Sunduin nalang kita Ien...

1.7K 75 9
                                    

Chrien Ross PoV

Agad akong napabangon sa hinihigaan ko nung madako ang dalawang mata ko sa wall clock namin. 6:45am!!!!!! Langya! Kahit magwisik lang ako ay hindi ako aabot sa first subject namin na 7:15.

Wala kasi si Kuya. Ewan ko ba dun kung saan nagpunta. Malimit nga na wala dito sa bahay yun at minsan naman ay nasa terace lang at nag-iinom. Wasalak! (Walang Sawa sa Alak)

Narinig kong ilang beses tumutunog amg cellphone ko pero hindi ko na muna iyon iniintindi. Mas uunahin ko ba yun kesa sa maligo at mag-ayos ng sarili. Baka mapahiya nanaman ako kay Mrs. Santillan na tadtad ng pintura ang mukha sa kapal ng make up. Baka si Rizza lang yung natawag at sasabihin na late "nanaman" ako. Always.

Matapos kong maligo at magsuot ng uniporme at dinampot ko na agad ang cellphone ko.

Hala ka Chrien! Hinahanap ka ni Maam Boysen! Lagot ka!

Hoy Bakla! May balak ka bang gumising?

Chrien! Pinablotter ka ni Maam Boysen kase hindi ka daw makita!

Pinaghahahanap ka na ng buong estudyante! Nagpapaskil na kami ng wanted Chrien sa mga poste!

Mga text saken ni Rizza. Napakawalanghiya talaga ng babaeng yan! Late lang ako hindi ako nawawala! Maam Boysen?? Jusko! Sino pa e di si Maam Santillan! Si Rizza ang nagbansag nun sa teacher na iyon. Lahat na ata kase ng pwedeng pagpahiran ng make up ay pinahiran na sa mukha.

"Oyy si Chrien late oh!" sigaw ni Rizza nung nakapasok na ako sa loob ng room. Inantay ko pang makaalis si Maam Santillan bago ako tuluyang pumasok sa loob ng room.

"Alak na ng lahat! Obvious naman!" sagot ko sa kanya at naupo na ako sa tabi niya.

"Chrien hindi ko na nakikita si Kuya Justin mo? Nasaan na yun? Namimiss ko na mga tropa nun na pangPornhub eh" seryosong tanong sakin ni Rizza.

"Wala rin akong balita eh. Bigla nalang kase umalis yun eh" maang maangan ko kase ang huling usapan namin ni Kuya Justin ay huwag ipapaalam kahit kanino na tumawag siya sakin.

"Hindi ko na rin nakikita si No-"

"GoodMorning Class!" biglang bati ni Sir Padua na naging dahilan ng mabilis na pagkakaayos namin ng pag-upo ni Rizza.

"Tangina! Hell subject nanaman!" narinig kong bulong ni Rizza at tinuon lang ang mata sa blackboard.

Nagsimula na maglesson si Sir Padua. Tahimik kaming lahat dahil ayaw namin makuha ang atensyon ni Sir at baka kami ang pagsolve-in sa blackboard, halata naman na wala talaga kaming naiintindihan kapag math ang subject. Si Rizza nga halos maduling na ang dalawang mata dahil sa nakikitang mga numero sa blackboard.

"Langya! Akala ko mahihimatay na ako kanina! Saan ba pinagkukuha ni Sir Padua yung mga lintek na numbers na yun?" inis na kwento ni Rizza habang naglalakad kami papuntang canteen.

"Hindi naman kailangan sa pag-aasawa yun eh! Hindi naman ako tatanungin ni Father kung ano ang square root ng 600 bago kami ikasal niya eh" sabay turo niya sa nakaupong lalake na nasa tabi ng table namin. Bigla tuloy napatingin samin.

"Umayos ka nga! Turo ka ng turo! Kakahiya ka!" suway ko sa kanya.

"Mas nakakahiya ka! Late ka!" sagot niya sabay upo.

Nilabas ko ang binabasa ko ang cellphone ko at pinagpatuloy kong basahin ang dinownload ko sa wattpad kagabi. (Waiting Area) ang ganda kasi. Sa totoo lang matapos ko ng basahin ito pero inulit ko. Hindi ko kasi inaasahan na ganoon ang plot ng story. Naiyak ako.

"Chrien"

Nakakadala minsan ang mga story sa watty. Kaso may mga story naman na imposibleng mangyari. Mas masarap basahin yung makatotohanan at yung maikukumpara mo sa totoong buhay.

"Chrien!!!!!" bigla akong napapitlag nung sigawan ako ni Rizza.

"Sinaniban ka nanaman ng binabasa mo! Wala ka bang balak kausapin yang si Noah! Mukhang utog na utog nanaman sayo!" singhal saken ni Rizza.

Mabilis akong napatingin sa likuran ko.

"Oah.." mahinang reaksyon ko. Naupo sa tabi ko si Oah.

"Bakit nandito ka?" takang tanong ko matapos kong tumingin sa relo ko.

"Bawal na ba kitang puntahan?" makahulugang tanong niya sakin dahilan para mapatingin saming dalawa si Rizza.

"Hindi naman.. Oras kase ng klase.. Baka mapagalitan ka.." mahinahong sagot ko habang nakatingin lang ako sa hawak kong cellphone.

Ewan ko ba. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ako umasta ngayon kay Noah. Bigla ko tuloy naalala nanaman yung scenario na nakita ko sila sa Parke.

"Dumaan lang talaga ako dito para sabihin sayo na birthday ko sa Thursday.." sabi niya.

"E di magpapakanton ka Noah? Papakantunin mo kami ni Chrien?" masiglang singit ni Rizza sa usapan namin.

Pasira talaga tong si Rizza. Bigla tuloy akong namula dahil sa pumasok sa isipan ko. Pareho ata kami ng naisip ni Oah dahil kahit siya ay namula at napaiwas ng tingin kay Rizza.

"Oh bakit namumula ka? Pinakanton ka na ni Noah?" dugtong ni Rizza.

"Tumigil ka nga Rizza! Puro ka kalokohan!" suway ko sa kanya.

"Syempre naman hindi ko nakakalimutan ang birthday mo Oah.. Bespren kita eh" sagot ko.

"Sunduin nalang kita sa Thursday Ien.. Suot mo yung damit natin ha yung pink" dugtong pa niya.

"Noah sasama ako ha! Para makalibre ako ng pagkain. Huwag ka mag-alala. Look out niyo ako ni Chrien kapag nagkantunan na kayong dalawa" walang pakundangan na sabi ni Rizza dahilan para mapatingin samin ang nasa kabilang table.

"Puro ka talaga kalokohan Rizza! Kakahiya ka!" -Ako.

"Osya.. Pasok na uli ako.. Tumakas lang ako sa school eh" nakangiting paalam ni Oah at idinampi ang labi sa noo ko.

"Ingat..." huling sabi ko bago siya tuluyang naglakad papunta sa motor niya.

"Halika na Chrien. Baka madamay nanaman ako sa pagiging late mo. Nuknukan ka ng talande kase!" sabay kuha ni Rizza sa bag niya at ganoon din ang ginawa ko. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa room namin.

Bahagyang bumagal ako sa paglalakad nung mamukhaan ko kung sino ang makakasalubong namin.

Si Allyson.

Babatiin ko sana siya pero diretso lang siya sa paglalakad. Nilampasan niya lang ako at hindi ako kinausap.

"War kayo?" takang tanong ni Rizza.

"Ha? Ewan?" patanong ko din sa kanya. Hindi ko kasi alam kung bakit hindi ako kinausap ng lalakeng yun.

"Hayaan mo na nga. Tara na sa room. Baka nagsisimula na ang klase" sabay hila ko sa kamay ni Rizza at umakyat na kami sa main building.

Author: Pasensya na po. Sobrang late ang update. Napakarami po kasi naming ginagawa. Sobra. Sports, Nutrition, observation, evaluation at marami pang iba. Sorry po. Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa kwento. Salamat po! Godbless.

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon