tong si Mika eh. Nakakatakot. Hindi pa siya galit niyan ah.
"Ah si Carol. Friend din namin ni Jessey.." phew! Buti na lang hindi si Jessey. "Pauwi na rin sana ako, but I saw your car dun sa parking lot sa loob."
Tumango lang ako. Kahit papaano nabawasan ang kaba ko.
"Teka, bat ba pinagpapawisan ka ng ganyan?" nilapat niya pa ang likod ng mga daliri niya sa leeg at noo ko. "Wala ka namang sakit ah.."
"Ang init lang kasi.."
"Wag kang mag-alala, wala akong planong umakyat dun sa unit mo. Pahinga ka muna ngayong gabi.."
0.0
"Hahaha!" tumawa siya ng malakas at hinatak ako patayo. "Ang ibig kong sabihin, I don't want to invade your privacy naman.." nagpalinga linga muna siya bago ako tuluyang hinatak papunta sa 7/11 sa kabilang kanto lang.
Nagpaiwan na lang ako dito sa labas ng 7/11 pagdating namin. Nahiya naman kasi ako sa pajama at sando ko, andami pang tao sa loob.
Maya maya pa ay nakita ko na siyang nagbabayad sa counter. May hawak siyang dalawang slurpee at nakita ko ring bumili siya ng yosi. Good. Na stress kasi ako bigla.
"O," abot niya sakin ng slurpee paglabas niya at naupo na rin sa katapat kong silya. Inoffer niya din sakin ang yosi niya at naglabas ng lighter, kumuha ako ng isa at nagsindi na rin.
"Thanks.." sabi ko pagkatapos kong magsindi.
"Diyan ka lang pala nakatira, bakit never pa kitang nakita?"
"Ewan ko din. Baka hindi tayo meant to be?" pagbibiro na siya namang ikinakunot ng noo niya at napapout pa.
"Sabihin mong joke yan.." banta niya.
Masasabi ko bang joke yun? Kasi mukhang hindi. Given na taken siya nung magkakilala kami.