Chrien Ross!

12.7K 200 20
                                    

All the impossible. I wanna do.

Chrien Ross Point of View

Kakatamad naman dito sa loob ng room. Hindi kasi ma-adapt ng utak ko ang mga sinasabi ng teacher namin na nasa unahan. Ang lakas kasi ng ulan sa labas. Signal number 1 nga daw eh. Sana mag-announce na mamaya na suspended ang klase.

Ako nga pala si Chrien Ross Juco. Kapatid ako ni Kuya Chriden. Grade 7 at kasalukayan nag-aaral sa Tanza National Comprehensive Highschool. Public. Ang saya kaya mag-aral sa public school. Kailangan ko pa bang i-describe ang sarili ko? Hindi na noh! Halos araw araw nababanggit ang pangalan ko sa story ni Kuya Den eh. Badtrip nga eh. Ang kulit ko pala sa story. Pero hindi na ngayon. Matanda na ako eh.

"Chrien tambay tayo sa puregold mamaya. Sigurado namang suspended na klase mamaya eh" sabi sakin ni Riza.

"Sige. Yayain mo narin tropa. Saka laro tayo dun para makuha ko na yung stufftoy na si Zorro" nakangiting sagot ko sa kay Riza habang nakatanghod sa labas ng bintana.

"Class magkakaroon tayo ng reporting nextweek. Groupings. Malaya kayong pumili kung sino ang gusto niyong makagrupo. Sa isang grupo tatlo kayo" malakas na sabi samin ni Maam Molina. Values Education Teacher.

Takte! Ito ang pinakaayoko sa lahat eh. Reporting. Paano ba naman kasi sa tuwing magrereport ako sa unahan ay walang ibang ginawa si Riza kundi ang patawanin ako. Kaya nawawala ako sa konsentrasyon sa mga sinasabi ko sa unahan.

"Oh bes alaman na. Magkasama tayo sa grupo" ngiting tagumpay ni Riza.

"Ano pa nga ba? No choice naman ako" pabirong sagot ko sa kanya.

"Chrien pwede sumama sa grupo mo?"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon.

"Ayy syempre naman Papa Jacob. Pwedeng pwede! Gusto mo tayong dalawa nalang eh" malanding sagot ni Riza.

Si Jairus Jacob ang escort ng section namin. Section Yakal. Dami nga nagkakagusto sa lalakeng ito eh. At isa na si Rizang talande. Jusko! Kulang nalang ay magkumbulsyon dahil sa kilig na nararamdaman.

Sa itsura ba naman ni Jacob. Matangkad. Maputi. Kapag nangiti ay lumalabas ang biloy niya sa pisngi. Malambing na boses at mapang-akit na mata. Yun ang itsura ni Jacob. (gusto niyo makita sa fb? Tatanong ko muna kung pwede, baka kasi magalit sakin)

"Pwede ba Chrien?" -Jacob.

"Ayy.. oo. Sige. Walang problema" ngiting sagot ko sa kanya.

Naupo na sa tabi namin si Jacob. Matapos ang ilan pang minutong pagpapaliwanag ni Maam Molina ay ibinigay na samin ang topic na irereport namin. Kinuha iyon ni Jacob at binasa niya. Sinabi niyang siya na daw ang bahalang mag-divide ng bawat irereport namin. Mahaba kasi yung report.

"Class, suspended na ang klase. Uuwe na kayo ng diretso ha!" Bilin samin ng bagong dating na adviser namin. Matapos sabihin yun ay napuno ng hiyawan ang buong classroom namin.

"Chrien gusto mo pag-aralan nalang natin sa bahay itong report natin?" Muli nanamang sabi ni Jacob.

"Teka teka nga.. baka nakakalimutan niyong kasali ako sa grupo" biglang singit ni Riza samin habang nanlalaki ang mata.

"Ayy sorry.." pamatay na ngiti ni Jacob.

"Ano payag kayo na sa bahay tayo diretso?" Muling tanong ni Jacob samin.

"Ayy.. Sensya na Jacob. May usapan kasi kami ng tropa na sa puregold kami diretso" pagtanggi ko.

"Ahh ganun ba.. Sama nalang ako. Tutal wala din naman akong gagawin sa bahay" nakangiti ulit niyang sabi sakin.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon