3 weeks later...
"So, okay lang dun sa Tin na yun?" curious na tanong ni Carol sakin.
"Sabi ni Vic, okay lang naman.." sagot ko.
"Okay.." nagkibit balikat na lang si Carol at uminom sa iced tea niya.
"Pwede bang wag na lang natin silang pag-usapan? Okay na kami ni Vic. Ewan ko dun kay Tin." kinuha ko na din ang baso ko at uminom.
"Grabe... Okay kayo ni Vic. Eh ikaw? Okay ka lang? Wala ka ng worries?" ano ba tong si Carol. Kakasabi ko lang na wag pag-usapan eh. In fairness naman sa kanya, naging interesado naman siya sa amin ni Ara.
"May dapat pa ba akong ipagalala pa, Cars?" balik tanong ko sa kanya. "Sa lahat ng nangyari, ano sa tingin mo?"
"Hindi ka na kasi ganun ka emosyonal ngayon." seryoso niyang sabi. "Unlike before. Kung in love ka, nasa aura mo talaga na in love na in love ka. Pag malungkot ka, ang OA mo na hindi makausap ng maayos, pag galit ka or nasasaktan iyak ka lang ng iyak."
"People change.." ngiti ko sa kanya saka inubos na ang natitira pang iced tea sa baso ko.
"Vic made you change, Ye.. Gusto ko yung dating Mika. Yung Mika nung wala pang Vic sa buhay niya. Yung 'Yeye' ang gusto ko," bakas sa boses ni Carol ang pagtatampo. Eh ano naman ang magagawa ko? Hindi ko naman na pwedeng burahin si Ara sa buhay ko.
"Ano ba ang magagawa ko?"
"Wala na nga,"
Natahamik na kami ni Carol at nanuod na lang ng TV. Maya maya pa ay nagring ang phone ko.
"Hello?"
"Hi. Nagdinner ka na?" tanong ni Ara sa kabilang linya.
"Kumakain naman kami ni Carol ngayon," sabi ko. Pagtingin ko kay Carol ay inirapan niya lang ako, nagbuntong hininga siya at nanuod na lang ng TV ulit.
"Kasama mo pala siya dyan," ramdam ko na nag aalinlangan siya. Simula kasi nung nanggaling kami sa Tagaytay, at nakausap niya rin si Carol ay naging awkward na silang dalawa.
"It's okay." sabi ko. "Ikaw? Nagdinner ka na ba?"
"Oo, kasama ko sina Cienne,"
"Eh si Tin?" patay malisya kong tanong.
"Mika..."
"Sorry,"
"Napagusapan na natin yan."
"Kaya nga.." Hay. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako sa kanila ni Tin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako masasaktan. Ewan ko. Siguro dadalhin ko na ang ganitong feeling habang buhay.
"So, ready ka na?" pag iba naman niya ng topic.
"Yup." at napatingin ako sa isang folder na nakapatong sa mesa, nandito to sa labas kasi binasa ni Carol.
"See you tomorrow."
"See you tomorrow," sabi ko. "Sabay tayong maglunch ha?"
"Yeah.."
Matagal siyang natahimik. Tiningnan ko ang phone ko kung ongoing pa ang call. Okay pa naman, natahimik lang talaga siya.
"Ara?"
"I'm here, sorry.." narinig ko na lang ang pagbuntong hininga niya. "Goodnight.."
"Goodnight, Ara.. I love you.."