Di pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na pumayag ako. Na pumayag akong maging kabit ni Mika. Pero matatawag ba akong kabit kung hindi naman kami committed sa isa't isa?
Argh! Ang gulo ng sitwasyon! Ganun pa rin yon. Bottomline is, kabit ako. Kabit ako ng babaeng hindi ko pa nga kilala ng lubusan. I'm so stupid!
Pero kasalanan ko ba kung nahuhulog na ako sa kanya? Hay..
Tinanong ko siya kung ilan kami sa buhay niya, baka kasi hindi lang pala ako ang kabit niya, baka hindi lang pala ako ang binilhan niya ng bahay.
"Vic, hindi mo na ginalaw ang pagkain mo.."
"Hindi naman kasi ako masyadong gutom. Sige na kain ka lang diyan.." sagot ko.
"Saan tayo after?" tanong niya.
"Anywhere you want, Anya."
Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Oo, si Anya ang kasama ko ngayon. Wala na kasi akong ibang mayayang lumabas. Si Cienne, may dinner date. Si Kim at Mela umuwi sa Batangas. Si Mika... hindi ko alam kung nasaan.
Ang pinagusapan lang namin, tuwing weekend, uuwi kami dun sa Tagaytay, or kung weekday na free siya, pupuntahan niya ko sa shop. Yun lang.
Ang tanga tanga ko naman at pumayag ako. Pero wala eh, nahulog na ko. Di ko na kayang bumitaw sa kanya...
***flashback***
Nakayakap lang sakin si Mika ngayon at umiiyak pa rin. Pumasok na rin ako after an hour na tulala lang pagkatapos niyang sabihin sakin na taken siya.
"I'm so sorry, Ara. Please, wag kang bibitaw sakin, please.."
So hanggang kailan mo ko gagawing kabit mo? Sa isip isip ko lang yan. Hindi ko masabi, feeling ko kasi masasaktan siya. Hindi na lang ako nagsalita, hinaplos haplos ko lang ang buhok niya.
Bakit ba ganito? Ang sakit, pero bakit sinasabi ng puso at isip ko na mas okay ang maging kabit niya lang ako kesa layuan ko siya? Ang hirap pero hindi ko din kayang bumitaw..
"Ara," garalgal ang boses niya. Hindi pa rin ako sumasagot, hinahayaan ko lang siyang magsalita. "Wag mo kong papipiliin ha? Please... Di ko kaya..."
Niyakap ko siya ng mahigpit. Ang sakit. Pero gusto kong maramdaman niya na kakayanin ko para sa kanya. Ngayon lang ako naging ganito ka attached sa isang babae.
Sa taken pa.
"Kausapin mo naman ako, Ara please.."
"Tama na yang iyak.. Wala ka namang mapapala kung iiyak ka." ang antipatiko ng pagkakasabi ko pero yan lang talaga ang kaya kong sabihin.