Chapter 26

9.4K 150 7
                                    

"Babe, hindi ka ba talaga sasama?" pangpitong beses na kong tinatanong ni Ivy kung sasama ako sa kanya.

Ayoko. At pampitong beses na rin akong umiling lang bilang sagot. Wala ako sa mood sumama, masama ang loob ko. Isang linggo pa lang siyang nakakauwi dito, magproprocess na naman siya ng papers niya pabalik ng America. At sa pagkakaalala ko, isang taon lang ang contract niya, and said she was staying for good. And kanina niya lang sinabi sakin na nag renew pala siya ng contract sa work niya!

Minsan napapaisip ako, hindi na si Ivy yung dating girlfriend ko na ang desisyon ko lagi ang mahalaga. Na ako ang laging may say sa lahat ng bagay. Na ako ang masusunod. Nag-iba na siya. Maybe nadala na rin ng pagiging independent niya. Tama, hindi lang kay Ara ako selfish, pati na din sa kanya.

"Masama ba ang pakiramdam mo? Kanina ka pa tahimik at nakahilata lang dito." lumapit siya sakin at hinipo ang leeg at noo ko. "Wala ka namang sakit ah?"

Inayos niya ang sleeve ng polo niya at bumalik sa harap ng dresser.

"Masakit lang ang ulo ko, babe." humarap ako sa kabilang side at nagtakip ng unan sa mukha. "Ikaw lang naman ang kailangan dun eh," pabulong kong sabi, sa tingin ko hindi niya narinig, wala kasi akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Idagdag pang ilang araw na rin akong bothered sa pagharap namin ni Cienne sa MOA.

Ano sa tingin niya? Ganun lang kadali yun? Bibitawan ko na lang basta basta si Ara? I can't. I just can't...

I CANNOT.

"Babe!" nagulat ako sa biglaang pagtanggal ni Ivy ng unan sa mukha ko.

Bigla akong nairita, pero nung nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya, napawi naman ang naramdaman kong yun.

"Kanina pa kita tinatawag. Aalis na kasi ako, baka ma late ako sa interview. Pwede mo ba akong ihatid?" umupo na siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Di ka naman na bababa ng kotse kaya kahit di ka na magbihis."

Closed-lip na ngumiti ako sa kanya bilang pag-agree. Bumangon na rin agad ako, "Palit lang ako ng damit, nakakahiya naman tong sando ko."

Tumawa siya ng mahina at dinoble check ang mga papers niya na nakalagay sa folder sa mesa. Nagpalit lang naman ako ng pantaas, baka kasi maisipan kong dumaan sa Spa mamaya, simula kasi nung dumating si Ivy ay hindi na ako nakabisita dun.

"Tara na?" anyaya ko pagkatapos kong mailagay sa bag ko ang wallet at phone ko. Buti na lang maaga akong nagising at naligo agad kanina. Hindi naman ako mukhang haggard ngayon.

Kinuha na ni Ivy ang susi ko mula sa keyholder at inabot sakin at nauna ng lumabas ng kwarto.

"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong ko. I-lolock ko na kasi yung pinto ng kwarto.

"Wala na babe.."

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon