Chapter 24

9.7K 156 27
                                    

Parang kakapikit ko pa lang ng mata, nagising na naman ko. Tininanggal ko ang pagkakayakap ni Ivy sakin at inabot ang phone ko sa side table para i-check ang oras. Alas sinco pa lang ng umaga. Na ang ibig sabihin eh halos dalawang oras pa lang akong nakakatulog.

Bumangon na ko. Pumasok ako sa banyo at pinaandar ang shower. Kailangan kong lumabas, kailangan kong magpahangin.

Paglabas ko galing banyo ay tulog na tulog pa rin si Ivy kaya hinayaan ko na lang siya. Naghanap ako ng scratch paper at ballpen para mag iwan na lang ng note.

Magpapahangin lang ako sa labas. I won't be long and I'll bring breakfast for us. Wait for me. I love you. <3 yeye

Minagnet ko sa ref ang note kasi alam kong paggising ni Ivy sa ref siya unang pupunta para uminom ng malamig na water.

Pagkatapos kong magsuklay ay kinuha ko na ang susi ng kotse ko.

.

.

.

.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero dito ako dinala ng 'ihip ng hangin' sa Taft Tower. Hindi ako nagpark sa loob mismo dahil baka makita ni Carol ang kotse ko, mahirap na.

Nandito ako ngayon sa 7/11 at sinusubukang tawagan si Ara. Nakailang missed calls na ko pero hindi pa rin siya sumasagot. Malamang, alas sais pa lang ng umaga. Tulog pa siya at hindi ko rin alam kung anong oras na sila nakauwi kanina... or worse, hindi pa sila nakakauwi. Tsk. Di tuloy ako mapakali.

Naalala ko pa rin kasi ang naging reaction ni Ara kagabi. Nakokonsensya ako. Pareho lang naman kasi kaming hindi na warn, diba? Or baka alam nya na, hindi lang siya nakatakas sa kanila. Hay.

Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko nang mag call back si Ara.

"He-hello?" di ko alam bat nauutal ako.

"Why are you calling? Ang aga aga pa. At hindi mo ba kasama ang girlfriend mo ngayon?" halatang bagong gising ang boses niya. At hindi ko din maiwasang masaktan... at the thought of Ivy syempre. Parang ang desperada ko ng babae.

"I'm here sa 7/11..."

"O tapos?" walang gana niyang tanong.

"Can you at least come down here?"

"Okay."

Sasagot pa sana ako para magpasalamat pero binaba niya na ang phone. Feeling ko tuloy galit na galit siya sakin. Argh Mika! Ang tanga mo talaga! Feeling mo lang galit siya? Paanong hindi magagalit eh nasaktan mo siya?!

Mabilis ko ng inubos ang kape ko at pinatay ang halos nakalahati ko pa lang na yosi. Naghintay na ko sa tapat ng building at hinintay si Ara.

Wala pang 5 mins ay nakita ko na siya. Nakahoodie siya at naka sweat pants. At halata ang pamamaga sa mata niya.

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon