Chapter 11

13K 153 12
                                    

1 month. That was all it took for me to fall for her. Everything about her is perfect. In fact everything about us is perfect...

Except for one.

Kami lang ang tao dito sa bahay namin sa Pampanga. Si Mama at kuya Jun namalengke dahil nag request si Mika ng Bulalo. Si Papa naman nasa trabaho. Gusto ng pamilya ko si Mika. Kahit kahapon ko pa lang siya dinala dito, nagustohan agad siya ni Mama at Papa. Aside from friends kasi, siya pa lang ang pangalawang babaeng pormal na pinakilala ko sa pamilya ko.

Alam kong parang tinratraidor namin ang pamilya ko. Pareho kaming nagsinungaling sa mga ito.

Una, hindi ko naman siya legit na girlfriend.

Pangalawa, parang binibigyan namin sila ng false hopes, tingin kasi nila seryosong seryoso kami sa relasyon namin.

Pangatlo, kabit ako ni Mika. Bagay na alam kong sobrang masasaktan ang mga magulang ko pag nalaman nila ito.

Insensitive si Mika. Alam ko. Selfish siya. Alam ko din yun. Pero mahal ko eh. Mahal ko na.

At sa tingin ko, wala ng mas sasakit pa sa sitwasyon ko ngayon...

Magkaharap kaming nakaupo dito sa garden ngayon.

Her laptop between us.

My ear phones plugged in, nakikinig lang sa music.

Si Mika? Andito. Ear phones plugged in din. Kausap ang girlfriend niya sa skype. Hindi ko nga alam kung ano ang alibi niya sa girlfriend nya. Magaling siyang magpalusot dito. Naaawa nga din ako. Pero wala, di ko kayang bumitaw.

Masakit.

Sobrang sakit.

Pero wala eh. Mahal ko.

.

.

"Mika? Anak?" napalingon ako at nakita kong kinakawayan kami ni Mama. Nakabalik na pala sila.

Agad akong tumayo. "Tapusin mo na yan. Ayokong malaman ng mga magulang ko.." i made sure naman na mahina ang pagkaka sabi ko bago pa ko tuluyang umalis. Hindi siya tumingin sakin, tsk. Best actress. Pero alam kong narinig niya ko kasi umiba bigla ang expression sa mukha niya.

"Ma.." yumakap ako kay Mama mula sa likod habang hinuhugasan niya ang mga buto.

"Naglalambing ka na naman. May kailangan ka?" tumawa siya ng konti at nagpatuloy sa ginagawa niya. "Nasan na pala si Mika?"

Tsk. Mika na naman.

"Parang mas mahal niyo pa si Mika kesa sakin eh.." nagkunwari akong nagtatampo.

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon