Chrien Ross Point of View
"Bakit Ross?" mahinang tanong niya sakin sapat na para marinig ko.
Nanatiling nakatitig lang ako sa kanya. Nakahawak pa rin ang kamay ko sa kamay niya. Dahan dahang lumapit ang mukha ko sa mukha niya at dahan dahang ko ring idinikit ang labi ko sa labi niya.
Nakapikit ako.
Nagka-count down ako sa isipan ko.
5
4
Sabi kasi ni Kuya Den nung palihim ko silang pinapakinggan ni Kuya Lloyd na nagkukwentuhan ay mararamdaman mo daw na gusto mo ang isang tao kapag nakaramdam ka ng parang kuryenteng dumadaloy sa katawan mo kapag nagdikit ang mga labi niyong dalawa.
3
2
Bakit wala akong nararamdamang kakaiba? Bakit pakiramdam ko lang ay parang bumibilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay parang nakaangat ang dalawang paa ko mula sa lupa.
1
Isa lang ibig sabihin nito... Wala akong kahit na anong nararamdaman kay Allyson.
0
Sigurado na ako. Kaya unti-unti kong tinatanggal ang pagkakadikit ng labi naming dalawa ni Allyson. Aktong aawang na ang labi ko sa labi niya ay bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at muling pinagdikit ang labi naming dalawa. Nanatili akong nakapikit. Pero parang may kakaiba ngayon sa pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay nagpa-flashback sa isipan ko ang mga nangyari samin ni Allyson. Kung paano kami nagkakilala at ang mas kakaiba ay nagfastforward din ang isipan ko. Naimagine ko ang hinaharap na siya ang kasama ko.
.
.
.
.
.
.
11:10pm.
Nakahiga na kami ni Allyson. Tulog na tulog na siya dahil sa naparami ang pag-inom ng alak kanina. Bigla nanaman pumasok sa isipan ko ang scenariong nangyari kanina. Hindi ko nga alam kung bakit nagawa ko ang ganoong bagay. Narinig kong nagriring cellphone ni Allyson.
Mama Calling...
Tiningnan ko lang iyon.
Ilang beses rin tumawag ang mama niya. Sa tantiya ko ay mga sampung beses iyon. Hanggang sa ang kaninang ring ay napalitan ng notification tune. Message.
Bahagya kong inabot ang cellphone ni Allyson. Iaabot ko sa kanya. Baka kase importante ang sasabihin ng mama niya.
Aktong gigisingin ko si Allyson nung hindi sinasadyang mapaharap sakin ang screen ng cellphone niya. Aksidente kong nabasa ang ang maiikling message ng mama niya.
11:20pm.
Hindi maalis sa isipan ko ang nabasa kong sinabi ng Mama ni Allyson. Bigla nga yatang kumirot ang dibdib ko dahilan para mawala yung antok na unti-unting namumuo sa katawan ko.
Dahan dahan akong humakbang pababa ng kama. Kinuha ko ang jacket na nakasabit sa gilid ng cabinet at isinuot ko iyon. Maingat kong binuksan ang pintuan upang hindi makalikha ng kahit na anong ingay na maaaring maging dahilan ng pagkagising ni Allyson.
Nagsimula na akong maglakad lakad.
Kahit nakasuot ako ng jacket ay ramdam na ramdam ko ang hangin na nanunuot sa suot ko dahilan para maramdaman ko ang lamig na dulot na rin ng dagat.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomansaLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb