Chapter 12

12.4K 148 27
                                    

"Tin!" niyakap ko na si Tin. "Miss kita, sobra!"

Tinap naman niya ko sa likod. "Tama na, ang sama ata ng tingin ng girlfriend mo satin.."

Shit. Si Mika pala. Kumawala na ko sa pagyakap sa kanya.

"Mukha ngang miss niyo ang isa't isa ah.." si Mama, tumayo siya at bumeso na rin kay Tin.

"Hi Tin!" si Kuya Jun naman tumayo na rin at dumaan muna sakin at bumulong. "This means war.." saka siya tumawa ng malakas at dumiretso sa taas.

Sinabay ko na papunta sa sofa si Tin at pinaupo, napagitnaan nila ako ni Mika pero sa kanya ako nakaharap. Si Mama at Papa naman dumiretso na sa kwarto nila. Ano ba yan. Iniwan kaming tatlo dito.

Paki-spell nga ng awkward? K-a-m-i-n-g t-a-t-l-o yun diba?!

Urgh. Pero na miss ko talaga tong si Tin.

"Kamusta ka na?" pagbasag ko ng katahimikan. "Ahm," sumandal ako bahagya para makita nila ang isa't isa, "Tin si Mika pala..."

"Girlfriend niya.." inirapan lang siya ni Mika. Inabot ni Tin ang kamay niya pero nagcross arms lang siya.

"Sorry.." bulong ko kay Tin.

Ngumiti lang siya at kinurot ako sa pisngi. "Na miss kita, Victo.."

"Mukhang na miss niyo pala ang isa't isa.." tumayo na si Mika at dumiretso sa hagdan pa akyat. "Dun na muna ako sa kwarto mo, VICTO ah?"

Di pa nga ako nakasagot pero mabilis na siyang umakyat ng padabog. "Mika!"

Hindi niya ko sinagot. Narinig ko na lang ang medyo lumagapak na sound ng pagsara niya ng pinto. Hahahaha. Ang childish ni Mika, pero mahal ko yun, kaso mamaya ko na lang siya susuyuin.

Si Tin muna ngayon. Tagal din naming di nagkita nito eh..

"Selosa pala girlfriend mo?" tumawa siya at hinampas pa ko ng mahina. Magkaharap lang kaming nakaupo.

"Sobra.." napa smile ako ng sinabi ko yun. Nakakakilig kaya ang may selosang girlfriend.

"Diba ayaw na ayaw mo sa babaeng selosa? Lagi tayong nag-aaway dati kapag may pinagseselosan ako eh.."

Iba na ngayon, Tin. Gusto kong sabihin yun pero ayaw ko namang ma offend siya. Plus ayoko rin namang magpahalata na may problema kami ni Mika sa relasyon namin.

"Ah.. Well, selosa siya in a good way naman.." pangatwiran ko.

"Maganda siya.." komento niya.

"Si Mika yun eh.." pagmamalaki ko naman.

"Pang ilan siya sa mga babae mo ngayon?" hindi ko alam kung joke niya yun, nakatawa kasi siya pero parang ako ang tinamaan.

Baka dapat kasi ako ang sabihan kung pang-ilan akong babae niya.

"Siya lang, Tin.."

"Weh?" di makapaniwalang sabi niya. "Naks ah! Loyal ka na pala ngayon.."

"Oo naman.."

After Tin and I broke up, dun na ako nagsimulang makipagkita sa iba't ibang babae. Tin knew about it and siyempre na disappoint siya. Akala niya kasi pag nagbreak kami, magtitino na ko sa buhay at mag focus sa pag-aaral ko. Pero hindi, lalo lang lumala ang nangyari sakin.

"Lucky her.." sabi niya in a serious manner.

Ayokong mag assume, pero bakit nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan pa siya? Siya ang nakipag break sakin dati, galit ako sa kanya dati, pero napatawad ko naman na siya kaya nga komportable na kong makipag usap ulit sa kanya ngayon.

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon