Christian Allyson Point of View"Baka may nakakalimutan ka?" tanong ko kay Ross nung makasakay na kami sa sasakyan ko.
"Wala na. Wala naman akong ibang dadalahin bukod dito oh" sabay angat at pakita niya sakin ng cellphone niya.
"Yung gamot mo sa allergy?" paninigurado ko.
"Nasa bag na" sagot niya at kinuha niya ang cellphone ko. Alam ko naman na maglalaro uli siya ng naruto.
Sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan. Napagdisisyunan naming magkakaibigan na sa magkita kita nalang sa harapan ng star city para hindi na maghintayan pa dito sa lugar namin. At sigurado din ako na hindi masusunod ang sinabi mi Mj na sa labas mag-antayan dahil kasama si Ronje. Makita lang nun ang logo ng star city e magniningning na mata nun. Kunwari lang yun na ayaw sa star city pero alam ko ugali nun. Pareho sila nitong si Ross ko na isip bata.
"Ayyy kainis naman!" biglang reaksyon ni Ross nung biglang tumunog at lumabas ang call screen ng cellphone ko.
"Sagutin mo... Sabihin mo on the way na tayo" sabi ko sa kanya at mabilis niyang in-slide ang answer icon.
"Malapit na kami! Tumawag pa na-dead tuloy si Tenten!" pagalit at seryosong sabi niya sa kabilang linya. Hindi ko na nga naitanong kung sino yung tumawag eh.
Ilang saglit lang ay nakarating na rin kami dito sa harapan ng star city. Tulad nga ng sinabi ko kanina nasa loob na sila Ronje at nagsisimula ng gumala.
"Akina yang bag mo tapos etong jacket oh" sabi ko at dahan dahan kong kinuha ang hawak niyang bag at isinukbit ko ito sa katawan ko. Kinuha naman niya yung jacket na inabot ko at itinali niya iyon sa kanyang baywang.
Nagsimula na kaming maglakad papasok. Nakaakbay ang kanang kamay ko sa balikat niya habang palinga linga naman si Ross sa paligid.
"Tol!" malakas na tawag sakin ni Mj dahilan para mapalingon kami ni Ross.
"Hi Chrien!" bati ni Ronje.
Ngumiti lang si Ross at inabot na niya sakin ang cellphone."Tara naaaaaaaaa!" malawak na pagkakangiting yakag ni Ronje. Nagsimula na kaming maglibot libot at pumila sa mga rides. Wala masyadong tao kaya mabilis ang ang andar ng pila sa bawat rides na pinipilahan namin.
Una namin sinakyan yung carousel. Walang nakatanggi nung niyakag ko ang tropa dahil si Ross ang may gusto na sumakay don. Sumunod namin sinakyan ay yung basic na rollercoaster at mini ferriswheel.
Kitang kita ko sa mukha ni Ross ang saya dahil sa pagkakangiti nito habang patuloy kami sa paggala. Pero mas masaya ako. Masaya ako kasi kasama ko na ang taong matagal ko ng hinihilingin kay God. Dahan dahan kong inilapit ang kamay ko sa kamay ni Ross at pinagdikit ko na ito ng tuluyan. Wala akong nakitang pagtutol sa kilos ni Ross kaya mas lalo ko itong hinigpitan.
Pareho lang kaming nakatingin sa sinakyang rides nila Ronje kasama si Rizza. Hindi na kasi sumama itong si Ross dahil ayaw daw niya ng mga nakakahilong rides.
"Putanginang eroplanong yan! Habang naikot e naikot din! Sinong matinong tao sasakay sa hayup na yan!" galit na galit na reklamo ni Rizza nung makalapit na samin.
"Ikaw ang nagyakag diyan diba?" sabi ni Ronje kasunod ng malakas na niyang pagtawa dahilan para magtawanan din sila Mj.
"Umayos ka. Susungalngalin ko bunganga mo. Ang sabi mo iikot lang yan paganto" sabay mustra ni Rizza ng normal na pag-ikot.
"E diba umikot naman ng ganyan" sagot naman ni Ronje na halatang pinipigil ang pagtawa.
"Putangna! Oo nga naikot nga ng paganyan tapos naikot din ng paganto!!!" galit na reklamo ni Rizza dahilan para mas lumakas ang tawanan namin.
"Osya tara na... Dun na muna tayo oh" sabay turo ni Joshua sa area ng mga food stall. Mabilis nakapili ng pwesto si Joshua.
"Ano gusto mong pagkain?" tanong ko kay Ross habang hawak nanaman ang cellphone ko.
"Ikaw?" patanong niyang sagot na nagbigay sakin ng kakaibang sensasyon.
Sabay sabay na napatingin samin ang mga kasama namin at nagbigay ng mapang-asar na tingin.
"Chrien sigurado ka na?" tanong ni Rizza.
"Kaya mo na????" nakangising tanong naman ni Mj.
"Ako nalang Chrien!" sabi naman ni Ronje na nagtaas pa ng kamay.
"Magsitigil nga kayo!" suway ko sa kanila at binalik ko ang atensyon ko kay Ross.
"Mamaya ka na nga maglaro. Itago muna natin to" sabay kuha ng cellphone na hawak niy at inilagay ko iyon sa bag.
"Ano nga ang gusto mong kainin?" pag-uulit ko sa tanong ko.
"Ikaw nga..." sagot ulit niya dahilan para magtinginan uli ang mga kasama namin.
"Sabi sayo Christian eh. Mukhang mapapalaban ka na" ngising singit nanaman ni Mj.
"Halika na nga. Sumama ka na sakin sa pagpili. Baka hindi mo magustuhan ang piliin kong pagkain mo" sabi ko nalang sa kanya.
"Hindi magustuhan? O hindi kayanin?" pang-aasar ni Mj na naging dahilan ng tawanan ng mga kaibigan ko.
Alam ko naman ang ibig sabihin ni Ross na "Ikaw?" at "Ikaw nga". Kung ano piliin ko yun din sa kanya. Pero syempre iba yung dating diba? Kahit ako nabuhayan ako ng pagkalalake ko dun.
Matapos naming makapili ng pagkain ay sabay sabay na kaming kumain at nagkwentuhan. Pinaguusapan na agad namin ang mga susunod naming sasakyan at pupuntahan.
"Ienjoy natin habang walang pasok!" masayang sabi ni Ronje habang ngasab ngasab ang tacos.
Natigilan ako sa pagkain nung biglang nag-ring ang cellphone ko. Hindi ko pinapansin nung una pero hindi ito natigil sa pagtunog.
"Sagutin mo na Allyson" utos sakin ni Ross kaya kinapa ko iyon sa bag na nakasukbit sakin.
Mama calling...
In-slide ko ang decline icon at pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Wala namang importante sa sasabihin ni mama kaya mas maigi na huwag nalang sagutin.
Wala pang ilang segundo ay tumunog nanaman ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon. Si Mama nanaman.
Mabilis kong in-off ang cellphone ko at binalik ko na iyon sa bag ko.
"Sino yun?" tanonh ni Ross sakin.
"Si Craig. Pinsan ko. Kukulitin nanaman ako sigurado nun" palusot ko at pinagpatuloy ko na ang pagkain.
"Oh tara sa wild riveeeeeeer!!!!" Masayang yaya ni Ronje matapos naming kumain.
Author: Salamat po sa patuloy na pagsubaybay. Pahingi naman pong likes and comments :) Salamat po :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomanceLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb