"Nice to finally meet you, Yeye!" niyakap ako ng kaibigan nila na ang pangalan ay Aiko.
"Uhm, hi." awkward akong nakipagkamay sa kanya pagkakalas niya sa yakap niya sakin.
"Pasok kayo, pasensya na hindi na ko nagligpit pa kasi aalis naman na kami sa makalawa ng kapatid ko." she lead the way papunta sa kitchen.
Pagpasok namin ay may mga nakahanda ng pagkain sa mesa. Kami lang ang bisita ni Aiko. Ang tahimik nitong apartment niya, sila lang kasi ng kapatid niya ang nakatira dito. At lilipat na sila sa Texas 2 days from today para makasama ang mga magulang nila.
Naupo na kami sa hapag. As usual, todo asikaso pa rin si Ivy sakin. Naiilang ako na ginagawa niya to. Nakokonsensya ako sa sinabi niyang kahit plastican na lang muna. Grabe, ang sama ko ng tao, pero wala akong magagawa. Hindi pa man kami nakakapagusap kay Ivy, naiisip ko na ang magiging buhay ko kasama si Ara.
Kasi hindi ko na talaga kaya pang itago at pigilan. Hindi ko na kayang mag stay sa relationship namin ni Ivy kasi, si Ara na talaga ang mas matimbang. At napapagod na kong itago na lang sa sarili ko ang nararamdaman ko.
"Yeye, ayaw mo ba sa food?" napukaw ang atensyon ko sa tanong ni Aiko. Napatingin ako sa kanya. Nag-half smile na lang ako sa kanya at nagsimulang kumain.
"Pagod lang tong babe ko," hinimas himas pa ni Ivy ang likod ko.
"So, Aiks.. Tuloy na tuloy na talaga, huh?" pag change naman ni Camille ng topic.
"Yup! Excited na nga sila Mama." halata din naman sa itsura ni Aiko na excited din siya. Sana gaya ko na lang siya, masayahin lang at parang walang problema.
The whole time na kumakain kami, hindi man lang ako nakapagsalita. Puro tango, iling, at ngiti lang ang ginawa ko. Parang ayaw lumabas ng boses ko. Parang feeling ko kailangan kong i-reserba ang boses ko para sa paguusap namin ni Ivy mamaya.
"Goodnight, guys!" pagpapaalam na nina Cams bago pa sila tuluyang makapasok sa unit nila.
Nagwave lang ako sa kanila at binuksan na rin ang pinto ng unit namin. Nakasunod lang si Ivy sa likod ko.
Habang papasok kami ni Ivy, ay palakas din ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Pagpasok sa kwarto ay dumiretso lang ako sa kama at naupo. Tiningnan ko si Ivy habang nakatitig lang sa sarili niya sa salamin. Gusto ko siyang lapitan at yakapin at damayan na lang sa sakit ng nararamdaman niya ngayon. Pero kung gagawin ko yun, mas lalo ko lang siyang pahihirapan.
Yumuko na lang ako, hihintayin ko na lang na siya ang unang kumausap sakin. Hindi ko kasi alam kung paano ako magsisimula.
Maya maya pa ay naramdaman ko na lang ang dahan dahang pag upo ni Ivy sa tabi ko. Pag angat ko ng ulo ko ay nakita kong naka cross sit siya at nakaharap sakin. Nakapatong sa binti niya ang unan na nakasanayan niyang dantayan tuwing gabi.
Ang blank ng expression ng mukha niya pero nangingislap na dahil sa luha ang mga mata niya.
"Why?" mahina niyang tanong. Umiwas ako ng tingin sa kanya, parang hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata. Ramdam na ramdam ko kung gaano ako kasamang tao. Kung gaano ako kasamang girlfriend sa kanya. Kung paano ko siya na take for granted, kung paano ako nanggago sa relasyon namin.
"I don't know." I let out a heavy sigh. "Hindi ko alam kung bakit ko nagawa to sayo." tumulo na ang mga luha ko. Ang sakit din pala. Nasasaktan ako na nasasaktan ko siya. Ang sakit eh. Ang sakit na ang taong kaharap ko ngayon, ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako ay nasasaktan ko.
"Si Vic, right?"
Napaangat ako ng tingin sa kanya. This time, na magnet na ang mga mata ko sa kanya.