Chrien Ross PoVTinawag na ang first five. Kasama palagi si Oah sa first five ng bawat laro nila. Dito kami sa dulo nakaupo ni Allyson. Ginala ko ang mata ko at nakita ko naman si Tinay na nasa bench ng team nila Oah. Unang beses na hindi ako ang nakaupo sa bench ng team nila. Nakakapanibago.
Nagsimula na ang laro. Naagaw agad ng kalaban ang bola mula sa jump ball at mabilis naipasa ang bola at naitira ng kalaban. Pasok. Puntos agad ng kalaban nila Oah. Makalipas ang ilang minuto ay tumawag ng time out ang coach nila Oah. Napansin kong hindi maganda ang laro nila ngayon. Parang wala silang team work. Si Oah naman pagpinapasa sa kanya ang bola ay agad niya iyong tinitira. Sala naman. Kaya madalas error siya.
"Second half na. Mukhang wala sa kundisyon ang team mo ah" sabi ng katabi kong si Allyson.
"Nagpapatalo talaga sa una ang bida. Magaling yan si Oah. Palaging MVP yan sa bawat liga na sinasalihan niya" pagtatanggol ko sa bestfriend ko.
45-28 ang score. Lamang ang kalaban.
Tiwala lang. Mahaba haba pa ang oras.
Tumawag ulit ng time out ang coach nila. Hindi ko man naririnig pero nakukuha ko ang pinapaintindi ng coach nila. Team work. Napansin kong tagaktak na ang pawis ni Oah. Nasa bag naman ang towel na ginagamit niya tapos ayaw niya gamitin.
"Dun muna ako sa sasakyan. Lakad lapitan mo bestfriend mo. Sunduin nalang kita kapag natapos na ang laro" biglang sabi sakin ni Allyson at kaagad na tumayo at naglakad papalabas ng court.
Tumayo na rin ako at naglakad ako papalapit sa bench ng team nila. Nag-uusap usap pa sila kaya hindi ako napansin ni Oah at ng ibang kaibigan niya.
"Excuse me po.." sabi ko kay Tinay at inabot ko ang bag ni Oah. Kinuha ko ang towel at yung gatorade niya. Hindi na muli ako tumingin kay Tinay. Ewan ko ba. Parang naiilang ako. Lumapit ako kay Oah.
"Eto ang towel at gatorade mo. Wala ka bang balak gamitin yan?" pagalit kong sabi sa kanya.
"YOWWWWWWWN!!!!! PANALO NA TAYO!!!!!" halos sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan niya nung nadako ang tingin nila sakin.
"Ayos na Chrien! Buti dumating ka" nakangiting sabi sakin ni Ian.
"Kanina pa ako dito. Kanina ko pa rin nakikita ang mga error netong si Oah" galit galitan kong sagot.
"Watch and Learn" singit ni Oah sabay kindat sakin matapos iabot sakin ang towel at ang gatorade na naubos agad niya.
Nagsimula na ulit ang laban nila. Sa kalaban ang bola. Nakita kong sumenyas si Oah kay Ian na umikot sa kabila. Nakuha naman yun ni Ian. Si Oah ang nakikipagharangan sa may hawak na bola at sa isang iglap lang ay mabilis naagaw ni Oah ang bola at naipasa niya agad kay Ian. Pagkakuha ni Ian ng bola ay tumakbo ito ng mabilis at nai-shoot ang bola. Palakpakan ang mga kasama ko sa bench at kasama na ako dun.
"Ayos! Good!" sigaw ng coach nila.
Ilang beses na naagaw ni Oah ang kalaban at naisushoot naman iyon kaya nakakahabol na sa puntos ng kalaban.
51-47.
"Relax lang. Mananalo tayo!" sigaw ng coach at ng ibang kateam ni Oah.
Na kay Oah ang bola. Dinidribol niya iyon. Nakabantay ang tatlong kalaban sa kanya kaya nahihirapan siyang lumusot para maishoot ang bola.
Tumingin ako sa digital clock. 20 seconds nalang pala. Nakakuha ng tiyempo si Oah at mabilis nakalusot sa nagbabantay sa kanya. Dire-diretso siyang tumakbo para i-shoot ang bola pero may sumabay sa kanya.
Pumito ang referee.
"Foul!" sabi ng referee at nagpalakpakan ang team nila Oah.
Freethrow.
"Noah sure ball!" -Ian.
Naishoot ni Oah ang dalawang freethrow.
Nasa kalaban ang bola.
Score 51-49.
10 seconds.
"Wala na. Ten seconds nalang. Nasa kalaban pa ang bola" narinig kong sabi ng isang kateam ni Oah. Langyang to. Marami pang pwedeng mangyari sa sampung segundo noh!
"Oah!!! Hindi pwedeng matalo!" sigaw ko at mabilis siyang tumingin sakin. Tinuro niya ang dalawang daliri niya sa mata niya at matapos nun ay sakin naman tinuro. Parang pinapahiwatig niyang WATCH ME.
Pinasa ng kalaban ang bola sa kakampi niya. Dinidribol. Halatang inuubos nalang ang ilang segundo para sure win na.
7 seconds.
Pasa. Dribol. Pasa.
5 seconds.
Dinidribol ng kalaban ang bola nung biglang sumulpot si Oah sa likuran ng kalaban at mabilis naagaw ang bola.
Tumakbo si Oah papalapit sa kabilang ring.
3 seconds.
Tinira ni Oah ang bola.
2 seconds.
Nasa ere pa ang bola.
1....0 sec.
Pasok ang bola. RINGLESS.
THREE POINTSSSSSSSS!
Napuno ng sigawan at palakpakan ang buong Arayata Complex. Nagtalunan ang mga magkakateam dahil sa sayang nararamdaman nila. Panalo sila. Nilapitan ko si Oah.
"Galing!!" puri ko sa kanya.
"Sabi ko sayo eh Watch and Learn" pagyayabang niya.
"Naku Chrien kung hindi ka dumating siguradong talo kami. Kanina pa maini-"
"Tumigil ka nga Ian! Tara na nga" yaya niya pabalik sa bench.
"Ang galing mo talaga Noah! Wala pa rin pagbabago ang laro mo kahit nung nga bata pa tayo" biglang salubong ni Tinay. Takenote! Yumapos pa kay Oah!
"Guys, may celebration tayo. Treat daw tayo ni Coach sa JnW tapsihan!" malakas na sigaw ni Ian dahilan para maghiyawan ang mga kateam ko.
"Tara na tol. Sama mo na yang Chikabeybs mo at ang bestfriend mo" sabi naman ng kateam niyang si Tyron.
Chikabeybs?
Tiningnan siya ni Oah at binalik sakin ang tingin.
"Tara. Treat daw tayo ng coach namin" nakangiting sabi ni Oah.
"Talaga? Ang bait naman ng coach niyo. Wait lang kunin ko lang yung bag ko" sagot naman ni Tinay at bumalik sa bench para kunin ang bag niya.
"Akina yang bag mo Ien. Ayos na ayos diretso tayo sa bahay pagkatapos natin kumain" sabi sakin ni Oah at akmang kukunin niya ang bitbit kong bag.
"Tara na! Nagutom din ako sa kakasigaw sayo Noah" masayang singit ni Tinay nung nakabalik na siya samin.
"Halika na Ien, nagugutom narin ako" ngiting sabi ni Oah at aakmang hihilahin ang kamay ko nung may nagsalita sa likuran.
"Halika na Chrien Ross. Dadaan pa tayo sa Mall at sa bahay niyo" -Allyson.
Natigilan si Oah at tumingin ng diretso sakin. Lumipat ng tingin si Oah kay Allyson. Kakaiba ang tingin niya.
"Pasensya na Oah... Pupunta kasi ako sa birthday celebration ni MJ.. Nextime nalang ako babawi sayo" sabi ko kay Oah.
Nanatiling nakatingin lang sakin si Oah.
"Pasensya na talaga Oah..." ulit ko.
"Boyfriend mo Chrien?" biglang singit ni Tinay.
"Ah.. Hin-"
"Sige Chrien. Ingat" sagot ni Oah at tumalikod na at nagsimula ng maglakad papunta sa mga kateam niya.
Author: Sensya po late update.
Dami po ginagawa kasi malapit na po ang closing sa school. Salamat po sa pagbabasa. Penge pong comments ang votes.BubeiYebeb
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
Любовные романыLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb