Chapter 7

13.5K 153 13
                                    

"See you in Manila."

Yan ang huling mga katagang narinig ko mula kay Mika. Dalawang linggo na rin ang nagdaan pero hindi pa rin siya nagpapakita sakin. Nagsisimula na kong mag-alala pero wala naman akong magawa.

Hindi siya akin.

Wala akong karapatang magdemand ng oras niya, ng atensyon, o ng kahit na ano.

"Vic.." pitik ni Cienne sa noo ko, "sabi ko magpahinga ka na muna."

"Ano ba yan Cienne!" himas ko sa noo ko, medyo masakit ang pitik niya sa noo ko ah.

"Umuwi ka na muna, ilang araw na rin na nag e-eighteen straight hours kang nandito sa shop." inirapan niya pa ko. As if ang laki ng kasalanan ko dahil 18 hours straight na araw araw akong nagbabantay dito sa shop. "Alam kong hindi ka nagbabantay ng shop." dagdag pa niya.

"Eh ano naman pala ang ginagawa ko dito kung hindi ako nagbabantay?" medyo mataray kong sagot saka nagsip sa yosi ko.

"Tinatanong ba yan?" okay, wala na pong mas mataray pa kesa dito sa bestfriend ko, "Malamang naghihintay ka na puntahan ni Mika dito!"

Okay, sapul ako dun.

"Diba?" tanong niya pa.

"Hindi kaya!" sige Vic, deny pa.

"Wag kang magdeny jan! Kilala kita Victonara!" saka niya tinadtad ng hiwa ang cake na kinakain niya. "Ilang babae mo na ang nagtetext sakin na hindi ka na nagpapakita sa kanila, ang kaibigan mong si Mela sakin ka hinahanap. Aba! Bago yun!"

"Hindi ba pwedeng na outgrow ko na ang mga kagaguhan ko?"

"No, Vic. You will never grow up kung ikaw lang." hoy Cienne ah! Nakakasakit ka na ng damdamin! " Tama ako, diba? Alam kong si Mika ang dahilan ng lahat ng to! Simula pa yan nung umuwi kayo galing Boracay.."

Okay, hands up na ko. "Kelan ka ba nagkamali." pabulong kong sabi saka tumingin sa mga taong dumadaan sa labas ng shop.

"Wag mo kong pinipilosopo jan!" hampas niya ng mahina sa mesa. "All I'm trying to say is, magpahinga ka muna.." kumalma na siya ng konti. "Tingnan mo yang eye bags mo, parang ilang taon kang pinagkaitan ng tulog."

"Oo na, oo na!" nakakapagod makipag sagutan dito kay Cienne, hindi naman kasi ako nananalo.

"Go home, and sleep!" mariin niyang sabi. "Ako na muna ang bahala dito. Take a week off."

Di na ko sumagot. Tinapos ko na lang ang yosi ko at nagexcuse muna kay Cienne para mag CR.

Paglabas ko ay naabutan kong may kinakausap na si Cienne.

"Mika?" di ko na naiwasang sambitin ang pangalan niya.

Siya nga! At hala! Ang hot niya lang naman sa suot niyang loose na long sleeves na naka tuck in sa skater skirt niya.

"Hi Ara!" malayo pa ko sa kanila pero binati na niya ako at kumaway pa sakin. "Paano Cienne? Hihiramin ko muna itong si Victonara ah?" sabi niya paglapit ko at kininditan pa si Cienne.

Hinatak na niya ko palabas ng shop. "Saan tayo pupunta?"

"Basta.." sabi niya. "Give me your keys." lahad niya ng kamay niya sa harap ko.

Ako namang si madaling bumigay ay inabot na sa kanya ang susi ng kotse ko. Wala ng maraming salita, naupo na siya sa driver's seat at ako naman umikot na at umupo sa passenger's.

Tahimik lang kaming nagbyahe. Kanina ko pa siya kinukulit kung saan kami pupunta pero hindi niya ko sinasagot so I decided to just sit back and shut up.

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon