Tanza Park

2.9K 122 23
                                    

Mas mahalaga ang loyalty kesa sa pag-ibig.

Chrien Ross PoV

Nagising nalang ako sa biglang pagtunog ng cellphone ko. Hindi ko nga pinapansin pero ayaw tumigil kaya inabot ko iyon. Takte! Hindi ko magawang abutin dahil sa may mabigat na bagay na nakapulupot sakin. Napansin ko nalang na kamay pala ni Kuya Justin ang nakayakap sakin kaya hindi ko magawang abutin ang cellphone ko.

Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ni Kuya Justin at mabilis kong dinampot ang cellphone ko.

"Hello..." natatamad ko pang sagot.

"Chrien Ross! Ala sais na tapos kagigising mo lang! Hindi mo ba alam na may pasok ngayon! On the way na ako diyan sa inyo. Mag-ayos ka na" inis na bungad sakin ni Oah.

"Una ka na mun-" takte naman! Hindi nanaman pinatapos ang sasabihin ko.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at mabilis na akong nagpunta sa banyo para nakapaligo. Susunduin nga pala ako ni Oah ngayon. Dapat nga hindi na niya ako sinusundo eh. Malaki na kaya ako. Palagi niyang sinasabi na paano daw kung biglang may mangyaring hindi maganda tapos wala daw siya sa tabi ko. Jusko! Ano tingin niya sakin? Lampa! Ganoon daw talaga ang bestfriend. Hindi pinapabayaan ang isa't isa.

Itinapis ko ang twalya sa katawan ko at binuksan ko ang aparador ng kwarto ko. Wednesday nga pala ngayon kaya okay lang na mag-white tshirt lang ako. Ang init kasi kapag nakapolo. Kadami dami pa namin sa loob ng room. 68 na yata kami don ee. Sari sari na ang amoy. Amoy impakto!

Aktong tatanggalin ko na ang twalyang nakapulupot sakin nung bigla kong naalala na nandito nga pala sa kwarto ko si Kuya Justin. Nilingon ko siya. Ang himbing pa ng tulog niya. Hindi naman siguro agad siya magigising kaya hindi niya ako makikita habang nagbibihis ako dito.

Kinuha ko ang snowlotion sa aparador ko at nagpahid ako sa magkabilang hita at binti ko, matapos nun ay sa magkabilang braso ko naman bago ko tuluyang tanggalin ang twalyang nakabalot sa katawan ko. Sinuot ko ang kake pants ko kasunod nun ay ang white tshirt ko naman. Nagwisik ako ng pabango at sinuot ko na ang rubbershoes ko. Oo. Rubbershoes. Ayoko kasi ng blackshoes. Hahaha! Pasaway noh?

Si Kuya na siguro ang bahalang gumising kay Kuya Justin. Mukhang ang sarap pa ng tulog ni Kuya Justin eh.

"Una na ako Kuya. Bye.. Medyo may hawig ka pala kay Kuya Luis kapag natutulog. Ang kyut" sabi ko sa kanya matapos nun ay naglakad na ako palabas ng kwarto ko.

"Mabuti naman at natapos ka na Chrien. Kanina pa nag-aantay si Noah dito oh!" Sita sakin ni Kuya Den.

"Kumain na muna kayo ng almusal ni Noah" dugtong ni Kuya Den habang kaharap si Kuya Paul sa lamesa.

"Hindi na Kuya Den. Daan nalang kami sa Jollibee ni Ien. Halika na Ien" singit naman ni Oah.

Kinuha ni Oah ang bag ko at sabay na kaming naglalakad palabas ng bahay.

"Bunso!"

Sabay kaming napalingon ni Oah nung narinig namin ang malakas na tawag na iyon.

"Bunso naiwan mo itong cellphone mo oh" sabay angat ni Kuya Justin ng kaliwang kamay niya habang hawak hawak ang cellphone ko.

Nilapitan ko si Kuya Justin at kinuha ko ang cellphone ko.

"Thank You Kuya. Sige una na po kami" sabi ko sa kanya.

Nung nakabalik na ako sa tabi ni Oah ay nakita kong nakatingin siya ng hindi maganda kay Kuya Justin. Inilipat niya ang tingin niya sakin at ramdam ko na nag-iba ang mood niya.

"Kuya alis na kami ni Oah!" Paalam ko.

"Sige. Ingat kayo" -Kuya Den.

Inabot sakin ni Oah ang helmet. Hindi siya nagsasalita. Tinanggap ko iyon at isinuot ko na sa ulo ko.

Ano ba naman tong bestfriend ko na to. Bipolar!

Iniyapos ko na ang dalawang kamay ko sa baywang ni Oah. Ganto palagi ako kapag nakaangkas ako sa motor niya. Kailangan nakakapit na maigi. Bilin sakin ni Oah yun. Baka daw kasi mahulog ako. Kaya kailangan higpitan ko daw ang pagkakayapos ko sa kanya.

Idinaan ni Oah sa drivetru at umorder siya. Mabilis lang kami dun at nagpunta na kami sa palagi naming pinupwestuhan kapag nakain kami ng breakfast.

Dito sa Tanza Park.

Inilatag ni Oah ang kulay puting tela na galing sa compartment ng motor niya at inihain na ang pagkain na inorder niya kanina sa jollibee.

"Eto oh" sabay abot ko sa kanya ng burger na nilagyan ko ng fries sa loob at dinagdagan ko pa ng ketsup. Iyon kasi ang gusto niya sa burger.

Kinuha niya iyon pero hindi parin natingin sakin.

"Sorry na.." sabi ko. Alam ko kasi na dahil sakin kaya siya nag-iba ng mood. Nagagalit yata kasi late na ako nagising.

"Ayoko ng mauulit to Chrien Ross ha! Bilisan mo na ang pagkain. Baka ma-late ka pa" sagot niya.

"Oah huwag mo na ako ihatid sa school ko. Ang lapit na naman eh. Saka baka ikaw ang ma-late. Baka makuha nanaman yang ID mo" kontra ko sa kanya.

Hinubad niya ang ID niya at isinukbit sa leeg ko. Kinuha naman niya ang ID ko at ikinabit sa poli niya.

"Oh ayan. Hindi na nila makukuha ID ko" ngising sagot niya.

"Eh pano naman ID ko? E di yan naman ang kinuha nila!" Sagot ko.

"Aba! Subukan lang nila! May paglalagyan sila kapag hinipo nila ang ID mo sakin" matapang niyang banta.

Haaay.. yabang talaga ng bestfriend ko.

"Osya tara na.." yaya niya sakin. Iniligpit niya ang mga ginamit namin at sumakay na ulit kami sa motor niya.

"Oy oy! Isuot mo ang helmet!" Sabi niya.

"Eh malapit nanaman eh oh! Tanaw ko na yung school namin" -Ako.

"Isuot mo. Kahit ba tanaw mo na school niyo! Suot mo na" pilit niya sakin.

"Daya daya! Lakas makapagpasuot ng helmet eh siya naman walang suot na helmet!" Mahinang bulong ko.

"May sinasabi ka!?" Pang-asar niyang tanong.

"Wala po. Sabi ko nga importante ang helmet. Kaya dapat lahat ng tao nakahelmet. Kahit mga naglalakad dapat maghelmet" pilosopong sagot.

Napansin kong ngumiti lang siya sa narinig niya mula sakin.

Pinagbuksan kami ng gate ni Kuya Lito. Guard ng TNCHS. Kilala ko noh? Close kasi kami. Kapag kase gusto ko lumabas nasensyas lang ako kay Kuya Lito. Hahaha! Pinapalabas niya ako kahit hindi pa oras ng labasan. Palakasan lang yan!

Ipinarada ni Oah ang motor niya sa tapat ng Main Building. Di na nga nahiya eh. Ang dami daming estudyanteng nagkalat at naghaya sa taas. Pwede naman niya akong sa labas nalang ibaba.

Tinanggal niya ang helmet sakin.

"Oh eto ang bag mo. Saka eto nga pala ang merienda. Gumawa ako kaninang umaga ng mango graham saka tuna sandwich" kasunod nun ay ang pag-abot niya ng box na nakabalot sa scarf.

"Susunduin kita mamayang hapon. May laro ako ng basketball kaya dapat panuorin mo ako. Icheer mo ako! Huwag kang puro kalokohan sa room. Sige na. Papasok na rin ako" mahabang bilin niya.

Aktong sasakay na siya sa motor niya nung bigla siyang naglakad pabalik sakin.

"Ingat.." kasunod nun ay kinisan niya ako sa noo ko.

Author: Maraming Salamat po sa suporta! :)
Pengeng Comments and Votes.
Update po ako mamaya.

Thankyou po.

BubeiYebeb

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon