Ano pang inaantay mo diyan Chrien Ross?

2K 81 14
                                    

Christian Allyson PoV

"Pre excited na ako sa lakad natin dun sa sinasabi ni Ate Sheryl" masayang sabi ni MJ.

"Mukhang masaya nga iyon. Ang sabi pa ni Kuya Allen ay tayo lang daw ang nasa isang isla kaya magagawa natin ang gusto natin" pagsagot naman ni Ronje habang nakatutok ang mukha sa cellphone.

"Umayos na kayo. Ayan na si Sir Den" singit naman ni Jovert at bumalik na siya sa upuan.

Nagsimula na agad sa discussion si Sir. Nakatingin lang ako sa kanya. Pinagkukumpara ko kasi siya kay Chrien.

May pagkakahawig silang dalawa. Mas maganda nga lang ang mata ni Chrien. Mas maganda rin ang ilong ni Chrien. Mas maganda rin ang height ni Chrien. Mas maganda rin ang ngiti ni Chrien. In short - Mas maganda si Chrien.

Sabagay, kahit naman ano ang itsura ng isang tao basta gusto mo ay lahat ay maganda. Tama nga ba ang sinabi ng isipan ko? Gusto ko si Chrien?

Wala naman masama magkagusto diba? Sabi nga ni Sir nung nakaraang lesson naman lahat ng tao ay pantay pantay. Hindi naman masama ang magkagusto ka sa kahit na anong uri ng tao. We all have freedom to choose what we want and whom we love. Malaya tayo. Karapatan natin yun!

Sa totoo lang hindi ko inaasahan itong nararamdaman ko ngayon. Yung tipong nagising nalang ako isang umaga na siya na agad yung gusto kong makita. Yung pakiramdam na hindi ko alam kung bakit hinahanap hanap ko siya.

"Christian..."

Nabanggit ko na siya sa dalawang kapatid ko. Pero syempre hindi ko naman sinabi sa mga kapatid ko na gusto ko siya. Hindi naman ganoon kabilis maiintindihan ng kapatid ko yun eh. Sabi nga ng kapatid ko isama ko daw isang beses sa bahay namin si Chrien. Anong isang beses? Mas maganda nga kung araw araw. Ipapatikim ko sa kanya ang luto ko. Masarap kaya ako magluto, si Chrien kaya masarap kumain? Ayyy bad yun! Kainin niya kaya ang iluluto ko?

"Christian..."

Kailan ko kaya siya iinvite sa bahay? Mamaya kaya? Bukas? Alam ko na!!! Yayayain ko siyang sumimba sa Sunday. Siguro naman hindi niya tatanggihan ang Diyos.

"Ano ba Christian!? Kanina ka pa pangiti ngiti diyan!" bulyaw sakin ni Jovert.

"Bakit ba!? Inaano ba kita!?" sagot ko sa kanya.

"Kanina ka pa tinatawag ni Sir Den oh!" sabay turo niya sa unahan. Nakatingin siya sakin ng diretso at bakas sa mukha ni Sir ang pagtataka sa inasal ko.

"Mr. Christian Allyson kung hindi ka intere-"

"Sorry po Sir. Hindi na po mauulit" magalang na putol ko sa sinasabi ni Sir.

"Pre, may sakit ka ba?" -Mj.

"Nagsorry ka talaga? Shit! Magpapainom ako!" -Ronje

"Take your seat.. Now going back.. As I have said before all the indivi-"

Hindi naituloy ni Sir ang kanyang sinasabi nung biglang my pumasok sa loob ng room namin. May dala itong isang tumpok na bulaklak. Nadako ang tingin doon ni Sir at halata sa mukha ni Sir ang pagkagulat.

"Hi Sir!" bati ng isang lalake sabay abot ng kanyang dalang bulaklak. Base sa suot niyang uniporme ay nasa senior high level siya.

"Wow!" reaksyon ni Mj.

"Ang pogi naman nun.." rinig kong puri ng kaklase ko.

Siguro pinapabigay lang yun nung boyfriend ni Sir. Paul ata pangalan nun. Nakasama namin yun nung outing.

"Parang nakakita ka ng multo Sir ah!" kasunod nun ay pagngisi niya.

"Reynierlloyd..." sabi ni Sir Den.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Shot pre!" sabay lapag ni MJ ng alak. Napagpasyahan namin mag-inom ngayon dahil wala na kaming last subject. Nandito kami ngayon sa hide out namin sa likod ng school.

"Tol may sasabihin ako sanyo secret lang natin to" nakangising sabi ni MJ kaya halos lahat kami napunta sa kanya ang atensyon.

"Ano yun?" interesadong tanong ni Ronje sa kanya.

Ininom muna ni MJ ang hawak niyang tagay ng alak bago umayos ng pagkakaupo.

"Crush ko si Baby Chrien" nakangiting sabi niya.

Mukhang hindi ko ata gusto ang sinasabi ng siraulong ito ah! Baka nagkakamali siya ng nagugustuhan!

"Ako rin may Crush!" singit naman ni Ronje.

Isa pa itong walanghiyang ito!

"Si Chrien din??" halos sabay na tanong ni Mj at ni Jovert.

"Hindi tol. Crush ko si Sir Den! Ayieeeee!" ngiting ngiting sagot niya.

Mga abnormal!

"Tayo nga eh magkalinawan dito.." lakas loob na sali ko sa usapan. Medyo may amats na ako ng alak kaya medyo malakas na loob ko.

Sabay sabay silang napatingin sakin.

"Gusto ko lang malaman niyo na sakin na si Chrien Ross Juco" seryosong sabi ko sa kanila.

"Huwag na kayong magtanong. Ayoko sa mga naririnig ko sanyo tungkol sa kanya" dugtong ko.

"Oh narinig mo yon Mj!? So shut up ka nalang" pang-asar na sabi ni Ronje.

Nagpatuloy na uli kami sa inuman at hindi muling nabuksan pa ang usapan tungkol kay Chrien. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ako nagkakaganito eh. Ang hirap iexplain. Basta ang gusto ko lang makita at makasama siya. Totoo pala yung sinasabi ng mga baduy kong kaibigan na kapag daw tinamaan ka sa isang tao ay hindi mo maipapaliwanag kung bakit ganoon ang nararamdaman mo para sa kanya.

Chrien Ross handa akong gawin ang lahat ng assignment mo basta maging tayo lang. Sakin ka nalang.

Tangina. Laseng na ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
9pm.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nandito ako. Hibang na ba ako? Wala eh. Eto talaga ang gusto kong gawin. Alam kong may tama ako ng alak pero alam ko pa rin ang ginagawa ko.

Siguro mahigit dalawangpung minuto na ako dito. Hindi ko mapagpasiyan kung kakatok ako o uuwe nalang.

"Christian anong ginagawa mo dito?" narinig ko mula sa likuran ko.

"Si.....Sir?" sagot ko.

"Bakit nandito po kayo?" magalang kong tanong.

"Hala! Bahay namin to!" sagot niya. Yung kasama naman niya tahimik lang at napansin kong hawak hawak ang kamay ni Sir Den.

"Halika sa loob. Mukhang nakainom ka ah! Halika sa loob" yakag niya.

"Hindi na po Sir. Uuwe narin po ako" sagot ko.

Pero bago ako tulayang humakbang papalabas ay tinawag ako ng taong kanina ko pa inaantay lumabas.

"Allyson!" tawag ni Chrien dahilan para mabilis akong bumalik.

"Hi!" tanging nasabi ko.

"Gabi na Allyson ah. Bakit nandito ka? Tara sa loob nandun si Kuya Den at si Kuya ReynierLloyd" yakag niya.

"Chrien Ross..." sambit ko. Nanatili siyang nakatingin sakin.

"Pwede ba kitang yakagin sumimba sa linggo?" lakas loob na yakag ko sa kanya.

"Chrien papasukin mo yang si Christian. Mukhang nakainom. Pagpahingahin mo sa kwarto mo" narinig kong sabi ni Sir Den.

Hindi ko na inantay ang sagot ni Chrien. Kusa na akong pumasok sa loob ng bahay nila.

"Ano pang inaantay mo diyan Chrien Ross. Halika na. Matulog na tayo.." sabi ko sa kanya.

Author: salamat po sa pagbabasa.
Penge pong comments and votes.

Salamat po.

BubeiYebeb

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon