"Yang mukha mo na naman Vic ah." Hay. Ang aga aga, ako na naman ang sinisita ni Cienne. "Dagdagan pa natin lalo ang nguso mo para effortless na.."
"Gaga!" napatawa na lang ako. Loka loka talaga to. "Magconcentrate na lang tayo sa pagluto, hindi yung ako lang ang babantayan mo dito.." nakatawa ko pa ring sabi.
Nandito lang kami ngayon sa bahay nila Cienne. Wala din kasi sina Ditse kaya ako na nagsama sa kanya dito para magluto ng lunch. Ngayong araw na dadating si Camille at ang fiance niya kaya syempre nagprepare naman kami para sa kanya. Kaso ayun, ayaw niyang malaman muna ng iba pa naming mga kaibigan na uuwi siya.
Speaking of, hindi pa rin nagpaparamdam si Mika sakin. Okay lang, naiintindihan ko namang sa mga ganitong oras, marami rin siyang iniisip. May mga mas importante siyang gagawin. At iba ang priorities niya, hindi ako. Ngayon din kasi uuwi ang girlfriend diba? Hay.
Pilit ko na lang muna cinacast out si Mika sa isip ko, pati ang sitwasyon if ever yung katrabaho nga ni Camille ang girlfriend niya na uuwi. Maliban sa masakit dibdibin, ay alam kong magiging complicated lahat. Complex na nga masyado yung relasyon namin ni Mika eh, mas lalong magiging magulo lang pag nalaman pa nina Cienne.
Kaya heto. Concentrate muna sa paghiwa ng manok.
"Tapos ka na dyan?" sigaw ni Cienne mula sa kabilang side ng kitchen. "Sinimulan ko ng mag saute dito.."
"Patapos na!" ganting sigaw ko. Lumapit na ko sa kanya at binigay ang isang bowl ng nahiwa ko ng chicken. "O,"
"Thanks. Yung pork naman, Vicky.." utos niya. "Thanks ulit."
Hinugasan ko na ang pork at sinimulang hiwain din. Parang fiesta lang. Si Camille at ang fiance niya lang naman ang uuwi dito diba? Diba? Urgh. Kinakabahan ako.
"Cienney..."
"Yes?"
"Dalawa lang naman sila ang uuwi dito ngayon diba?" pasimple kong tanong.
"Ata?" sagot niya habang nakafocus lang sa pagluluto. "Di naman nagpasabi si kambal eh.."
Hay. Lumakas pa lalo ang kabog ng dibdib ko. Ano ba naman yan. Wag na muna isipin, Vic.
Pasado alas onse na nang matapos namin ni Cienne ang mga dapat ng lutuin. Naligo na muna ako kasi ang lagkit ko na dahil sa pawis. May mga damit naman ako dito kaya timing na din.
"Manang, paki takpan na muna." naabutan ko na naman siya dito sa kitchen na nagbibigay instructions kay Manang, "Nagtext na ba si Kuya kung saan na sila?"
"Nagtext na Cienne, pauwi na daw. Ako na ang bahala dito.." sagot naman ni Manang habang nililigpit ang mga pinaglutuan namin.
"Pst!" sitsit ko kay Cienne. "Ligo ka na nga muna dun."
"Tara, samahan mo ko sa taas.." yaya niya.
Nubayan. Dun na ko galing eh. Inakbayan ako ni Cienne at inakay papunta sa kwarto niya. Pagpasok namin, nahiga na muna ako sa kama niya at nagbuklat ng mga magazine na binabasa niya. Nakakalat lang kasi sa kama niya.
"Bat di ka na lang naging feature writer sa mga magazine noh?" puna ko.
Naghahanap siya ng mga isusuot niya mula sa cabinet. "Epal ka! Di naman ako magaling magsulat.."
"Seryoso ako.." seryoso naman talaga ko. "Sa kakabasa mo ng mga to, sigurado naman akong natuto ka na ng mga ibat ibang style ng pagsusulat."
"Wala yan sa mga plano ko Vic." mataray niyang sagot. "Dyan ka na muna. Ligo na ko." saka siya pumasok sa CR.
.
.
.
.