Chapter 32

6.4K 153 7
                                    

 

"Babe, kung gusto mong lumabas mamaya make sure mong napatay mo lahat ng appliances ha?" sabi ni Ivy habang inaayos yung sleeves ng damit niya. Balik trabaho na kasi siya.  Ako sana gusto ko ding magtrabaho pero ayaw niya kong payagan. Hindi niya daw ako sinama dito para pagtrabahuin.

"Opo," tugon ko habang nakahilata lang dito sa kama. Kakagising ko lang kasi.

"Nagluto na ko ng breakfast mo diyan. Mamaya kung makakauwi ako sa lunch break, magdadala na lang ako ng lunch natin, I'll let you know.."

"Opo,"

"Sige na. Aalis na ko. Nasa baba na sina Camille." lumapit na siya sakin at hinalikan ako sa noo at kinuha na ang phone niya sa side table.

"Ingat kayo."

"Thanks! Bye!" narinig ko na lang ang pagsara niya ng pinto.

Sa totoo lang, ito lang naman yung hinihintay ko. Yung makaalis lang siya, gusto ko kasing maka video call si Ara ngayon. Lumabas muna ako ng kwarto at sumilip sa main door kung nakaalis na siya ng tuluyan.

Wala na siya kaya bumalik na ulit ako sa kwarto para buksan ang laptop ko. Alam ni Ara na ngayon ako tatawag sa kanya, napaalam ko na yun sa kanya kagabi pa. Dito ko pumwesto sa mesa sa may balcony. Nag sign in na ko sa skype at naabutan ko namang online din si Ara. Agad ko ng dinial ang contact niya.

Nakakatatlong beses na, hindi pa rin niya sinasagot. Ang phone ko naman ang binuksan ko para ma message sana sa viber pero no need na kasi nagcall back na siya.

Nilagay ko na sa tenga ko ang earphones ko at sinagot ang call niya.

"Hi mahal!" agad kong bati. "Good morning!"

"Hi," ang tipid sa bati. Siguro pagod. Pero napansin kong namumugto ang mga mata niya at ang laki ng eyebags.

"Umiyak ka ba?" nag-aalala kong tanong.

"Hindi. Wala lang akong tulog kasi nagbantay ako sa shop simula kagabi. Wala pa kong tulog. Kamusta ka na dyan?"

"Okay naman." sagot ko. "Ikaw, kamusta? Anong balita dyan?"

"Wala naman." ang tipid talaga. Hay,

"Baka gusto mong matulog na lang muna?"

"Maya na lang," wala talagang kagana gana. Ano ba ang problema nito? Diba dapat nga maging masaya siya na kausap niya ko ngayon? Kahit hindi naman yung sobrang saya talaga, kahit yung maappreciate niya man lang na naguusap kami.

"May problema ba?" di ko na napigilan ang sarili ko. "Wala ka bang ganang kausapin ako? Hindi ka ba masaya na kausap mo ko ngayon?"

"Walang problema, Mika. Okay lang ako." hindi na siya ngayon nakatingin sa screen at parang may kinakausap. Si Tin malamang. Wala naman ng iba pang babae na nakikitira sa condo niya eh. Hinayaan ko na lang muna, hindi naman threat si Tin sakin, at hindi ko din naman naiintindihan ang mga pinaguusapan nila.

Nagtype na lang ako sa chatbox na babalik lang ako. Magtitimpla lang ako ng kape.

Hindi ko na hinintay pa na sumagot siya, busy pa naman siyang makipagusap sa kung sino man, o kung kay Tin nga. Tumayo na ko at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape. Kumuha na din ako ng isang pack ng Loacker at bumalik na dun sa balcony.

Pagbalik ko ay wala na si Ara sa bed niya. Kumain lang ako habang naghihintay.. Mga 15mins din bago siya bumalik.

"Saan ka galing?" agad kong tanong.

Nag hand gesture siya na wait lang daw. Lumipat din ata siya ng pwesto, ang gulo kasi pero kita kong bitbit niya din ang laptop niya. Maya maya pa ay nilapag na niya ito. Nakaupo na siya ngayon. Kanina kasi nakadapa siya sa bed niya. Napansin kong nasa balcony din siya.

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon