Ang sweet nila noh?

2.1K 92 14
                                    


Christian Allyson PoV

Breaktime.

Nakakainis yung ganito. Bakit pa kasi pinagsama sa iisang school ang highschool at senior high. Napakadami tuloy taong pabalik balik at sari sari na tuloy ang amoy dito sa canteen. Nakakapag-init lalo ng ulo.

"Tol laro daw tayo mamayang gabi sabi nila Romel" sabi ni Jovert habang nakain ng sandwich.

"Hindi ako pwede tol. May lakad ako mamaya. Nakapangako ako sa girlfriend ko na sasamahan ko siya mamaya sa Sm eh" sagot naman ni MJ.

"Ako rin pre. Pasensya na" pagtanggi din ni Joshie

Hindi ko nalang iyon inintindi. Tinuon ko ang atensyon ko sa iniinom kong chuckie. Oo! Paborito ko ang chuckie. Ewan ko ba. Laging hinahanap ng panlasa ko ang lasa nito.

"Si Chrien oh!" sabi ni Jovert sabay tayo.

"Chrien! Chrien!" pagtawag niya dahilan para mapalingon samin ang ibang mga tao dito sa kantin. Lumingon samin si Chrien at ngumiti lang siya. Kinakausap kasi siya nung lalaking kasama niya kanina. Nakalimutan ko na nga pangalan nun. Basta may wa sa huli.

"Tara Chrien dito kayo maupo oh!" tawag naman ni MJ.

"Pasensya na Kuya.. Nagmamada-"

"Kainin muna natin yang binili kong pagkain. Tutal kilala mo naman sila makishare tayo. Wala nanamang available na table e" putol naman ng kasamang lalake.

Yabang ah! Talagang sinabi pang siya bumili ng pagkain na dala ni Chrien. Ano tingin niya sakin walang pambili ng pagkain? Ano tingin niya sakin hindi ko kayang ilibre ng pagkain si Chrien o lahat ng kasama ko!? Di ko yata gusto sinasabi nito ah!

"Dito kayo Chrien oh" sabi ni MJ sabay usod para mabakante ang harapan kong upuan.

Naupo silang dalawa sa harapan ko. Private school itong kasama ni Chrien. Alam ko kasi yung suot niyang uniform. Ganoon ang uniform ng pinsan ko.

"Gusto mo huwag na ako sumama kina Joseph? Para masamahan kita?" walang pakundangan na tanong nung lalake kay Chrien.

"Hala! Nu ka ba! Importante yun Oah! Project niyo yun. Saka okay lang naman ako eh. Kasama ko naman yung mga kaibigan ko" sagot ni Chrien. Wala sa itsura niya ngayon yung nakasama kong Chrien na sinasagot sagot ako nung sinama ko siya nung outing namin.

"Gusto ko lang naman masigurado na ligtas ka eh. Malay ko ba kung ano maisipan niyong gawin na magkakaibigan" muling sagot nung tinatawag niyang Oah.

"Hoy Nicholas Noah! Tingin mo sakin. Saka wala ka bang tiwala sakin? Ang bait bait ko kaya" nakangising pambabara ni Chrien.

"Oh Christian bakit natulala ka na diyan?" biglang singit ni Jovert.

Tanginang lalakeng to oh! Pampam eh! Hindi ko siya pinansin at tinuon ko ang atensyon ko sa court na nasa gilid namin.

"Ganito nalang. Sabihin mo sakin kung saan kayo pupunta para panatag ako. Para in case na maaga kami matapos sa paggawa ng project eh masusundan kita" mahabang sabi ulit ni Noah.

"Pupunya kaming perya sa salinas Oah" masayang sagot ni Chrien.

Perya? Langya naman oh! Akala ko naman kung anong gala na ang ibig sabihin ng taong to. Perya lang pala!

"Perya!? Gusto mo pala ng ganun sana sinabi mo nalang sakin para nagpunta nalang tayo nila Kuya Den sa Star City!" -Noah

Yabang eh!

Narinig kong biglang tumunog ang cellphone ni Chrien at mabilis na niyang sinagot iyon.

"Mga Kuya... Salamat po sa pagpapashare ng table. Aalis na po kami" paalam niya.

"Halika na Oah! Nandun na sila kanina pa. Baka iwanan nila ako" sabay hawak niya sa kamay ni Noah at hinila na palayo.

Buset tong dalawang ito. Wala man lang silang privacy na mag-usap ng ganun.

"Ang sweet nila noh?" singit nanaman ni Jovert.

"Kaso isip bata si Chrien" sagot naman ni MJ.

"Hindi nanaman maipinta mukha mo Christian" puna naman ni Joshie.

"Naku! Hindi ka na nasanay diyan kay Christian" pagsagot naman ni Joshua.

Hindi na ako nagsalita. Bigla akong tumayo at naglakad papuntang parking lot.

"Tol!!" narinig kong tawag ni Jovert.

"Christian! Saan ka pupunta!?" malakas na tanong naman ni Joshie.

Hindi na ako lumingon. Diretso na akong naglakad papuntang parking lot. Nakasalubong ko pa nga si Chrien habang nakaangkas sa motor ni Noah galing dito sa parking area.

"Yabang"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pinarada ko sa gilid ang sasakyan ko. Matapos yun ay bumaba ako at sumandal sa likuran ng sasakyan ko. Ang dami daming taong pabalik balik sa harapan ko pero kahit ganon hindi nakakawala sa paningin ko ang tinitingnan ko.

Naramdaman kong nagbavibrate ang cellphone ko. Mabilis ko iyon sinagot.

"Pre saan ka? Tara shot tayo! Dito tayo sa bahay" yaya sakin ni MJ.

"Sunod nalang ako pre. May ginagawa pa ako"

"Ano!!? Hindi kita maintindihan. Ang ingay! Nasaan ka ba!?" tanong niya.

"Nandito ako s-"

"Sunod ka nalang. Hindi kita naiintindihan. Nagbibinggo ka ba!? Sige na pre" huling sabi niya kasunod nun ay ang pag-end ng call.

Muli kong binalik ang mata ko pero nalingat lang ako sandali ay nawala na yung tinitingnan ko. Kaya hindi ako nakapagpigil kaya eto pumasok na ako sa loob. Kakainis nga eh. Ang daming tao kaya gitgitan!

Nakakarindi pa yung lalakeng banggit ng banggit ng numero at pagkalakas lakas ng boses! Akala yata eh bingi ang mga taong andito!

Nakailang ikot ako bago ko nakita yung hinahanap ko.

Nasa likuran lang pala at tuwang tuwa habang pinapaikot ikot nung tindero yung binibili niyang cotton candy.

Isip bata talaga...

"Etong bayad diyan" pagsingit ko dahilan para madako ang tingin niya sakin kasama ang tatlo niyang kaibigan.

"Hala! Ako na.. May pera pa ako.." narinig kong sabi niya. Ni hindi man lang nga niya ako tinanong kung bakit nandito ako eh.

Hindi ko siya inintindi. Pilit kong inabot sa tindero ang buong limang daang piso.

"Halika na. May pupuntahan tayo" sabi ko sa kanya.

"Bakit? Saka bakit kasama ako?" takang tanong niya sakin. Parang wala talaga sa katinuan tong batang to.

"Lakad na Chrien. Pauwe narin kami. Punta ka samin bukas ha.. Fiesta dito" nakangiting sabi nung kaibigan niyang babae at kaagad na silang umalis.

"Teka lang Mae! Diba may pup-"

"Huwag ka ng tumanggi. May utang na loob ka sakin" pagpapaalala ko sa kanya.

"Halika na!" muling sabi ko.

"Teka nga lang!!!" pagpigil niya sakin.

"Bakit ba ayaw mo sumama? Baka nakakalimutan mong malaki utang na loob mo sakin!" sabi ko.

"Teka lang! May sukli ka pa oh! Saka yung cotton candy ko may dagdag pa yan kay Kuya!" nakasimangot niyang sagot sakin.

Grrrrrrrr!!!!!!! Kung pwede nga lang ako sumigaw dito sa lugar na toooooo!!!!!!!

Author: Salamat po sa pagsubaybay. Pahingi pong comments and Votes. Please...

BubeiYebeb

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon