Where kayo now? Ingat ah. At wag masyadong didikit jan sa Tin na yan. :P
Mehehehe. Di ko maiwasang mapangiti sa text ni Mika. Kinikilig ako na parang baliw lang. Kaninang umaga pa kami magkatext at kanina pa din ako napapangiti mag-isa.
Hindi po ako dumidikit sa kanya. At ksama nman namin si Cienne. :* :> reply ko.
Nandito kami ngayong tatlo nina Tin at Cienne sa MOA. Gala lang since day off naman ni Tin at bored kami ni Cienne sa shop. Para na rin daw magcatch up silang dalawa.
Sa mga kaibigan ko, si Cienne ang pinakaclose ni Tin dati. Kahit nga nung naghiwalay kami, nakakausap niya pa rin si Cienne. Alam ko yun kahit hindi sinasabi ni Cienne sakin. Alam kong kinakamusta niya ako kay Cienne, tinatanong ang mga kaganapan sa buhay ko. May pinagsamahan din sila. Kaya ngayon, ako ang OP.
"Vic, meryenda kaya muna tayo?" kalabit sakin ni Cienne. "Pagod na din ako maglakad eh." dagdag pa niya habang inistretch ang balakang yan. Hahaha. Nakakatawa siyang tingnan.
"Saan mo gusto, Tin?" baling ko naman kay Tin ngayon.
"Kahit saan na lang.." parang nahihiya niyang sagot. Bat kaya ganito to ngayon? Medyo cold sakin pero pag kay Cienne naman madaldal.
Naglakad na kami papunta sa J.co nang maka receive ako ng reply ni Mika.
Siguraduhin mo lang. I miss you, baby. :* <3
"Yan, diyan ka talaga magaling, Victonara. Sa pagngiti ngiti ng mag-isa." tinakpan ni Cienne ang phone ko at pinaharap ang mukha ko sa kanya. "Sabi ko, anong flavor yung sayo?"
"Ano ba yan, Cienne!" tinanggal ko ang kamay niya. "Kahit ano na lang diyan. Dalawa ha? Tapos iced coffee. Salamat!"
Nang makahanap na ko ng upuan ay nagreply na ko agad kay Mika.
Miss you too, mahal ko. <3 J.co kami. Kain. Ikaw? Kain ka na din diyan. Sent.
*envious* Gusto ko din J.co. :/ Bilis naman mag reply.
Bleh. >:) Mwah! :*
Hay. Para akong highschool na may textmate. Di kasi kami magkikita ngayon kaya text na lang daw muna. Di naman kami makapag-usap pag nag call ako kasi nasa Spa niya siya. Bawal daw maingay.
Tinago ko na muna ang phone ko dahil dumating na si Cienne at Tin bitbit ang isang tray ng inorder nilang pagkain namin.
"Hay nako Tin, sabi ko naman diba? Iba talaga pag dito sa Manila.." daldal ni Cienne. Hindi nawawalan ng masabi eh.
"Oo nga eh. Naninibago din ako. Sa traffic. Sa weather. Sa..."