Chrien Ross Point of View"Oh Chrien bakit hindi ka pumasok?" tanong sakin ni Kuya. Umuwe kasi siya kagabi at dito natulog. Sinabi din niyang babalik siya dun kay Kuya Paul.
"Tapos na ako sa clearance Kuya. Saka Kuya, pahingi naman ng pera... Gusto ko magmall ngayon. Gusto ko bumili ng bagong damit saka gusto ko gumala" sagot ko kay Kuya habang nilalambing lambing ko.
"Eto oh. Huwag kang magpapagabi. Babalik na agad ako kina Francisco. Walang tao dito sa bahay" bilin naman ni Kuya.
"Kuya eto lang? Hindi naman makakabili to ng damit e" reklamo ko sa binigay niyang 500 sakin.
"Anong damit ba balak mong bilihin? Oh eto. Huwag mo gagamitin kung saan saan yan!" sabay abot sakin ni Kuya Den ng credit card niya.
"Salamat Kuya!" malawak na pagkakangiti ko.
Ilang araw na rin ang lumipas mula nung ginawa sakin ni Allyson yun. Pero nabasawan ang sakit na naramdaman ko dahil sa mga marinig ko kina Rizza at Luke Francis.
Siguro nga kailangan kong magbago. Kailangan hindi na ako isip bata. Sabi nga sakin dati ni Kuya Den kailangan nakapokus daw ako sa goal ko sa buhay. Kaso hindi ko naman alam kung ano ba ang goal ko bukod sa makapagtapos ng pag-aaral.
Tapos na rin ang pagiging grade 7 ko. Sa darating na June ay grade 8 na ako. Kailangan galingan ko na lalo. Gusto ko maging proud sakin si Kuya at si Mama.
Tinawagan ko si Rizza. Sinabi ko sa kanyang samahan niya ako sa sm. Hindi rin kasi siya pumasok. Pero sa totoo lang kanina pa nagyayakag gumala si Rizza kasi maya't maya daw siya inuutusan ng nanay niya. Pinaglalako daw siya ng daing sa lugar nila. Hagalpak nga ako ng tawa nung sinabi niya yun sakin eh.
"Kuya alis na muna ako..." paalam ko.
"Huwag ka ng pupunta kung saan saan. Saka nga pala kinakamusta ka ni Justin. Nagpaalam sakin na dadalawin ka daw niya pero hindi sinabi kung kailan" sagot ni Kuya.
Bigla ko tuloy naalala yung huling usap namin ni Kuya Justin.
"Hoy kung patuloy kang tutulala diyan sa poste ng kuryente eh baka magkaspark na kayo nyan!" bulyaw sakin ni Rizza.
"Imbis na alembongan mo yang poste e tara na. Tinakasan ko lang ang nanay ko. Tinago ko yung daing sa banyo namin" sabi niya at mabilis na hinila na niya ang kamay ko at sumakay na kami ng tricycle.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami dito sa sm rosario. Umikot ikot na kami ni Rizza. Gusto ko kasi yung mga bagay sakin ang bibilin ko. Dati kasi basta bili nalang ako basta may cartoon character ang damit.
"Chrien eto maganda oh" sabay angat ni Rizza ng incredible hulk na damit.
"Ayaw ko niyan. Hindi bagay sakin yan" tanggi ko sa kanya.
"Baklang to. Dati naman mga doraemon ang gusto" narinig kong bulong niya.
"May sinasabe ka?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Take your time. Pili ka lang. Kahit apat na buwan pa tayo dito" sagot ni Rizza.
Umikot ikot pa ako hanggang sa mapunta ako sa bench. Agad naagaw ang pansin ko ng damit na nakadisplay. Nilapitan kami ng nag-aassist. Tiningnan ko muna ang iba pang nakadisplay at likuran at sa bawat gilid.
"Miss bakit ka ba sunod ng sunod samin? Magkakilala ba tayo?" tanong ni Rizza sa babaeng nag-aassist na sumusunod samin kahit san man kami magpunta.
"Baka po may kailangan po kayo..." magalang na sagot niya.
"Ayy kala ko magkakilala tayo eh. Ako walang kailangan. Wala naman akonh pambili. Etong kasama ko" sabay turo sakin ni Rizza.
"Ate small size nga nito" sabay turo ko sa nakadisplay na damit. Kaagad kumuha ng size yung babae at inabot sakin. Tinuro sakin ang fitting room.
"Ayos. Bagay" bulong ko.
Tumingin din ako ng pants at shortsnat pinili ko talaga yung babagay sa mga pinamili kong damit.
"Mukhang pupunta ka ng ibang bansa ah!" puna sakin ni Rizza habang nakatingin sa mga pinamili ko.
"Loka. Luma na kasi yung mga damit ko. Gusto ko naman makapagsuot ng bago sa pasukan" sagot ko sa kanya at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pumasok kami sa national bookstore. Tumingin tingin ako ng libro.
"Ayyy gusto ko to Chrien!" sigaw ni Rizza tukoy sa hawak niyang libro.
Libro ng Gayuma.
"Potek! Aanuhin mo yan!" tanong ko sa kanya.
"Natural babasahin ko! Libro to eh!" pilosopong sagot niya sakin.
Naagaw ang pansin ko ng isang libro. Tiningnan ko iyon at binasa ko ang nakasulat sa likod.
Mukhang kailangan ko to ah.
Binayaran ko iyon at lumabas na kami ni Rizza. Kumain kami sa mcdo at puro kalokohan nanaman si Rizza. Dami nyang kinukwento sakin dahilan para tumawa ako ng tumawa.
"Pero alam mo Chrien parang ang laki na ng pinagbago mo, hindi ka na mukhang tanga" sabi sakin ni Rizza habang inihalo ang fries sa icecream.
"Lahat naman talaga ng tao nagbabago Rizza" nakangiting sagot ko sa kanya at inihalo ko naman ang steak sauce sa fries ko.
"Salamat Rizza ha... Ingat ka pag-uwe" paalam ko sa kanya dahil magkaiba na kami ng sasakyan pauwe.
"Oo Chrien. Babasahin ko na agad yung nilibre mo sakin na libro ng gayuma. Hahayumahin ko yung guard sa school natin" malakas na sabi niya sakin at sumabit na siya sa jeep na nasa gilid niya.
Nakaupo na ako ngayon dito sa Bus. Sinalpak ko sa magkabilang tainga ko ang earphone ko at pumili na ako ng kanta sa playlist ko.
Bakasyon na.
Susubukan ko ng gawin yung mga bagay na gusto ko matutunan.
Gusto ko matuto magdrums at tumugtog ng gitara. Gusto ko rin manuod ng concert nila Kuya Vincent. Balita ko kasi magkakaroon ng concert ang shooting star band dito ngayong darating na bakasyon. Lahat yan gusto ko magawa ngayong bakasyon.Author: Update po ako maya. :) Salamat po :) Likes and Comments pls pls pls
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
Lãng mạnLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb