Bakit namumula ka?

2.3K 110 8
                                    

Keep moving forward.

Chrien Ross PoV

"Pumasok ka na sa loob. Magreview ka may exam kayo" bilin sakin ni Oah nung makababa na ako ng motor niya.

"Ikaw din. Umuwe ka na. May praktis kami ng stageplay sa sabado kaya hindi ako makakasama sa praktis niyo ng basketball" paalam ko sa kanya.

"Okay lang. susunduin nalang kita pagkatapos ng praktis namin. Lakad na. Pumasok ka na sa loob. Gabi na" sabi niya ulit kaya pumasok na ako sa loob ng bahay namin.

7:30 pm na eh.

Hindi na ako kumain dito sa bahay kasi dumaan na kami ni Oah kanina sa Jollibee. Wala si Kuya Den. Siguradong na kina Kuya Paul yun. Si Mama naman tulog na. Maaga lagi matulog si Mama. Napagod siguro kasi mukhang madaming nilabahan. Daming nakasampay sa bakuran eh.

Habang paakyat ako sa kwarto ko ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Si Kuya Justin.

"Hello Kuya!" Bungad ko.

Hindi pala si Kuya Justin ang tumawag. Kaibigan niya pala. Sinabi sakin nung Kuya Joseph na laseng daw si Kuya Justin at mukhang hindi na kayang umuwe mag-isa. May dala pa namang sasakyan yun! Pasaway eh!
Sinabi ko sa kausap ko na pupuntahan ko si Kuya Justin kaya inaalam ko ang address nila.
.
.
.
.
.
.
.
"Dahan dahan lang Kuya Justin" sabi ko sa kanya nung nasa bahay na kami. Mukhang laseng na nga. Todo akbay na sakin eh tapos pagewang gewang pa kami ng paglalakad. Buti nalang si Kuya Jayjay ang nasakyan naming tricycle kaya natulungan niya ako sa pag-akay kay Kuya Justin.

Inihiga ko sa kama ko si Kuya Justin. Di ko alam ang gagawin ko para mahimasmasan to kaya dinampot ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Kuya Den.

Langya! Ang tagal namang sagutin ni Kuya Den ang tawag ko. Imposible namang tulog na yun. Kilala ko ang Kuya ko.

"Hello Chrien. Bakit?" Mabilis na tanong ni Kuya.

"Mamaya na yan Nei! Istorbo naman eh!" Narinig kong boses ni Kuya Paul.

Hala! Nag-aaway ata sila ni Kuya! Wrong timing ata ang tawag ko.

"Kuya wag ka maingay kay Kuya Paul ha.. andito si Kuya Justin. Nakainom. Ano gagawin ko Kuya?" Mangmang na tanong ko.

"Nei naman! Nakakabi- tumigil ka nga Francisco! Kausap ko kapatid ko!" Rinig kong muli sa kabilang linya.

"Ganito gawin mo bunso, tanggalin mo ang damit niya at pantalon. Punasan mo ng wet towel. Pagsuotin mo lang siya ng sando. Mawawala rin ang pagkalaseng niyan" bilin sakin ni Kuya.

"Hala! Kuya! Bakit tatanggalin ko ang damit at pantalon? Edi hubad siya! Ayoko nga!" Sagot ko.

Narinig kong pilit inagawa ni Kuya Paul ang cellphone kay Kuya.

"Bunso, kapag laseng kailangan talaga ganon ang gawin para mawala ang tama ng alak. Sige na. May ginagawa kami ni Kuya Den mo" huling rinig ko at nag-busy tone na ang linya.

Nilingon ko si Kuya Justin. Natutulog na siya pero naungot ungot. Ganon ba talaga kapag laseng? Langya! Kailangan ko ba talagang gawin yung sinabi sakin ni Kuya Den? Huhubaran ko si Kuya Justin? Jusko! First time kong gagawin to.

No choice. Ayoko namang hayaan na ganito si Kuya Justin. Kumuha ako sa kusina ng maliit na planggana at nilagyan ko iyon ng kaunting tubig. Kumuha ako sa aparador ko ng bench bath. Yung binigay sakin ni Oah. Wala naman kasi akong ibang towel eh. Alangan namang yung twalyang panligo ko ang gamitin ko. Ang laki naman nun!

Inilapag ko na sa ibaba ang bitbit ko. Tiningnan ko si Kuya Justin. Ang cute talaga ni Kuya Justin. May hawig kay Kuya Luis. Inayos ko ang pagkakahiga niya.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon