Saka Gabriel yata ako!

2.4K 87 6
                                    

Love over ability.

Justin France PoV

"Tulala ka nanaman diyan Justin!" Puna sakin ni Joseph.

Langya! Lahat na ata pinuna ng tropa kong ito! Ayaw nalang akong hayaan mag-isip. Iniisip ko kasi kung paano ko makukuha ang atensyon ni Chrien. Palagi nalang kasi niyang kasama ang bestfriend niya. Obvious naman kay Noah na may gusto siya kay Chrien ko eh. Kaya kailangan ko ng gumawa ng paraan - baka maunahan pa ako ng mokong na yun.

"Oyy! Mr. Gabriel uwian na! Wala ka bang balak tumayo sa upuan mo?" Bulyaw sakin ni Joseph.

"Haaay naku! Sigurado akong si Chrien nanaman nasa utak ng taong yan!" Sabat naman ni Chris habang isinusukbit na ang kanyang bag.

"Tumigil nga kayo diyan!" Sagot ko nalang at tumayo narin ako sa upuan ko.

"Hindi ba tayo sashot?" Tanong ni Joseph habang naglalakad kami papuntang parking lot. Bigla tuloy akong may naalala. Ang sarap sa pakiramdam nung sandaling yun. Nung inaasikaso ako ni Chrien habang naglalasing lasingan ako. Sana maulit yun.

"Justin inom inom tayo sanyo ngayon. Halfday naman bukas. Exam lang" -Chris.

"Oo nga! Kahit tayong tatlo lang. o kaya kung gusto mo yayain mo si Chrien para makakwentuhan naman namin siya" sangguni ni Joseph.

"Hindi niyo pwedeng makasama si Chrien noh! Saka hinde pwedeng mag-inom yun!" Mabilis kong sagot dahilan para sabay silang mapatingin sakin.

Hindi ako abnormal para hayaan makasama ng dalawang to si Chrien noh! Malay ko ba kung ano nasa utak ng mga to! Wala akong tiwala. Ayoko na madagdagan pa ang kaagaw ko kay Chrien. Kahit kaibigan ko mga to hindi pupwede loko ng nga to saken.

"Osya sya. Halika na. Isang case na redhorse lang yan!" Malawak na pagkakangiti ni Joseph.

Wala na akong nagawa. Sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan at sa bahay na agad kami dumiretso. Wala naman problema kina Kuya kung mag-inom kami basta alam lang daw dapat namin ang limitasyon namin. Wala si Mama at Daddy sa bahay. Nasa company. Kaya walang sasaway samin bukod kay Kuya Paul. Ang KJ talaga nun! Pero kapag naman kasama si Kuya Den walang nagagawa. Under!!

"Ate Rose paki-ayos yung tae sa garden. Saka pakisabi kay Kuya Fred na pakibili kami ng isang case na redhorse. Etong pera" sabay abot ko kay Ate Rose.

"Opo Sir" magalang niyang sagot at kaagad naring umalis.

Matapos naming ilapag ang mga bag namin sa terrace ay dumiretso na kami sa garden. Dati sila Kuya ang madalas mag-inom dito. Ngayon - syempre ako naman!

"Sir eto na po" sabi ni Kuya Fred at inilapag ang isang case na redhorse.

Nagsimula na kaming mag-inom. May mga pulutan narin nakahanda sa table namin. Alam na kasi ni Ate Rose na mag-iinom kami kaya nagpaluto na agad yun ng fries at sizzling sisig. May speaker narin na nakaset up.

"Badtrip kanina sa accounting! Napahiya tuloy ako kay Cherry!" Panimulang kwento ni Chris

"Ganun talaga si Mam Murania. Kaya nga tahimik ako palagi pag siya na teacher. Ayoko kaya mapahiya. Tanga pa naman ako sa numbers!" -Joseph.

"Teka pre kayo na ba ni Cherry?" Tanong uli ni Joseph matapos inumin ang basong may lamang alak.

"Hindi pre. Ang hirap nga pasagutin nun! Takte!" Kamot ulong sagot ni Chris.

"E ikaw naman Justin kailan mo ba balak ligawan si Chrien?" Diretsong tanong ni Joseph sakin.

"Bakit ba atat na atat kayo para samin ni Chrien? Ako na bahala don." Sagot ko.

"Eh pano ba naman - katagal tagal mo ng gusto yung batang yun pero wala ka parin ginagawang steps. Ikaw din baka naunahan ka. Mukha pa namang inosente un" mahabang sagot ni Chris.

Sabagay may punto naman itong mga kaibigan ko. Ang tagal ko ng nararamdaman kay Chrien to pero wala akong ginagawang paraan para malaman niya. Kaiba kasi yun ee. Wala pa ata sa isipan niya ang mga ganitong kasensitibong bagay.

"Mukhang may session nanaman kayo ah!" Biglang dating ni Kuya Luis.

"Tara Kuya! Shot!" Yaya ko.

Naupo si Kuya Luis at inabutan siya ng baso ni Chris.

"Nga pala, malapit na birthday ko. Baka gusto niyong sumama - lunch tayo. My treat. Pagkatapos nun starcity tayo" yaya ni Kuya.

"Yownnnnnnn!! Sama kami!" Masayang sagot ng dalawa kong kaibigan.

"Nasabihan na nga pala ni Kuya Paul sila Den. Sasama daw sila ni Chrien" dugtong ni Kuya matapos inumin ang tagay niya.

"Yowwwwwn Justin!! Masosolo mo na si Chrien mo!!!" Malakas na reaksyon ni Chris dahilan para mapatingin si Kuya Luis.

Potek tong si Chris ah! Walang preno bunganga.

"Mukhang may dapat kayong ikwento sakin ah" makahulugang sabi ni Kuya.

"Justin, ano yun?" Tanong ni Kuya.

"Wala Kuya. May pinagkukwentuhan lang kami" tipid kong sagot.

"Kapag hindi mo sinabi sakin e di wag nalang natin isama sila Den at Chrien. Parang ayaw mo yata silang kasama eh" -Kuya Luis.

At dahil sa sobrang pamimilit ni Kuya ay naikwento ko sa kanta. Alam ko naman din na alam na niya kaso hindi lang niya sinasabi sakin.

"Ibig sabihin hindi pa kayo!?" Takang tanong niya.

"Hindi pa! Bata pa yun Kuya!" Sagot ko.

"Sabagay. Hindi na ako magtataka kung hindi pa kayo kasi kapatid siya ni Den. Naku Justin mahihirapan ka don!" -Kuya.

"Sabi nga namin Kuya Luis ee pormahan niya na. Kasi siguradong may gusto kay Chrien yung bestfriend niya. Laging nakabuntot yun eh" segunda naman ni Chris.

Mga walanghiya talaga tong kainuman ko. Hindi man lang ako kampihan o kaya suportahan man lang!

"Mas pogi naman ako dun kay Noah noh! Saka Gabriel ata ako!" Mayabang kong sabi sa kanila.

"Haaaay naku! Ang mga Gabriel nga naman! Oh eto - idagdag niyo sa pulutan niyo" biglang sulpot ni Kuya Den at Kuya Paul sa likuran namin.

Pakyay tayo! Narinig yata ang kwentuhan namin tungkol kay Chrien.

"Oyy Justin! Wag maglalaseng ha! Baka kung saan ka nanaman matulog!" Sabi sakin ni Kuya Paul na halatang may nais iparating.

"Bakit pre? Saan ka nakatulog nung nalasing ka?" Takang tanong ni Chris.

Nakaramdam tuloy ako ng pag-init ng mukha ko. Nahiya tuloy ako. Sigurado ako na sinabi ni Kuya Den yun kay Kuya kaya alam niya.

"Den bakit hindi mo sinama si Chrien? Namimiss ko na si Bunso" tanong ni Kuya Luis.

Hoy Kuya Luis! Magdahan dahan ka sa pananalita mo! Mukhang hindi ko gusto ang way ng pagtatanong mo tungkol kay Chrien ko ha!

"Hindi nakasama. May praktis kasi sila ng stage play para sa nextweek. Nextime isasama ko siya dito" sagot naman ni Kuya Den.

"Halika na. Hayaan mo na sila diyan. Sa taas na tayo. Nagawa ka nanaman ng dahilan eh" narinig ko sabi ni Kuya Paul sabay hila sa kamay ni Kuya Den.

"Malas mo naman boy! Wala si lalabs mo!" Pang-aasar ni Joseph sabay tawa.

"Kuya Luis tingin mo ano ang unang dapat gawin nitong si Justin?" Seryosong tanong ni Joseph.

"Alam ko na!!!!" Nakangiting sagot ni Kuya Luis.

Author: sensya late update. Nawiwili ako sa larong everwing. Hahahaha!
Pahinging comments and votes.
Maraming salamat po.

BubeiYebeb

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon