Justin France Gabriel PoV"Kuya pasok na ako! Sa school na ako kakain" sigaw ko kay Kuya Luis.
Mabilis na akong sumakay sa bagong kotse na regalo sakin ni Daddy. Ayaw pa nga ni Kuya Paul akong payagan magkaroon ng sariling sasakyan pero syempre dahil sa binata na ako - hindi ako pumayag. Maaga talaga ako napasok. May inaabangan ako palagi sa crossing ng Biwas. Ilang beses ko nga lang siya naisasabay o naihahatid pagpasok kasi palagi siyang nakaangkas sa bestfriend niya. Pinaglihi ata sa elmers glue yung lalakeng yun eh. Kulang nalang ay itali ang katawan kay Chrien.
Inihinto ko ang sasakyan ko sa tabi ng tulay. Mga ganitong oras kasi napasok si Chrien eh. Muli akong tumingin sa relo ko. 6:35am. Kaya tinuon ko na ulit ang atensyon ko sa way ng palabas ng Biwas.
Haaay.. sinundo nanaman siya ni Noah. Kailan ko kaya masosolo ulit si Chrien.
Kahit nga ako nagtataka sa sarili ko kung bakit nagkakaganito ako sa batang iyon.
Flashback
"Justin bilisan mo para makabalik tayo agad. Bakit ba kasi nasira yang controller mo eh!" Sabi sakin ni Kuya Luis habang nagsusuot ako ng sapatos.
"Matagal na kasi yun Kuya. Galing pa nga yun kay Kuya Paul eh!" Katwiran ko. Totoo naman kasi. Bago ko pa magamit yung controller ng PS ay nalaspag na ni Kuya Paul yun!
"Di mo kasi iniingatan! Ingatan mo para matagal!" Sabi ulit niya.
Si Kuya naman! Lakas makahugot! Di malaman kung ano pinaglalaban!
Ilang minuto lang ay nakarating na kami dito sa SMRosario. Hindi naman kalayuan samin ito. Dahil lang sa trapik sa Tejero kung bakit palagi kaming nagtatagal. Naglagay pa ng traffic lights hindi naman ginagamit. Naghaya pa ang mga hindi magkasundong trafgic enforcer. Papadiretsuhin ka nung isa tapos yung isa papatigilin ka. E di mga abnormal!
"Oh eto. Tingnan mo kung gusto mo ito" sabay abot sakin ni Kuya Luis ng controller.
"Eto pa po Sir. Eto po ang bagong labas ngayon" sabay abot naman nung nag-aassist samin.
Tiningnan kong mabuti iyon. Yung parang ineeksamin ko lahat ng anggulo.
"Sige Kuya. Ito nalang" sabi ko kay Kuya matapos kong tingnan ang bawat anggulo ng controller. Makakalaban ko na uli si Kuya Luis ng Naruto. Di na siya mananalo ngayon sakin! Nasearch ko na sa google yung combo ni Kakashi.
Matapos bayaran ni Kuya Luis ay lumabas na kami dun at naglakad na kami papalabas ng mall. Yun lang naman talaga ang sinadya namin dito eh. Saka ayoko sa mga ganitong lugar. Ayoko ng pinagtitinginan ako. Ewan ko ba.
Napansin kong tumigil si Kuya Luis sa paglalakad at nadako ang atensyon sa dadaanan naming fastfood. Jollibee.
"Si Chrien yun ah!" Narinig kong sabi niya. Pumasok siya sa loob ng jollibee at nilapitan yung tinutukoy niya kanina. Naririnig ko na dati yung pangalan na Chrien kay Kuya Paul. Ang alam ko kapatid siya ni Kuya Den. Isang beses ko palang siya nakita dati. Nung nasa Bicol kami dun sa covered court. Bata pa kami nun.
"Chrien?" Pag-agaw atensyon ni Kuya Luis sa kanya dahilan para lumingon siya samin.
Tangina! Bakit ganoon? Bakit dahan dahan ang paggalaw ng ulo niya habang papalingon samin.
"Kuya Luis!" Napakagandang ngiting bating ibinigay niya kay Kuya. Ang laki ng pinagbago ng batang ito. Bilugan ang mata kahit mapungay siya. Matangos na ilong at makinis na balat.
"Anong ginagawa mo dito?" Sinong kasama mo?" Magkasunod na tanong ni Kuya sa kanya. Samantalang ako nakatingin lang. Nakatulala pala sa kanya. Na-starstuck ako. Ewan ko. Hindi ko maexplain yung bigla kong naramdaman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomanceLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb