"Hi, mahal!" agad kong bati kay Ara pagbukas niya ng pinto. Mukhang nagulat pa siya nang mapagbuksan niya ko. Sinadya ko kasi talagang sunduin siya dito sa condo niya, uuwi kasi kami sa Tagaytay.
"Aga mo naman." kamot niya sa batok niya bago humalik sa lips ko. "Pasok ka muna.."
"Si Tin?" agad kong tanong. At sinilip kung nandito nga siya. "May dala pala akong breakfast oh, in case hindi ka nakapagluto."
Kinuha niya mula sakin ang paperbag ng Jollibee. "Thanks, timing baby, di pa ko nagluluto.. Wala si Tin, umuwi sa Pampanga."
"Ahh.." tumango tango lang ako at naupo na sa hapag. Pinapanuod ko lang si Ara habang hinahanda ang breakfast namin.
Hay. Ang gwapo na naman niya, nakakainis. Mukhang kagigising lang din, namamaga pa ang mata eh.
Huminga ako ng malalim at muli siyang tinitigan. Sana tama ang desisyon ko. At hindi ko pagsisisihan.
Nagusap na kami ni Ara pagkabalik na pagkabalik namin mula sa Puerto isang linggo na ang nakakalipas. Nakapagdesisyon na ko. Hindi siya nag comment sa desisyon kong ito though alam kong marami siyang worries about it.
Hindi na rin kami nagusap ng tungkol sa lahat ng nangyari sa Puerto, naisip namin na kalimutan na lang ang lahat ng yun. Ang araw lang na to ang importante para sa aming dalawa. One day at a time ika nga.
"Sayo ba tong pancakes, by?" tanong niya.
"Ah, oo. Sayo tong chicken. Akin na yan." nagpalit kami ng styro.
Nagsimula na kaming kumain at pinagusapan na lang namin kung ano ang mga gusto naming gawin pagdating sa Tagaytay mamaya.
Pagkatapos naming kumain ay pumasok muna si Ara sa kwarto niya para maligo. Sumunod naman ako para makahiga ako.
Kasalukuyan siyang kumukuha ng damit mula sa aparador niya. Pagkadaan niya sakin ay hinatak ko siya. Ikinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya, siya naman napahawak na lang sa bewang ko.
Nginitian ko siya, at dahan dahang pinaglapat ang mga labi namin. Magkadikit lang ang mga labi namin, walang gumagalaw. Hanggang sa naramdaman ko ang unti unti niyang pagngiti.
"I love you, Ara.." sabi ko nang bahagya kong nilayo ang lips ko mula sa kanya, magkadikit pa rin naman ang mga noo namin at nakapikit lang ako.
"Nararamdaman mo ba?" tanong ko nung hindi siya sumagot. Naramdaman ko na lang na tumango siya. "Hindi ka ba masaya?" dagdag ko pang tanong sa kanya.
"Masaya.." halos pabulong na niyang tugon.
"Mahal mo ba ko?" I know I sounded seductive when I said that, sorry, hindi ko mapigilan.
"Sobra." at pagkasagot niya nun ay muli niyang inangkin ang mga labi ko.