Someday.
Nicholas Noah PoV
"Galing mo talaga magbasketball Oah!" Puri sakin ni Ien habang pinupunasan niya ako ng pawis sa leeg at sa mukha.
"Syempre naman! Ako pa! Wala ka ng makikilala na katulad ko Ien. Magaling na magbasketball, magaling na magbilliard, matalino at higit sa lahat napakagwapo pa!" Mahabang sagot niya.
"Umiral nanaman yang kayabangan mo! Eto ang sando oh. Magpalit ka na nga! Basang basa ng pawis yang jersey mo" kotra niya sabay abot sakin ng sando.
Hinubad ko ang jersey ko. Sa harapan niya pa nga ako naghubad eh. Talagang gusto kong makita niya ang abs ko na unti unti ng papunta sa six packs.
"Punasan mo rin tong katawan ko oh! Puro pawis narin" sabay nguso ko sa may abs ko. Muling kinuha ni Ien ang towel sa minibag at pinunasan ang dibdib ko paibaba hanggang sa tiyan ko.
Takte tong bestfriend ko! Hindi ba siya naaakit sakin? Ni hindi man lang niya binigyan pansin ang linya ng buhok sa pusod ko paibaba. Talaga bang walang kahit kaunting nararamdamang kakaiba sakin to? Kakainis naman oh!
"Isuot mo na yang sando! Pinagtitinginan ka na ng mga babae oh!" Pabalang niyang utos sakin sabay lagay niya ulit ng towel sa minibag.
"Nagseselos ka lang eh.. wag ka mag-alala Ien. Hindi ko sila type" asar ko sa kanya. Ayiieee! Nagseselos ang bestfriend ko. Ayaw lang niya siguro ipahalata. Mahiyain talaga to. Ayaw pa kasi umamin!
"Mukha mo! Hoy Nicholas bilis bilisan mo kilos mo! May praktis pa kami ng stage play" diretsong sabi niya.
Dinampot ko ang gatorade sa harapan niya at uminom ako bago ko ibalik ang atensyon ko sa kanya.
"Teka nga Chrien Ross. Ano nga ba yang sinasabi mong praktis praktis na iyan? Kanina ko pang umaga naririnig sayo pero hindi mo sinasabi sakin" seryosong tanong ko sa kanya.
"Magkakaroon kasi kami ng stageplay. Nabunot ko kasi ang role bilang kontrabida. Sa madaling salita ako yung witch" paliwanag niya kanya.
"Dapat sinasabi mo agad sakin para alam ko. Saka bakit pumayag ka na kontrabida ka!?" Pabalang kong sagot.
"Yun ang nabunot ko. Hindi na nga daw pwede makipagpalit. Pupwede lang daw kapag nagkaroon ng sakit o emergency before ng play namin" paliwanag niya.
"Osya. Pagkatapos neto dumiretso ka na ng uwe. Huwag ka na kung saan saan pupunta! Magpahinga ka sa bahay" utos niya sakin.
"Aba! Hindi ko ata gusto ang naririnig ko sayo Chrien Ross!" -Ako.
"Alangan naman na sumama ka pa sakin sa praktis noh! Mga classmates ko yun. Saka saglit lang naman kami" -Ien.
"Talagang sasama ako! Halika na! Isuot mo na itong helmet at ituro mo sakin kung saan kayo magpapraktis" utos ko sa kanya.
"Oooops! Di ka pwedeng tumanggi dahil kung hindi mo ako isasama, hindi kita papayagan" pananakot ko sa kanya.
Wala ng nagawa si Ien. Matapos isuot ang helmet ay sumakay na siya sa motor. Tinuro niya sakin ang daan at nalaman kong sa amaya pala sila magpapraktis.
"Tingnan mo! Kung hinayaan kita magpunta mag-isa dito baka gabi ka na makauwe! Pasikot sikot at ang kayo pa sa sakayan ng babybus!" Sabi ko sa kanya.
Pinindot niya ang doorbell ng isang maganda at malaking bahay. Hindi naman ako masyadong namangha kasi halos magkasinglaki lang ang bahay namin at bahay na nasa harapan ko ngayon.
"Buti nakaabot ka Chrien" bungad ng nagbukas ng gate.
Si Jacob.
"Pasensya na. Late ako. Katatapos lang kasi ng laro ng bestfriend ko. Sinama ko nga pala siya" ngiting paliwanag naman ni Ien.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomansaLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb