"Ano ba, nasasaktan ako!" pilit na inaalis ni Mika ang kamay ko sa braso niya.
Pinagpapalo na nga niya ko gamit ng kabila niyang kamay pero patuloy ko pa rin siyang hinihila papunta sa hotel niya.
"Ara teka lang, hinihingal na talaga ko eh.." dun lang ako tumigil sa paghatak sa kanya pero hindi ko pa rin binibitawan ang braso niya.
"Pa yosi yosi ka lang kanina tapos magrereklamo kang hinihingal ka?" inis kong sabi sa kanya.
"Hoy!" batok niya sakin pagkatanggal niya ng kamay ko sa braso niya. "Ano ba talaga ang problema mo?"
"Next time wag kang magpapakita sakin na may ka flirt.." napa smirk na ko.
"Hahaha!" tumawa siya at sinabunutan ako ng mahina.
"Aray ah!" reklamo ko naman saka hinimas ang ulo ko.
Nagsimula na kaming maglakad ng maayos pauwi sa hotel niya. Malapit na rin naman. Kumuha siya ng yosi mula sa pouch niya at inabutan ako. Ngayon ko lang nalaman na nagyoyosi pala siya, I mean kanina pala dun sa bar.
"You call that flirting?" tanong niya pagkatapos magsindi.
"Eh ano pa nga ba?" sabi ko pagkatapos ko ding magsindi.
"Kung flirt na ang makipagusap sa mga tao ngayon, ano naman ang tawag sa ginawa niyo ng hitad kanina aber?" nakataas pa ang kilay niya nung sinabi niya yun.
"Siya lang ang humahawak sakin.."
"Tsk tsk.." iling niya. "Gusto mo naman? Haha!" tumawa ulit siya at nagsip sa yosi niya.
"Hala! Sinabi ko bang gusto ko yun?" actually, okay lang naman sakin yung ginawa ni Trisha. Hindi naman na gusto ko, sakto lang, okay lang.
"Hindi mo nga sinabi pero you looked like you enjoyed it." nagsmirk ulit siya at nauna ng maglakad.
.
.
.
Nagaabang na kami ngayon sa elevator paakyat sa room niya.
"Dito ka matutulog?" tanong niya pagpasok namin sabay akbay sakin at pinatong pa niya ang baba niya sa balikat ko.
"Ayaw mo?" silip ko sa mukha niya.
Urgh. Sobrang ganda niya sa malapitan, nakakainis. Halos nagaaway na nga kami kanina habang naglalakad pero ang kalma pa rin ng mukha niya, parang walang problema.
"Uhm, okay lang... pero baka kasi hanapin ka ng mga kaibigan mo." umayos na siya pero inaakbayan niya pa rin ako hanggang sa naglakad na kami palabas ng elevator papunta sa room niya.
Kinuha na niya ang card niya mula sa pouch niya at ni-swipe na sa lock ng pinto.
"Di na ko hahanapin ng mga yun.." humilata na ko sa kama.
"Oo, kasi iisipin ng mga yun nakipag one night stand ka sa babaeng kasama mo kanina.." she came up with a smirk again pero ang kalma pa rin talaga ng mukha niya.
Nilagay niya na ang pouch niya sa mesa at inilabas mula dun ang phone niya.
"Wait lang may tatawagan lang ako.." sabi niya at umupo sa silya.
Pumikit na ko dahil nakaramdam na ko ng antok gusto ko pa sanang hintayin siya, pero wala eh. Inaantok na talaga ko.
.
.
.
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Ang lamig naman ng aircon. Pshh. Nagtalukbong na ko ng kumot.