Chapter 4

14.3K 172 30
                                    

"Ayaw kong makilala ako ng friends mo."

"Why?" tanong ko.

"Sabihin na nating, secret friends tayo.."

"Bakit nga?"

"Oops.. That's your 2nd."

Ito lang ang paulit ulit na nagflaflash back sa utak ko.

Nakasakay na kami ngayon sa eruplano bound for Caticlan. At si Mika ng aasar pa ata, kahilera ko pa siya, aisle lang ang pagitan namin. Nasa likod niya sina Kim at Mela kaya hindi ko siya makausap o matitigan man lang. Every now and then kasi kinakausap ako ni Kim.

Urgh. Hindi ko alam bat ako pumayag din sa ganito eh. Hindi na talaga ako si Vic pagkaharap ko si Mika. Alam niyo yun? Yung parang unti unti akong nagbabago.

Una, hindi ako nagtitiwawala ng basta basta sa mga babae. Heto ako ngayon, buong pagtitiwala ko sa kung ano mang plano nito ni Mika, ibinigay ko. Come what may na.

Pangalawa, hindi ako naiinlove. Ang cliche na ng love, wala sa vocabulary ko yan, pero... ewan, ang lakas ng dating ni Mika sakin. Ang genuine ng lahat ng mga ginagawa niya kahit pa parang ang dami niyang tinatago.

Pangatlo, gusto kong ipakilala ang mga nakakasama kong babae sa mga kaibigan ko dahil ayaw ko yung may tinatago at nahuhuli off guard. Pero ano tong ginagawa ko ngayon?

Ayaw kong mag isip. Gusto ni Mika maging spontaneous lang ang kung ano mang mga mangyayari samin, kaya sige, dahil diyan, makikinig na lang ako sa iPod ko at tigilan muna kung ano man tong iniisip ko. Pinaslak ko na ang earphones sa tenga ako.

Bago pa ko tuluyang makapikit ay sumulyap muna ako kay Mika. Naka earphones din siya habang nagbabasa ng magazine. Seryoso ang mukha niya, parang ayaw pa istorbo sa ginagawa niya.

At ang gagong lalaking katabi niya nakakainis na ah. Kanina pa titig kay Mika eh. Tsk. Mas nakakainis kasi hindi ako makapag react. Tsk. Paano ba naman kasing hindi siya titigan nito eh ang hot lang naman niya sa suot niyang crop top at leggings. Masyadong na emphasize ang curves niya, idagdag pang ang hot tingnan ng legs niya. Urgh.

Ano na naman ba tong mga iniisip ko.

***********

"Vic.." yugyog ni Kim sa balikat ko. "Nandito na tayo."

Nagkusot ako ng mata at nagthumbs up lang sa kanya. Nandito na daw eh maglaland pa lang ang eruplano. Kumuha ako ng kendi sa bulsa ng shorts ko... nakaramdam akong may mga matang nakatitig sakin.

Oh shoot.

Si Mika pala. Pagtingin ko sa kanya ay umiwas siya at parang may hinahanap sa bag niya.

"Psst!" muntik ko na din makalimutan na si Kim din pala nandito. Ano ba yan. Ang hirap ng sitwasyon ko, please.

"Ano?"

"Suplado!" umayos na ulit si Kim ng pag-upo.

Maya maya pa ay nagland na kami sa Caticlan airport. Hindi naman season ngayon kaya konti lang ang tawo. At kasabay pa namin si Mika sa shuttle. ang awkward pa rin ng pakiramdam ko, at ang hirap. Gusto ko siyang alalayan, tulungan sa mga gamit niya, makatabi. Pero hindi ko magawa. Dahil sa lintik na kundisyon niya.

Balang araw masasagot rin ang maraming katanungan ko, pero susundin ko na lang muna ang huling sinabi sakin ni Mika nung gabing huli din kaming nagkasama.

"Let's just go with the flow. No particular plans. Just let things be. Whatever happens, happens."

***************

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon