Pagdilat ko pa lang ng mata ko ay malakas na agad ang kabog ng dibdib ko. Nakakabingi sa sobrang lakas. Wala akong ibang gustong gawin kundi kunin ang cellphone ko, tawagan si Ara at yayain na lang umuwi sa Tagaytay. Natatakot ako. Alam kong pag nakasama ko si Ara, hindi man mawawala pero kahit papaano, makakalimutan ko ang takot na yun.
Pero hindi ko ginawa. Hindi ko kayang gawin. Kasi ngayong araw na dadating si Ivy. Ang girlfriend ko. If I call Ara, mas lalo lang akong matatakot. Takot sa mga desisyong kailangan kong harapin, gawin, at panindigan.
Napabalikwas ako ng higa pagkaring ng phone ko sa tabi ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag, basta ko na lang sinagot.
"Hello?"
"Ye, nasaan ka na?" si Carol lang pala.
"Bakit? Nakahiga pa!"
"Boba, susunduin na natin si Ivy! 12:30 ang time of arrival niya! 12 na! Traffic pa papuntang airport!"
Shoot! Oo nga pala! How can I forget?!
"Sige, daanan mo ko dito, mag ayos na ko.. Bye."
Binaba ko na ang phone at nagsimulang mag-ayos.
.
.
.
.
.
"Urgh! Traffic!" reklamo ni Carol habang naghohonk sa kotse sa harap niya.
"Kainis nga eh. Baka naghihintay na yun!"
"Baka din kasi sobrang aga mong nagising noh?" mataray na sabi niya sakin. "Sa dinami dami ng araw na pwede kang tanghaliin ng gising, ngayon pa talaga.."
"Sorry naman.."
"Ano na naman ba ang inisip mo kagabi? Napapadalas na yan.." pagtingin ko kay Carol ay nakafocus lang ang mata niya sa daan. Wala namang bahid ng expression sa mukha niya pero alam kong may laman ang sinabi niya.
"Wala. About lang dun sa spa." sagot ko.
"Sigurado ka?"
"Oo."
"Okay... Paniniwalaan ko yan." napabuntong hininga ako. "Sa ngayon..."
Tinaasan niya ko ng kilay saglit at nagfocus na ulit siya sa pag mamaneho. Buong biyahe nanahimik na lang ako at pilit kinalimutan ang naging conversation namin ni Carol. Ayokong bigyan siya ng karagdagang pagdududa. Close sila ni Ivy at pag naka-away ko ang isa kanila, sila ang magkakampi.
.
.
Nakarating na kami dito sa airport pero hindi pa namin nakikita ni Carol si Ivy. Nasaan na ba ang babaeng yun? Excited naman akong makita siya, and admittedly, miss na miss ko na din siya, hindi ko lang alam kung bakit natuon ang mga paningin ko sa babaeng parang naghihintay din... May hawak na frappe. And the logo of the cup is to blame...
.
.
.
.
.
.
.
"Carol, samahan mo naman ako please..." kanina pa ko nagmamakaawa kay Carol na samahan akong balikan ang wallet ko sa coffee shop. Sure kasi akong dun ko naiwan kahapon, at nagbabakasakali lang naman akong yung may ari ang nakatago nun.
"Ye, nakikita mo ba yan?" turo niya sa mga nakatambak na papel. "Yan pa ang mga kailangan kong i-revise na proposals..."
Hay. Nagbuntong hininga na lang ako at niligpit na ang mga gamit ko. "Sige na nga lang.."