Chrien Ross Point of View
"Ien bilisan mo 9am pa yung lesso-WOW!" reaksyon ni Oah nung nakalabas na ako ng kwarto ko.
"Oh bakit ganyan ka makatingin sakin?" takang tanong ko sa kanya. Para kasing iniscan niya ang buong katawan ko.
"Ang cute mo lalo Ien..." sabi niya sakin.
Nakapink na semi fitted shirt ako na tinernohan ko ng shorts na hindi umaabot sa tuhod. Nakawhite akong sapatos at nakasabit sa katawan ko ang paborito kong body bag.
"Neknek mo! Kala ko ba nagmamadali tayo? Tara na!" sabi ko sa kanya at lumabas na ako ng bahay namin.
"Teka Ien! Hintayin mo naman ako. Sabay tayo!" paghabol sakin ni Oah.
"Gusto mo ba muna kumain muna tayo sa jollibee? sa Mcdo? Chowking? O kahit san mo gusto? Kakain tayo?" mabilis na tanong sakin ni Oah nung makasakay na kami sa kotse niya. Sabi ko nga dapat motor nalang ang gamitin namin kaso mas bagay daw at maganda kung kotse ang gamitin namin.
"Diba 9am yung drum lesson tapos 1pm naman ang guitar lesson natin?" tanong ko sa kanya.
"Ipapaadjust ko nalang. Ano? San tayo?" nakangiting tanong sakin ni Oah.
"Ikaw na bahala Oah. Kahit saan" sagot ko at ni-tap ko ang icon ng mobile legends sa cellphone ko.
Tinanggal ko na ang naruto shippuden games sa cellphone ko. Mobile Legends na ang nilalaro ko. Napupuyat nga ako dito kasi gusto ko umangat ang rank ko. Kaka-end season lang kasi kaya eto balik nanaman ako sa GrandMaster.
"Mamaya na ulit yan Ien. Tara na. Pumasok na tayo sa loob" utos sakin ni Oah.
"Teka lang. Wasakin lang namin base ng kalaban" sabi ko sa kanya at nanatili akong nakaupo.
"VICTORYYYYY!" Masayang sigaw ko.
"Tara na!" yaya ko sa kanya at naglakad na kami papasok dito sa Robinson GenTri. Dumiretso na agad kami sa Jollibee.
"Burger steak, Large Fries and Iced tea with extra steak sauce" nakangiti kong bilin kay Oah.
"Sure ka Ien? Ayaw mo na ng Fried chicken thigh part with maraming maraming gravy?" paninigurado ni Ien.
"Ayaw ko na nun Oah. Ikaw baka gusto mo yun" ngiting sagot ko at ni-tap ko na uli ang icon ng Mobile Legends sa cellphone ko. Matagal pa naman makakaorder si Oah kasi medyo mahaba ang pila. Marami kasing tao ngayon, bakasyon kasi.
Saktong tapos ng game ko sa ML ay siyang lapag ni Oah ng pagkain na inorder namin.
"Kain na tayo" masayang yaya ko at nagsimula na akong kumain. Nilagay ko sa kabilang lagayan yung fries at isinabaw ko dun ang extra steak sauce na inorder ni Oah.
"Nakakapanibago ka talaga Ien..." seryosong puna sakin ni Oah.
"Akala mo lang yun Oah. Bilisan natin kumain. Excited na ulit ako sa lesson natin. Dalawang session nalang tapos na ang drum and guitar lesson natin" mahabang sabi ko sa kanya.
Alam ko naman na marunong na si Oah maggitara. Sinadya lang talaga niyang mag-enroll para kasama ako. Marunong na akong magdrums at gitara. Nakakailang session na rin kasi kami. Kumbaga yung dalawang session ay finishing nalang.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomansaLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb