Chrien Ross PoV"Ooops.. check ko muna seatbelt mo" sabi sakin ni Kuya Justin.
Ngayon ang concert ng Shooting Star Band. Alam ni Kuya Justin na paborito ko si Kuya Vincent kaya sinama niya ako. Nasa VIP pa nga kami eh.
"Salamat" sabi ko sa kanya matapos niyang ayusin ang seatbelt ko. Hindi kasi ako marunong nun. Mas sanay kasi ako sumakay sa motor ni Oah at helmet ang palagi kong sinusuot.
Haaay... buti nga pinayagan ako ni Oah eh.
Flashback
"Ayoko na mauulit yung nangyari Chrien Ross. Hindi ko gusto yung ginawa ni Justin" seryosong sabi sakin ni Oah nung nasa bahay na kami.
"Oah hindi ko naman alam na-"
"Basta. Ayoko na maulit" putol niya at tumalikod na siya sakin sa pagkakahiga. Hindi na ako umimik. Ramdam ko naman na nagseselos si Oah. Ayaw na ayaw kasi ng bestfriend ko na napupunta ang atensyon ko sa iba. Napakaseloso.
"Ayoko lang magkaroon ng pagkakataon at dahilan si Justin para maagaw ka niya sakin" bigla kong narinig sa kanya dahilan para matigil ako sa pag-iisip ko.
"Haaay naku Oah. Mga iniisip mo naman oh. Bakit ako aagawin ni Kuya Justin? Saka magkaibigan naman kami nun dahil kapatid siya ni Kuya Paul na boyfriend ni Kuya" mahabang paliwanag ko.
"Yun na nga eh. Kapatid siya ni Kuya Paul. Basta Ien gusto ko lang malaman mo na sakin ka lang at hindi ako titigil hanggat hindi mo ako sinasagot" seryoso nanamang sabo niya.
Oo nga pala. Nililigawan ako ng bestfriend ko. Hindi ko na nga naiisip yun kasi kahit naman hindi niya ako ligawan ay malambing at hindi ako pinapabayaan ni Oah.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ien hindi nga pala ako makakatigil sa inyo pagkahatid ko sayo. May lakad kami nila Joseph. Pasensya na ha" paalam sakin ni Oah habang tinatahak namin ang daan pauwe samin."Okay lang..." tipid kong sagot. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya na aalis kami ngayon nila Kuya kasama sila Kuya Paul. Concert kasi ng SSB.
"May gusto ka bang sabihin?" Tanong niya.
Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaalam sa kanya. Sigurado kasi ako na magiiba ang mood niya kapag nalaman niya na kasama si Kuya Justin.
"Chrien Ross kanina pa kita kinakausap" muling sabi niya.
"Ah..okay lang..." -Ako.
"Anong okay lang? Sabihin mo nga sakin ang gusto mong sabihin. Hindi tayo aalis dito sa tapat niyo kapag hindi mo sinabi" banta niya. Hindi ko na nga namalayan na nasa tapat na kami ng eskinita namin eh.
"Ahh... Oah kase.. may biglaan lakad din kami ni Kuya Den..." medyo nauutal kong paalam sa kanya.
"Oh.. yun lang naman pala eh. Bakit hindi mo masabi? Kasama mo naman pala si Kuya Den" sagot niya habang inaayos yung hinubad niyang helmet sa ulo ko.
"Saan ba kayo pupunta ni Kuya Den?" Muling tanong niya.
"Manunuod kami ng concert ng SSB..." sagot ko.
"Gusto mo pahatid ko kayo kay Kuya MJ? Sigurado ako matutuwa yun" -Oah.
"Oh andiyan ka na pala Chrien. Magpalit ka na ng suot mo. Aalis na tayo. Pakainin mo muna si Noah sa loob" biglang pagsulpot ni Kuya kasama so Kuya Paul. Napansin kong napabalik tingin sakin ni Oah.
"Kasama ba si Justin?" Diretsong tanong niya nung pumasok na sa loob sila Kuya. Tango lang ang sinagot ko.
"Chrien Ross pinapayagan kita hindi dahil sa gusto ko. Pinapayagan kita kasi alam kong paborito mo ang SSB. Gusto ko rin ipaalam mo kay Justin na nililigawan kita para pagkatapos ng gabing ito ay alam na niya ang dapat niyang gawin" mahabang sabi sakin ni Oah.
"Oah wala naman gus-"
"May gusto o walang gusto sayo gusto kong malaman niya ang tungkol sa ating dalawa" putol niya.
"Text mo ako kapag nandun na kayo at tatawagan naman kita kapag nakauwe na ako. Mag-iingat ka" bilin niya sakin.
"Opo. Ingat din kayo. Huwag ka na mag-iinom ng madami ha" bilin ko rin sa kanya. Matapos yun ay pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at bahagya niyang ginulo ang buhok ko.
End of Flashback
Ilang sandali lang ay dumating na kami sa venue ng concert ng SSB. Ang daming tao! Kitang kita ko mula dito sa pinakaunahan. Oo tama! Nandito kami sa pinakaunahan. Kitang kita ko nga dito ang stage eh. Sana ma-notice ako ni Kuya Vincent.
Nasa kabila sila Kuya Den. VIP din sila. Ewan ko ba kung bakit hindi namin sila katabi. Hindi ko nga nakita na nag-abot ng ticket si Kuya Justin at Kuya Paul kanina nung pumasok kami dito eh.
"Komportable ka ba sa pwesto natin?" Tanong sakin ni Kuya Justin.
"Oo Kuya. Kitang kita sigurado mula dito sila" masayang sagot ko.
Biglang nagDim ang paligid at tanging ilaw lang sa stage ang natitira. Nag-umpisa na ang concert. Kinakanta ng SSB ang pinakasumikat nilang kanta na hanggang ngayon ay sikat parin. Ang Search For Your Love.
Hiyawan.
Sigawan.Yan ang tanging naririnig ko bukod sa pagkanta nilang tatlo. Kahit nga ako napapasigaw rin eh.
(Hindi ko na po ilalagay dito ang nangyari sa concert ng SSB. Sa Book 3 nalang po ng One More Chance. May pasabog si Leonard para kay Ashton dito sa part na to)
"Sana nag-enjoy ka" ngiting sabi sakin ni Kuya Justin habang naglalakad lakad kami dito sa labas ng MOA. Nauna na kasi umuwe sila Kuya Den. May seminar kasi siya bukas.
"Oo naman Kuya Justin. Sobrang nag-enjoy ako" masayang sagot ko.
Kailangan ko ba talagang sabihin kay Kuya Justin na nililigawan ako ni Oah? Hindi ba parang nakakahiya yun? Saka imposible naman kasi yung iniisip ni Oah kay Kuya Justin eh. Wala sa itsura nito ang magkagusto sakin. Saka kabata bata ko pa. Haaay naku.
"Oh natulala ka diyan? Eto oh" tanong sakin ni Kuya Justin habang inaabot ang cotton candy.
"Kuya Justin okay lang ba na halimbawa may bestfriend ka tapos liligawan ka?" Tanong kong bigla sa kanya.
Author: Salamat po sa pag-aantay ng update. Penge pong comments and votes. Thankie.
BubeiYebeb
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomanceLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb