Kailangan kong maging maingat... maingat sa kung anong itatanong ko kay Mika. One significant question everytime we meet? Eh paano ko siya makikilala ng maayos? Paano ko malalaman ang mga dos and don'ts? Tss. Binigyan niya pa ko ng problema. I mean, Binigyan ko lang ang sarili ko ng problema. Hindi naman kasi dapat ako nagpapaapekto sa babaeng yun eh, kasi hindi na ako si 'Vic' kung apektado ko.
Maybe.
Just maybe.
I want to be 'Ara'. Her Ara. Siya lang naman kasi ang tumatawag sakin nun. Lumaki at nagkaisip at nakilala akong si 'Vic' ako.
"Vic!!" napatingin ako kay Cienne na naka cross arms pa sa harap ko.
"Yung boses mo Cienne," kunot noo kong sabi sa kanya, "Paki hinaan naman minsan."
"Ay. Sorry naman. Lagi ka kayang nagsespace out nitong mga nakaraang araw.."
"Hindi naman eh. Ano ba yun?" nag-de cuatro ako, sumandal sa silya, at nagsindi ng yosi.
"Gusto mo bang kumain ng dessert kako.."
"Ayaw ko ng sweets ngayon.." tanggi ko. "Ikaw na lang."
"Okay. Wait lang.." tumayo na siya.
"Teka," sabi ko bago pa siya tuluyang makalayo.
Nilingon niya ko. "Oo na. Frozen iced tea."
"Thanks!" sabay nagthumbs up ako sa kanya.
Kababalik lang namin dito sa shop galing sa isang dinner kasama sina ditse, ang nakakatandang kapatid ni Cienne. Sa bahay lang naman nila, at ang saya lang kasi naka-skype pa namin si Camille, kambal ni Cienne na nasa US. Namimiss ko na din yun si Cams, after kasi namin grumaduate ay sumunod na siya dun kasama ang Mama at mga nakababata pa nilang mga kapatid.
"Frozen iced tea mo." lapag ni Cienne ng iced tea sa harap ko, "May utang kang kwento sakin ah? Tatlong araw mo na kong tinatakasan."
"Anong kwento?" di ko gets ang ibig niyang sabihin.
"Yung pag-uusap niyo ni Mika!" mataray niyang sagot. "Simula lang nung mag-usap kayo eh ang aga mo ng umuwi at hindi na kita naaabutan dito."
Napangiti ako at napailing. Ewan ko din kung bakit. It's like my heart skipped a beat nung marinig ko ang pangalan niya.
"Iba na yan, Vic.." iling ni Cienne na nakafocus ang mga mata sa itsura ko. "Ikaw? In love? Imposible!"
"In love agad?" tama. Hindi pa naman ako in love dun. By far, isang beses ko pa lang siya na meet. Wala akong number niya. Ni hindi ko nga alam ang apelyido niya!
"Bakit? Hindi ba? Yang mukhang yan? Isang beses ko pa lang nakita yan! Nung crush mo pa nun si Ditse! At college pa tayo nun!"