3 years later...
"Welcome hoooome!!!" pambungad na sigaw nina Jessey at Carol.
"OMG, Ye! Ang ganda ganda mo na talaga! Nung nagskype tayo nung isang araw, mukhang wala namang nagbago sa itsura mo ah? Bat ngayon ang ganda mo? Hmmn. Blooming!" dirediretsong sabi ni Carol.
"Ano ka ba, bakit naman hindi?" sabi ko. "Wala namang rason para magmukha akong losyang noh,"
"Bf," niyakap ako ni Jessey ng mahigpit. "I missed you.."
"I missed you too," kumawala na ko sa pagkakayakap sa kanya.
Nakita kong nagaakapan din si Carol at Ivy.
"Babe, yung mga gamit mo." puna ni Ivy habang dala dala ang mga gamit ko.
"Babe?!" sabay sabay na napatingin ang dalawa samin.
"Hoy, hindi kami nagkabalikan ah." depensa ko. "May girfriend na kaya yan." pangaasar ko pa. "Tawagan pa rin namin kasi. Nakasanayan lang," pag explain ko naman.
Tumango lang ang dalawa at tumulong na sa pagpasok ng mga bagahe namin.
Nandito kami ngayon sa condo ko. Wala namang nagbago sa itsura nito. Ganung ganun pa rin nung iniwan ko. Lahat ng gamit ko hindi na galaw, kahit pa paminsan minsan eh dito natutulog sina Carol at Jessey.
"So kamusta?" tanong ni Carol pagpasok naming tatlo nina Jessey sa kwarto.
Si Ivy kasi dun sa guest room matutulog, di na kami nagtatabi matulog ngayon kasi, hehe, medyo selosa kasi ang girlfriend niyang si Zoe. 5 months na din sila, at feel kong pinagseselosan ako nun.
"Okay naman ako." sabi ko nang makaupo na kami. "Kayo?"
"Ganun pa rin naman kami eh," sabi naman ni Jessey. "Ikaw kaya ang kamusta talaga? Once a month magparamdam? Minsan every other month, madalas once every 2 months! Buti pa si Ivy!"
Hahaha. Natawa ako. Actually, sinadya ko talagang minsan na lang magparamdam sa kanila. Nag distance muna kasi ako sa social networks. Pati sa viber, wechat, skype, sa halos lahat. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa trabaho.
Dun rin sa states ko nalaman na never sinabi nina Cienne kay Camille at Tigs ang nangyari samin, na ipinagpasalamat ko naman. Nagtaka sila kung bakit kami naghiwalay ni Ivy, pero di naman na sila masyadong nagtanong. Friends naman kami ni Ivy kaya wala naman naging problema.
Nakatrabaho ako sa pinagtratrabahuhan din nila, tinulungan naman ako ni Ivy kaya hindi ako nahirapan mag adjust. Buti nga na sa pangatlong taon kong to, ay pinayagan na kong magbakasyon. Sayang nga lang at hindi nakasama samin sina Camille at Tigs, last year kasi umuwi naman sila dahil nagpakasal na sila dito, sasama dapat ako nun, kaso mas pinili kong hindi, kaya si Ivy na lang ang sumunod sa kanila. Lokang mga yun nga eh, sosyal, pabalik balik lang dito sa Pilipinas, kaso this time, hindi muna sila sumunod dito.
"Huy,Ye!" kinalabit ako ni Carol. "Kamusta ka na nga? Nagcocommunicate pa din ba kayo?"
Huh?
"Nino?"
"Sino pa ba? Eh di si Vic?"
Lumakas ang kabog ng dibdib ko, ilang taon ko ding hindi narinig ang pangalang yan.