Chrien Ross Point of View"Putangna nalaseng ako kahapon Chrien" reklamo sakin ni Rizza pagkalapag ko ng bag ko sa upuan.
"Oh bakit parang wala ka sa sarili mo?" dugtong na tanong sakin ni Rizza.
Fhashback
"Pwede pa-join? Late na rin ako sa klase ko eh. Saka parang gusto ko rin ng kakwentuhan" sabay upo ni Luke Francis. Yung lalakeng pinakilala kong boypren ko kunwari dati.
"OhhhhSure! Why not coconut? Saka hindi nanaman kami makakatanggi kase nakaupo ka na. Shot mo oh!" kasunod nun ay ang pag-abot ni Rizza sa kanya ng baso.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Hindi gaanong nagsasalita itong kasama namin pero halatang nakikinig siya sa mga pinag-uusapan namin ni Rizza.
"Eh nasan na si Kuya Justin mo?" muling tanong ni Rizza.
"May importante at kinakaharap sila ngayon. Kaya hindi rin nauwe si Kuya Den sa bahay dahil dun" sagot ko at ininom ko ang tagay ko.
"Kaya pala nag-leave si Sir" tipid na reaksyon ni Luke Francis.
"Huwag ka masyado mag-inom Chrien. Baka sunduin ka ng jowa mo" -Rizza.
"Kanina ko pa nga tinetext pero hindi nagrereply" malumanay na sagot ko.
"Baka naman busy sa school" pagtatanggol ni Rizza.
"Si Christian ba? Eto katext ko ang kaklase namin. Wala naman daw kaming pasok dahil wala yung dalawang prof na kasunod ni Sir Den" sabat ni Luke Francis.
"Subukan mong tawagan" sangguni naman ni Rizza at mabilis ko na ngang ni-tap ang pangalan nya dito sa cellphone ko.
Ilang beses kong sinubukan pero ring lang ng ring.
Nagpalipas muna uli ako ng ilang minuto bago ko sinubukan uli.
"Out of coverage area..." mahinang sabi ko.
"Baka nalobat? O baka naman naiwan ang cellphone" muling sabi ni Rizza at tinagayan na uli ako.
"Hindi naman ganito si Allyson e. Dati isang text ko lang nasagot na agad yun o natawag na agad" nalulungkot kong sagot kay Rizza.
"Huwag ka ngang mag-isip ng negatibo. Maya maya lang magrereply na iyon. O baka nga magulat ka na biglang sumulpot yun dito. Chillax. Shot lang ng shot" mahabang pagpapagaan ni Rizza ng kalooban ko.
Inabot na kami ng pasado ala sais dito. Wala pa ring reply sakin si Allyson. Sa tingin ko nga mahigit 30 msgs na ang naisend ko sa kanya.
Ganito ba talaga ang pumasok sa isang relasyon?
Haaaaay.... Wala akong alam. First time ko kasi at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
"Huwag ka na mag-alala. Tatawagan ka rin nun mamaya pag-kauwe mo" sabi sakin ni Luke Francis nung sabay sabay na kaming naglalakad papalabas.
"Huwag kayong loloko loko saken, laseng ako!" sigaw ni Rizza sa mga nakakasalubong naming estudyante.
"Tumahimik ka nga Rizza. Pano ka malalaseng e hindi nanaman natin sinundan pa yung iniinom natin" suway ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomanceLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb