Christian Allyson Point of View
"Oh san ka pupunta Allyson!?" tanong sakin ni Mj nung bigla akong tumayo. Hindi ko na sinagot yung tanong niya. Diretso na akong lumabas ng lugar na iyon. Wala ako sa mood na makipag-inuman sa marami. Pakiramdam ko ay kailangan kong mapag-isa kaya kaagad na akong sumakay sa sasakyan ko at dumiretso ako dito sa 7/11. Bumili ako ng beer at pumasok ako sa parke. Matagal tagal na rin ang huling punta ko dito. Si Ross pa nga ang kasama ko nung nga oras na iyon.
Napansin ko ang napakapamilyar na itsura. Hindi ako nagkakamali si Ross iyon.
Talaga yatang pinagtatagpo kami ng tadhana.
Dahan dahan ko siyang nilapitan.
"Pwede bang makiupo?" mahinang tanong ko sa kanya sapat lang upang marinig niya.
Flashback
"Tungkol kay Ien" diretsong sabi ni Noah.
Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Noah. Hindi naman mag-aaksaya ng oras ito kung hindi dahil kay Ross.
"Alam ko naman na alam mo na simula pa pagkabata ay kaming dalawa na ni Ien ang magkasama" panimula niya. Hinahayaan ko lang siya magsalita. Gusto ko munang marinig ang lahat ng sasabihin niya bago ako magsasalita.
"Bata palang kami alam na namin na gusto na namin ang isa't isa" pagpapatuloy niya.
"Noah diretsuhin mo ako. Ano ang gusto mong sabihin sakin?" putol ko sa sinasabi niya.
"Layuan mo si Ien"
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam yung bigla kong naramdaman dahil sa narinig ko kay Noah. Nawala yung tapang ko. Nawala lahat.
"Hindi ko hinihiling yan. Sinasabi ko yan dahil yan ang dapat" huling narinig ko kay Noah at tumayo na siya.
End of flashback
"Allyson..." mahinang pagtawag niya sakin. Umusog siya ng bahagya senyales na maari na akong maupo.
Kapwa kami tahimik. Tanging kanta lang sa magkabilang dulo ng parkeng ito ang naririnig namin.
(Now playing: Dahan - Jireh)
"Alam mo ba yung kwento ni Casper?" basag ko sa katahimikang bumabalot samin. Tiningnan niya lang ako at umiling siya.
"Bata palang namatay na si Casper. Ulila siya. Kinupkop siya ng tatlong malolokong ghost" panimula ko sa kwento ko at halatang interesado si Ross sa kinukwento ko.
"Hanggang sa may tumira na sa bahay na tinitirahan nila... Tinatakot ng malolokong ghost yung babae pero pinagtatanggol ni Casper yun. Hanggang sa maging magkaibigan na sila" dugtong ko uli.
Pinagpatuloy ko ang pagkwento ko sa kanya. Napapansin ko nga na parang nakikita ko uli sa kanya yung dating Ross na nakilala at nakakasama ko.
"Bakit ganun diba dapat hanggang 12midnight? Bakit hanggang 10pm lang binigay sa kanya ng fairy?" takang tanong niya.
"Magkaiba kasi si Casper saka si Cinderella" sagot ko sa kanya.
"Nagsayaw silang dalawa. Tapos tumunog na yung orasan. Tinitigan ni Casper yung babae" pagpapatuloy ko.
"Anong sinabi?" -Ross.
"Can I keep you?"
"Ayy hindi happy ending. Hindi sila nagkatuluyan" sabi niya.
"Kung ako gumawa ng kwento na yun gagawin kong happy ending" dugtong niya habang nakatingin sa malaking puno na nasa harapan ng parke.
"Ross..."
"Oh?"
"Sorry..." seryosong sabi ko sa kanya.
Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag ang katangahang desisyon ko kahit na may pagpipilian naman akong gawin dati.
"Sorry san?"
"Sa nagawa ko..."
"Wala yun. Hindi mo naman gagawin yun kung wala kang sapat na rason. At kung ano man yung reason mo na yun naiintindihan kita" diretsong paliwanag niya.
"Alam ko nasaktan kita... Sana matangg-"
"Tapos na yun Allyson. Kung ano man ang naramdaman ko dati, ako may kasalanan nun at hindi ikaw. Huwag mo sisihin ang sarili mo" sinserong putol niya sa sinasabi ko.
"Tara maglakad lakad tayo" yaya ko sa kanya. Hindi naman siya tumanggi at nagsimula na kaming maglakad lakad.
"Musta na kayo ni Noah?" hindi ko alam kung san ba ako humugot ng lakas ng loob para itanong iyon sa kanya.
"Ha?" takang tanong niya.
Maang maangan pa itong batang to.
"Diba sinundo ka niya kanina? Bakit wala siya?" magkasunod kong tanongnsa kanya. May inaantay kasi akong sagot na manggaling sa kanya.
"Nakita kasi namin si Tinay na naiyak kanina. Mukhang may problema ata kaya sinabi kong samahan na niya" walang muwang na kwento niya sakin.
"Ahh... Ibig sabihin hindi kayo magbo-"
"Tingnan mo Allyson oh!" sabay turo niya sa fireworks sa itaas.
"Ang gandaaaaaaaa" manghang manghang reaksyon niya.
"Hindi talaga ako nagsisisi na ikaw ang minamahal ko Ross..."
"Ano sabi mo?" tanong ni Ross habang nakatingin sa taas.
"Wala. Sabi ko ang ganda oh" nakituro na rin ako sa itaas. Buti nalang ay malakas ang tunog ng fireworks kundi maririnig niya yung sinabi ko.
Matapos yun ay hinatid ko na siya. Pinipigilan pa nga niya ako na ihatid siya hanggang sa loob pero syempre hindi ako pumayag. Sumama ako hanggang dito sa tapat ng bahay nila.
"Pano? Bukas nalang uli" nakangiting sabi niya sakin.
"Talaga? Saan?" napakaexcited kong tanong sa kanya. Parang gusto niya kasing gumala pa kasama ako.
"Ha? Sa school. May pasok bukas eh" sagot niya.
"Ahh... Kala ko pa naman..."
"Bakit?" muling tanong niya.
"Salamat Allyson... Ingat ka pag-uwe ha" sabi ni Ross at tumalikod na siya sakin.
"Ross..." pagtawag ko sa kanya dahilan para matigilan siya sa pagbukas sa seradura ng pintuan.
Humarap siya sakin.
Nakatingin sa mata ko.
Halatang nag-aantay ng sasabihin ko sa kanya.
"Can I keep you?" seryosong tanong ko sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
Potek!
Hatinggabi na mulat pa dalawang mata ko. Gising pa diwa ko. Hindi ako makatulog!!!!Hindi nawawala sa isipan ko yung sinagot ni Ross kanina sakin.
Pakiramdam ko nagkakagulo ang mga cells sa utak ko.
Parang maloloko na ata ako.
Ano ba ang gagawin ko?
"HINDI AKO PAPAYAAAAAAAAAG!" sigaw ko ata isinubsob ko na ang mukha ko sa ilalim ng unan ko.
Author: Short update po muna. Nagiinom po kami ee. :) Ingat po kayo :)
Comments and likes ha... Thankie :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomansaLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb