"Aray naman. Shit." Tsk. Pinahid ko na ang part ng braso ko na natalsikan ng oil.
Ewan ko din bat maaga akong nagising ngayon. Nagluluto ako ng breakfast para kay Tin, maya maya lang ay nandito na yun galing trabaho.
Pagkatapos kong magluto ay pumasok muna ulit ako sa kwarto para tingnan ang phone ko. Urgh. Wala pa ding text galing kay Mika. Nag-aalala na ko, pero wala eh, baka lang busy. Wala din naman akong karapatang magdemand ng oras niya.
Iniwan ko na lang muna na naka charge ang phone ko at lumabas. Binuksan ko na lang ang TV sa sala para manuod ng news.
Maya maya pa ay dumating na rin si Tin.
"Vic?" rinig kong tawag niya pagkapasok niya sa pinto.
"Nandito ako.." pasigaw kong sagot.
Dumungaw lang siya dito sandali at nag-hi sakin bago pumasok sa room niya. "Wait lang ah? Maliligo lang ako."
Nagthumbs up lang ako sa kanya pero tumayo na ako para pumunta sa kusina at ihanda ang mesa. Knowing her, mabilis lang gumayak yun.
Nagtimpla na ako ng juice at naglagay ng mga plato sa mesa. Di naman ako nagkamali, maya maya pa ay lumabas na din si Tin.
"Nagluto ka pala," sabi niya at naupo na rin.
Inabutan ko siya ng rice. "Maagang nagising eh."
"Ahhh." tango niya. "Nga pala, pasok ako ng maaga mamaya. Baka di na ko magdinner dito." Hindi ko alam kung nagpapaalam siya o ano. Siguro nakasanayan lang. Ganyan na din naman siya dati, di ko na kailangan magtanong, bago pa man siya gumawa ng isang bagay ay sasabihin niya muna sakin. "Ikaw? Saan lakad mo mamaya?"
Nagkibitbalikat lang ako. "Ewan. Di ko pa alam."
"Wala kayong lakad ni Mika?" nagsimula na siyang kumain.
"Tuesday ngayon.." maikli kong sagot.
"Bakit? Ano meron mag Tuesday?" curious niyang tanong.
"Work day para saming dalawa.."
"So sa shop ka lang?"
"Most likely.."
Napansin niya sigurong wala ako sa mood sumagot ng mga tanong tungkol kay Mika kaya di na siya nagtanong pa ulit. Nagkwento na lang siya ng tungkol sa officemate niya.
"Pumayag ka?!" di ko alam bat ako nagtaas ng boses.
"Oo eh.." napayuko siya. "Wala naman kasing trabaho sa araw na yun."
"Sorry," paumanhin ko. "Wala pala ako sa posisyon para mag react ng ganito. Nabigla lang." Pag explain ko naman.
Niyaya siya ng office mate niyang lalaki na magdinner sa day off nila. Hindi ko alam bat biglang ganito ang naramdaman ko. Parang tutol akong umalis siya kasama ang lalaking yun. Hindi naman ako nagseselos diba? Concerned lang ako. Tama, concerned lang ako.
"Vic.." hawak niya sa kamay ko. "Kung ayaw mo, sige sabihin ko na lang na--"
"No." putol ko sa sasabihin pa niya. "You should go. Buhay mo yan eh.." nginitian ko siya at nagpatuloy na sa pag kain.
"Thanks.." ngumiti na din siya.
Hay. Ang gulo ng pinasok kong sitwasyon. Pero mas okay na tong nandito si Tin sakin, mababantayan ko siya at alam ko ang mga gagawin niya, malayo siya sa kapahamakan.
Pagkatapos naming kumain ay ako na lang din ang nagligpit. Alam ko kasing pagod to at kailangan niya pang matulog.
Pumasok na ko ulit sa kwarto at timing naman na nakatanggap ako ng message. Sana si Mika..