Paano? Nextime uli

684 47 13
                                    

Nicholas Noah Point of View

"Hala! Paano ako makakaangkas sayo? Wala yung helmet ko" tanong niya sakin nung wala siyang napansin na nakasabit na helmet sa motor ko. Motor kasi ang gamit ko kapag may praktis o may laban kami ng basketball.

"Kakalimutan ko ba ito?" sabay angat ko ng kulay pink na helmet. Lagi kong dala dala ito. Hindi ko talaga kinakalimutan dahil umaasa ako na maisasakay kong muli si Chrien sa motor ko. Nasa loob ng malaking bag ko lagi ito. Hindi ko hinahayaan magasgasan. Araw araw ko pa rin pinupunasan at sinisigurado kong makintab ito palagi.

Lumapit ako kay Ien. Dahan dahan kong isinuot sa kanya ang helmet na matagal na niyang hindi naisusuot. Kakaiba nga yung sayang nararamdaman ko kanina pa nung bigla siyang dumating at nanuod ng laro namin. Laro ko pala. Alam ko naman kasing ako lang ang pinapanuod niya. Ako pa!

"Tara na..." yakag ko sa kanya dahilan para sumakay na siya salikurang bahagi ng motor ko.

"Tara na" sabi naman niya. Pero hindi ko pa rin sinisimulan paandarin ang motor. Pakiramdam ko nga ay parang nakakalimutan na niya ang dapat niyang gawin para paandarin ko na ang motor.

Hanggang sa naramdaman ko na ang pagyakap ng dalawang kamay niya sa baywang ko. SHITTT! Ang tagal kong hindi naramdaman sa katawan ko ang pagyakap sakin ni Ien. Isa ito sa matagal kong inaasam na maulit muli at hindi na ulit mahinto. Sobrang namiss ko to.

"Oh? May inaantay pa tayo?" pabirong tanong niya nung hindi ko pa rin sinisimulan ang pagpapaandar sa motor. Napangiti at sobrang kasayahan kasi ang nararamdaman ko dahilan para bumalik sa isipan ko ang mga dating nakasanayan naming gawin ni Ien. Ni Ien KO.

"Wala na. Ikaw lang naman ang inaantay ko eh... Dami pa kasing stop over eh" mahinang sagot ko.

"Ano?" -Ien.

"Wala. Higpitan mo kapit. Baka dumulas ka nanaman" pabirong bilin ko at sinimulan ko na ang pagpapatakbo.

Tangina. Namiss ko to. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Ien pero nagpapasalamat ako kung ano man iyon. Nagpapasalamat ako dahil eto na uli kami. Ang tagal kong inantay at hiniling araw araw ito. Kasama ko na ulit ang bespren ko. Ang taong matagal ko ng sobrang mahal. Diba 2 in 1. Bespren na Lover pa.

"Oah tara kain muna tayo dun oh" sabi ni Ien sabay turo sa Mcdo.

"Sige Ien. Nagugutom na rin talaga ako" Mabilis kong sagot at iniliko ko na agad ang motor ko sa way na tinuro niya.

Lord thank you! Siya pa mismo ang nagyaya sakin. Lalo akong nakaramdaman ng kakaiba dahil naniniwala na ako sa nararamdaman kong gusto niya rin akong makasama ulit ng matagal. Naglakas loob akong iakbay ang kamay ko sa balikat niya nung naglalakad kami papasok sa loob. Ang yabang ko pa nga eh. Yung lakad na pilit kong pinapapansin sa mga tao dito sa loob na naakbay ako sa taong mahal ko.

"Ako na ang oorder Oah... ano gusto mo?" tanong niya sakin nung nakaupo na kami parehas.

"Ako na Ien. Ako naman nagawa nito dati eh" pagtanggi ko.

"Ako na. Alam kong pagod ka. Saka iba naman yung dati eh" seryosong sagot niya sakin. Pero syempre hindi ako nagpatalo. Ako pa rin ang nagpumilit na umorder para saming dalawa.

Inorder ko ang paborito naming dalawa. Akala ko nga nag-iba na ang paborito niyang orderin kapag nakain kami dito sa Mcdo eh.

"Bakit pangiti ngiti ka diyan? Pinagtitripan mo ako noh?" asar na tanong niya sakin. Napapatingin kasi ako palagi sa kanya. Wala pa rin pagbabago sa bespren ko. Ganun pa rin.

"Namiss kita" sabi ko sa kanya nung muli kaming magkatinginang dalawa. Napatawa na nga lang siya sa sinabi ko eh. Pakiramdam ko tuloy ang korni ng sinabi ko sa kanya. Pero totoo naman talaga. Namiss ko siya. Sobra.

Kinamusta ko siya. Lahat nga ng naiisip kong pwedeng itanong sa kanya ay tinatanong ko para lang hindi kami mag-end convo eh. Lahat. Nakwento niya sakin nung nanuod sila ng concert ng SSB pero wala siyang nabanggit tungkol sa Nakita kong biglaang pagsulpot ni Christian matapos ang concert. Mukhang iniiwasan niyang ikwento sakin. Hindi ko na sinabi sa kanya na nandun din ako nung concert. Baka mamaya magtanong pa siya kung bakit hindi ko sinabi sa kanya eh.

Hindi na rin kami nagtagal. Matapos namin makapagpahinga pagkatapos kumain ay nagpasya na rin kaming umuwe. Medyo gabi na rin kasi at pareho pa kaming may pasok bukas.

"Championship na namin sa Friday... nuod ka ha..." pagpapaalam ko sa kanya habang tinatahak namin ang daan papunta sa kanila.

"Sunduin mo ako ha..." sagot niya na naging dahilan ng malawak na pagkakangiti ko.

"Oo naman... Suot mo yung jersey natin ha.."

"Hala. Masikip na sakin Oah. Baka naman may bago ka diyan" sabi niya pero alam kong gusto niyang bigyan ko siya ng bagong jersey ko. Pero syempre advance ako mag-isip at hindi ko hinahayaan na hindi kami magkatulad. Nakapagpagawa na nga ako ng bagong jersey. Nasa bahay namin. Pangatlo na nga yung bago na yun na para sa kanya.

"Syempre naman Ien. Ikaw pa!" mayabang kong sagot sa kanya.

Bahagya ko ng itinigil ang motor ko nung nasa tapat na kami ng eskinita nila Ien. Bumaba na siya at sumunod naman ako. Inabot niya sakin ang helmet at isinabit ko iyon sa motor ko. Sabay kaming naglakad papasok sa eskinita nila.

"Paano? Nextime uli" nakangiting paalam ko sa kanya.

"Hindi mo ako susunduin bukas?" takang tanong niya sakin.

SHITTTTTTTTTTT! Tangna! Totoo ba narinig ko???????

"Susunduin. Syempre. Aagahan ko Ien" kaagad kong sagot sa kanya. Napapatawa nga siya sakin eh.

"Ingat ka pag-uwe ha..."

"Yes Boss!" sagot ko at nagsimula na akong maglakad papalayo.

"Oah..." pagtawag niya sakin dahilan para mapahinto ako. Kaagad ko siyang nilingon.

"Namiss kita..." sabi niya at mabilis na siyang pumasok sa loob ng bahay nila.

Author: Penge pong comments and votes.... Thankies 😊 

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon