Sorry... I'm late.

679 51 9
                                    

Chrien Ross Point of View

Muli akong naupo sa harapan ng drumset. Naglagay rin ng mikropono sa itaas na bahagi ng drumset si Luke at sinabi niyang sasabay daw kami sa kanta.

Itinaas nung kaibigan ni Luke ang kamay niya senyales sa pag-uumpisa ng kanta. Nagsimula ng sumipra sa gitara si Luke at bahagya ko na rin hinampas hampas itong drums na nasa harapan ko.

Pare ko meron akong problema
'Wag mong sabihing na naman
In-lab ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan

Panimulang kanta nung lalakeng kaibigan ni Luke. Feel na feel niya nga ang pagkanta e. Kami rin kinakarir namin ang pagtugtog sa bawat instrumentong ginagamit namin.

Masakit mang isipin
Kailangang tanggapin

Pagpapatuloy niya.
Sumenyas sakin si Luke at nakuha ko naman ang nais niyang iparating.
Ang sabayan ang susunod na linya ng kanta upang mas gumanda ito sa pandinig.

Kung kelan ka naging seryoso
Saka ka niya gagaguhin

Pagsabay ko sa kanta habang patuloy akong pumapalo sa drums. Ewan ko. Dinama ko ata ang lyrics ng kanta kaya nadadala na rin pati ang katawan ko sa bawat lyrics ng kanta.

O, Diyos ko
Ano ba naman ito
'Di ba

Tang ina nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Lecheng pag-ibig to

Malakas na pagsabay ko sa kanta kasunod nun ay ang malakas na pagpalo ko sa bawat bilog na instrumento na nasa harapan ko.

'Di ba
Tang ina nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako
Lecheng pag-ibig to
O Diyos ko ano ba naman ito... Ohh
Ohhh... Ohhhhhh.....ohh..

Pagtatapos namin sa kanta.
Kaagad na akong tumayo at bumalik na sa table namin nila Rizza. May mga narequest pa ng kanta pero hindi na ako sumama sa pagtugtog. Okay na yun. Baka mawili ako at baka magpabili pa ako kay Kuya ng sariling drumset ko.

Aktong uupo na ako nung biglang muling lumapit sa table namin si Ronje.

"Chrien galing mo talaga. Mas magaling ka pa dun sa kumakanta!" muling puri niya sakin.

"Salamat Ronje! Shot oh" alok ko sa kanya. Hindi naman tumanggi si Ronje. Humila siya ng upuan sa kabilang lamesa at umupo sa tabi ko.

"Oyyyy! Mag-ambag ka kung iinom ka! Wala akong pambayad!" singit ni Rizza.

"Akong bahala! Order pa tayo! Sagot ko!" mayabang na sagot ni Ronje dahilan para kumislap ang mga mata ni Rizza.

"Kuya labindalawa pang sanmig! Siya lahat magbabayad!" sabay turo ni Rizza sa katabi kong si Ronje.

"Hoy! Bakit ang dami mong inorder!" reklamo ko.

"E ano ipapainom sa mga boldstar na yan!" kasunod nun ay ang pagturo ni Rizza sa likuran namin.

Dali kong nilingon ang likuran namin.
Sila Mj kasama ang iba pa nilang kaibigan.

"Join na kami. Tutal magkakakilala naman tayo" ngiting sabi ni Mj at wala na akong nagawa dahil idinugtong na nila ang isa lang lamesa at naupo na sila.

"Gameeeeeeee!" malakas na sigaw ni Joshua.

"Galing mo kanina Chrien ah!" puri rin sakin ni Mj habang nagbubukas ng sanmig at inaabot sa ibang mga kasama niya.

"Saka yung pagkakanta mo ng 'Pinaasa niya lang ako, LECHENG PAG-IBIG TOOOO OHHH OHHH' damang dama ko iyon Chrien" ngiti na may halong pang-aasar naman ni Joshua.

"Tumigil nga kayo. Kasama sa kanta yun" sagot ko kasunod nun ay ang pagtawa ko.

"Blooming na blooming ka rin kamo Chrien... Crush na uli kita" mukhang inosenteng sabi ni Ronje sakin.

"Ang cute mo rin Ronje. Pogi rin. Lalo na kapag ganito yung mata mo oh" kasunod nun ay ang pagdilat ko lalo sa magkabilang mata niya dahilan para magtawanan ang lahat ng kasama namin.

"Pakiss nga ako Chrien isa lang. Plis.. Dito lang oh" sabi uli ni Ronje at turo turo ang pisngi niya.

"Okay sige isa lang ha" sagot ko sa kanya at diretso akong nakatingin sa kanya.

"Promise isa lang, daliiii" makulet na sagot naman niya sakin.

Inilapit ni Ronje ng dahan dahan ang mukha niya sa pisngi ko. Wala naman ibang kahulugan ito. Kiss lang to.

Aktong lalapat na ang labi niya sa pisngi ko nung biglang may nahulog na bote at nabasag. Doon lahat napunta ang atensyon namin dahilan para hindi nailapat ni Ronje ang labi niya sa pisngi ko.

"Potek! Malapit na ee!" reklamo ni Ronje.

"Tumigil ka nga Ronje. Puro ka katarantaduhan talaga! Bibigwasan kita eh" suway sa kanya ni Mj.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan pero hindi na ako masyado nainom. Wala naman talaga akong balak mag-inom ng sobra. Itong si Rizza lang talaga ang pasimuno ng to e.

"Nga pala Chrien si Christian nga pala" mapang-asar na pagpapakilala ni Joshua sa taong tahimik na nakaupo lang sa tabi niya.

"Loko. Kala mo naman hindi kakilala e. Ang tahimik mo naman diyan" nakangiting sagot at bati ko kay Allyson.

"Ganun lang iyon?" takang tanong ni Mj.

"Ha? Baket?" -Ako.

"Hindi ba kayo mag-uusa-"

Hindi ko naintindihan pa ang sinasabi ni Mj dahil biglang nagring ang cellphone ko.

Si Oah.

"Asan ka?" tanong niya agad sakin.
"Nandito sa likod ng school. Kasama ko sila Rizza" sagot ko.
"Sunduin na kita. Kakain tayo sa labas"
"Diba may lakad kayo saka kuma-"
"Nandito na ako sa likod ng school. Kapag hindi ka pa lumabas diyan ako ang papasok diyan" diretsong utos niya sakin.
"Oh edi pumasok ka. Oyyy wala akong masamang ginagawa. Nagiinom lang kami nila Rizza noh" natatawang sagot ko sa kanya.

Hindi ko pa naieendcall ay napansin ko na si Oah na pumasok dito sa loob. Nakatingin siya dito sa pwesto namin. Hindi siya sakin nakatingin dahil halata sa mata niya na lampas sakin ang pagkakatingin niya. Kay Allyson.

Hindi na niya inantay na lumapit ako sa kanya. Mabilis siyang nagpunta kung nasaan ako.
Tumayo ako.

"Sorry I'm late" sabi niya at bigla bigla niyang idinampi ang labi niya sa labi ko dahilan para mapatulala ako.

"Pasensya na... May lakad pa kami ni Ien" sabi ni Oah sa mga kasama ko at kinuha ni Oah ang gamit ko. Iniakbay sa balikat ko ang kanan niyang kamay at nagsimula na kaming maglakad papalabas.

Author: Salamat po :) Comments and likes naman po :)

Dun po sa second acct q ako mag-update po nung ibang naiiwan na story ko dito sa watty. Maraming salamat po :)

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon