Easy Easy

2.1K 104 16
                                    

Christian Allyson PoV

"Sakay na!" utos ko sa kanya nung nasa gilid na kami ng sasakyan ko.

Kanina pa ako nagtitimpi sa taong ito. Parang bata! Ilang beses ng muntik makabangga ng ng dumadaan dahil sa walang tigil na pagkain ng cotton candy. Kundi ko lang hinahawakan ang balikat niya para pigilan siya sigurado ako limang tao ang nabangga niya.

"Bakit ba sasama nanaman ako sayo ha? Diba sabi mo huli na yung outing? Hindi ka talaga marunong tumupad sa usapan" sabi niya habang patuloy sa pagkain.

"Alalahanin mo sinagip ko buhay mo!" pagdidiin ko.

"Alam ko naman yun eh. E di thank you. Sige na uuwe na ako. Gagawa pa ako ng assignment eh" sagot niya sabay talikod.

"Isa!" sigaw ko pero hindi siya naharap uli sakin.

"Dalawa!" pero ganon parin. Napapatingin na nga sakin ang mga taong nadaan sa harapan ko.

Wala ako nagawa. Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya.

"Diba sabi ko sayo sumakay ka sa sasakyan?" sabi ko habang patuloy kaming naglalakad palayo sa sasakyan ko.

Hindi nasagot si Chrien pero napansin kong nakatingin lang siya sa iisang lugar.

Sa malaking teddy bear na nakasabit sa dart balloons.

Taktaneng bata toh talaga!! Malapit na ako mapikon!!!!!!

"Okay sige. Kapag nakuha ko yan, aalis na tayo. Sasama ka na saken?" malumanay kong sabi sa kanya. Mukha kasing doon napokus ang atensyon niya ee.

"Talaga? Kaya mong kunin yan?" seryoso niyang tanong sakin. Kulang na nga lang eh kuminang ang dalawang mata niya.

"Pre ilan kailangan kong matamaan bago ko makuha yang malaking teddy bear?" tanong ko sa lalakeng nagbabantay.

"25 po Sir" sagot naman niya at naglapag ng 30pcs na dart sa harapan ko.

Nagsimula na ako. Tinuon ko talaga ang atensyon ko sa ginagawa ko para makuha ko ang teddy bear para sumama na sakin itong batang to.

"Daliii! Allyson! 6 nalang! Daliii!" malakas na sabi niya habang niyuyugyog ang tagiliran ko. Hindi ata abot ang balikat ko kasi malaki ang kinatangkad ko sa kanya.

"Huwag ka magulo! Baka sumala! Nakatuyok na eh!!" malakas na sabi ko sa kanya. Napansin kong napangiti ang lalake na nasa harapan namin.

Isa nalang. Kapag ito napaputok ko, magiging masaya na si Chrien. Isip bata kase eh.

"Ang galing mo Allyson!!!! Akina yan" malawak niyang pagkakangiti.

Iniiwas ko sa kanya ang hawak kong malaking teddy bear.

"Mamaya ko na ibibigay sayo. Sumama ka na saken" matigas kong sagot sa kanya.

"Ayy ang daya! Hindi ka talaga marunong tumupad ng promise mo. Ayoko na nga sayo" seryosong sabi niya.

Parang ramdam na ramdam ko yung sinabi niyang iyon. Dama ko talaga. Lalo na yung sinabi niyang ayaw na niya sakin. Loko to ah!

"Eto na! Osya tara na! Ikaw naman ang tumupad ng promise mo!" sabi ko matapos kong iabot sa kanya.

Wala na ako narinig na reklamo sa kanya. Bumalik na kami sa sasakyan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kanina ka pa namin inaa-"

Hindi na naituloy ni Jovert ang sasabihin niya nung nakita niyang kasama ko si Chrien habang may yapos yapos na malaking teddy bear.

"Hi Chrien! Ganda ng teddy bear mo ah! Bigay ba sayo yan nung lalakeng kasama mo sa canteen kanina?" biglang singit ni MJ sa usapan habang may hawak hawak na bbq.

Bastos ang bunga nga neto ah! Hindi ba niya nahahalata na ako ang kasama kaya natural na ako ang nagbigay!

"Si Allyson ang nagbigay. Napanalunan niya sa perya kanina" sagot ni Chrien.

"ALLYSON?"
"Allyson????"
"Allysoooon?"

Halos sabay sabay na reaksyon ng mga kaibigan ko.

"Bakit? Diba Allyson ang pangalan niya?" takang tanong ni Chrien.

"Ayaw kasi ni-"

"Huwag nga kayo puro ganyan! Maupo na nga tayo Chrien Ross!" masungit kong putol sa sasabihin ng kaibigan ko.

Naupo na kami ni Chrien at sumunod na ako sa tagay na pinapaikot ni MJ. Dami nila pinagkukwentuhan. Kaso katulad dati di ako gaanong sumasali.

"Hi Chrien! Ako nga pala si Ronje Serafico. Hindi mo pa ako kilala kase wala ako nung outing" narinig kong pagpapakilala ni Ronje.

"Chrien shot ka muna" sabay abot ni MJ ng baso.

"OyOyOy!!! Di pwede mag-inom si Chrien! Baka malasing yan!" suway ko.

"Ikaw naman Christian! Napaka-over protective mo naman. Ayos lang yan!" sagot ni MJ na medyo may tama na ng alak.

"Akong bahala kay Chrien kapag nalaseng yan.." sabi ni Ronje kasunod nun ang pagkindat niya at pagpapacute.

"Tumigil kayo! Akina shot ko! Ikaw Chrien Ross pass one ka!" diretsong utos ko sa kanya.

"Baket ba napasiga mo Allyson!? Napakasuplado mo!" supladang sagot niya.

Wala akong narinig sa mga kaibigan ko pero nakita kong nabigla sila sa sinabi ni Chrien saken.

"Chrien wag ka ganyan makipag-usap kay Christian.. Baka kasi biglang mabagt-"

"Ayoko kasi sa lalakeng siga! Sila Oah ay Kuya Justin nga hindi ako nisisigawan eh" tonong pagsusumbong niya.

"Sino yung dalawang yun?" pag-uusisa ni Jovert at MJ.

"Secret" ngising sagot ni Chrien.

Ilang ikot pa ng tagay ang dumaan. Nawiwili na yata si Chrien kaya hindi na siya na-pass sa tagay. Namumula na ang dalawang tenga niya at halatang iba na ang tono ng pananalita.

"Chrien sino nga ulit si Oah mo at Kuya Justin?" pag-uulit na tanong ni MJ.

"Si Oah po bestfriend ko pero sabi niya nililigawan niya ako, tapos si Kuya Justin po kapatid ng boyfriend ng Kuya ko sabi niya mahal daw niya ako. Niyapos pa nga niya ako nung isang araw eh" mahabang kwento ni Chrien.

"MJ!!!!!!!!!" malakas kong sigaw.

Sabay sabay natuon saken ang atensyon ng mga kasama ko.

"PENGENG SHOT!!! PUNO!!!!" dugtong ko.

"Ikaw Allyson! Baket ba ganyan ka!? Napakabully mo! Kung ako naging babae kahit pogi ka aayawan kita! Hindi ka man lang maging mabait sa mga kasama mo! Impakto ka!" dire diretsong sabi sakin ni Chrien dahilan para palihim na mapatawa ang mga kaibigan ko.

"Chrien paano kung ligawan din kita? Mabait ako. Saka gentleman ako" ngiting singit ni Ronje.

"Ronje babasagin ko bunganga mo" plain tone na sabi ko.

"Easy easy..." -MJ

Biglang nagring ang cellphone ni Chrien. Itinihaya niya iyon.

"Wala ka bang balak sagutin yan!?" tanong ko nung matagal na siyang nakatitig sa cellphone niya.

Inagaw ko iyon at ini-slide ko ang answer button.

"Nasaan ka na ba Chrien Ross! Kanina pa ako text ng text sayo! Hindi mo ba alam kung anong oras na!!!?" malakas na sabi sa kabilang linya.

"Hindi si Chrien to. Si Christian to" diretsong sagot ko.


Author: Salamat po.
Penge pong comments and Votes.

BubeiYebeb

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon