Chrien Ross PoV"Musta na Pre?" -Kuya Allen patukoy kay Kuya Jerome.
"Okay lang. Ganoon parin" sabay ngiti ni Kuya Jerome.
"Musta na Den?" malawak na pagkakangiti ni Kuya Jerome kay Kuya Den.
Napansin kong umurong si Kuya Paul palapit kay Kuya Den.
"Ayos lang Rome. Halika, kumain na muna kayo" sagot naman ni Kuya Den.
"Alam mo Chrien, gawin mong Musta ang title ng PoV mo. Puro kamustahan! Dapat tuwadan!" singit naman ni Ate Sheryl.
"Chrien arikot ka mamaya. Ayan na si Kuya Justin eh. Alaman na yan!" singit din ni Rizza.
Hindi kaya magkambal itong si Ate Sheryl at si Rizza? Maaga lang siguro nailabas si Ate Sheryl. Parehong pareho ng ugali eh. Balahura.
"Bunso may gift ako sayo. Mamaya ko na bibigay ha" -Kuya Justin.
"Kuya Justin dapat lagyan mo ng ribbon na pula, tapos itawing tawing mo" dugtong ni Rizza dahilan para magtawanan ang mga kasama namin.
"Shot mo na Paul!" pagtawag ni Kuya Allen.
Nagsisimula na kaming mag-inom. Pinayagan naman ako ni Kuya pero hindi daw ako pwede makipagsabayan sa kanila. Baka malaseng daw ako at kung ano ang gawin ko.
"Bunso tabi tayo" -Kuya Justin.
Naramdaman kong bahagyang umurong papalapit sakin si Allyson. Tumingin siya sakin at hindi nagsalita.
"Alam ko na Kuya Justin kung paano mo papauwiin si Chrien kapag yan eh nasa galaan" biglang sabi ni Rizza matapos tunggain ang inabot na tagay ni MJ. Si MJ kase ang nagpapaikot ng tagay samin at si Kuya Allen naman kina Kuya Den.
"Diba sabi sa kanta ng ExB, 'Di nako galet, baby uwe ka na" dugtong ni Rizza.
"Eh luma na yon Rizza eh!" singit ni Ronje.
"Wag kang atat! Di pa tapos kwento ko. Saka hindi naman ikaw ang pauuwiin eh! Kung gusto mo lakad umuna ka na!" pambabara ni Rizza.
"Sare Sare!" -Ronje.
"E pano nga ba Rizza?" Interesadong tanong ni Justin.
"Ganito sabihin mo" tumayo si Rizza at tinapat sa tainga ang takip ng kaldero.
"Baby umuwe ka na, GALET NA TO!" -Rizza.
Nagtawanan lahat pati ako dahil sa pustura ni Rizza. Pati sila Kuya ay nagtawanan narin.
"Ewan ko lang kung hindi umuwe yang baklang yan!" malakas na sigaw ni Rizza.
"Pre alam mo narin kung paano pauuwiin si Den! Hahahahahahahahaha" -Kuya Allen.
"Tangkaloko ni Rizza!" sabi ni MJ habang tawa ng tawa.
"Christian oh" sabay abot ni Mj ng tagay kay Allyson.
Nagpatuloy na sa pag-ikot ang tagay. Kanya kanyang kwentuhan at asaran. Bidang bida nga si Rizza eh. Dami niyang kwento. Hindi rin naman nagpapatalo si Ate Sheryl. Puro kalokohan rin.
"Bunso lika dali..." sabi sakin ni Kuya Justin sabay hila sa kamay ko.
Nagpaubaya na ako kay Kuya Justin. Hanggang sa makarating kami dito sa tabing dagat. Medyo malamig nga eh. Hapon na kasi.
May kinuha siya sa bulsa niya.
"Better late than never... Happy Birthday Chrien..." sabi niya habang dahan dahan niyang kinakabit sakin ang regalo niyang bracelet.
"Maraming salamat Kuya Justin..." sabi ko sa kanya at niyapos niya ako.
"Chrien! Justin! SMILEEEEE!" sabay lingon namin ni Kuya Justin.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomanceLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb