Chrien Ross PoV"Lloyd!!!" malakas na sigaw ni Kuya Den. Bakas din sa mukha ni Kuya Den ang labis na pagkagulat nung nakita niya si Kuya Markielloyd. Nilapitan siya ni Kuya Den at niyakap.
"Ayan na! Langya! Nandiyan si Jerome, si Paul at ngayon si Markielloyd naman. Dale ka Den! Gangbang ka mamaya!" malakas na sigaw ni Ate Sheryl.
"Oh Christian. Kanina lang tayo magkausap ah! Hindi ko alam na kasama ka pala dito nila Den" sabi ni Kuya Markielloyd kay Allyson.
"Magkakilala po kayo?" takang tanong ko.
"Oo Chrien. Pinsan ko si Christian. Hindi ba niya ako naikukwento sanyo?" patanong na kwento ni Kuya Markielloyd.
"Reunion ba ng mga lalake mo Den? Baka mamaya may iba pang magdatingan dito?" singit naman ni Ate Sheryl.
"Tumigil ka nga She! Puro ka nanaman kalokohan" sagot naman ni Kuya Den.
"Siyaaaaaaaat!" malakas na sigaw ni MJ.
Umikot na uli ang tagay at nagsimula nanaman ang mga kwentong kapontoyan ni Rizza at Ate Sheryl. Sakit na nga ng tiyan namin sa katatawa eh.
Panandalian munang tinigil ni MJ ang pagpapaikot ng tagay dahil napagpasiyan namin na maglakad lakad at maligo muna. Sila Kuya Den naman ay naiwan sa cottage at patuloy parin sila sa pag-iinom. Namiss siguro nila ang isat isa. Minsan lang kasi sila makumpleto dahil sa may kanya kanya na silang trabaho.
"Chrien huwag kang susunod! Sisisirin ko mga bayag ng mga to!" malakas na sigaw ni Rizza habang papalapit kina Mj na naglalaro sa tubig.
Aktong susunod na ako sa kanila nung biglang may humawak sa kamay ko at dahan dahan akong hinala.
"Allyson..." mahinang bulong ko.
"Tara.. Lakad lakad muna tayo..." mahinahong sabi niya sakin.
Muli akong lumingon sa cottage. Kasama nila Kuya Den si Kuya Justin at halatang masaya silang nagkukwentuhan.
Dahan dahan lang kaming naglalakad ni Allyson. Tahimik. Ang tangi ko lang naririnig ay ang lagaslas ng alon at yung tunog na unti unting pagbalik ng alon.
"Pinsan mo pala si Kuya Markielloyd.." basag ko sa katahimikang bumabalot saming dalawa. Ayaw kasi niyang magsalita at nakatingin lang sa unahan namin.
"Oo. Hindi ko na naikwento sayo kasi hindi ko naman inaakala na kilala nyo pala si Kuya Lloyd" sagot niya habang nananatiling nakatingin sa unahan.
Bahagya kaming tumigil sa paglalakad. Napunta ang atensyon ko sa dulo ng dagat. May paikot ikot na ilaw.
"Parola ang tawag dun.." sabi niya.
"Ang ganda noh?" sabi ko.
"Chrien..." mahina nanaman niyang pagtawag sakin.
"Bakit?" mahinang tanong ko naman habang nakatuon ang atensyon ko sa parolo.
"Pwede ba maging tayo?" diretsong tanong niya sakin.
Ha? Tama ba ang narinig ko?
Bakit parang biglang may kung ano sa katawan ko at napuno ng question mark ang isipan ko? Hindi ko pinapahalata sa kanya na parang hindi ako komportable dahil sa biglang pagtanong niya.Saka bata pa ako. Wala pa sa isipan ko ang mga ganoong bagay.
"Hindi..." sagot ko sa kanya.
Nabalot muna ulit kami ng katahimikan. Mali ba sinagot ko? Saka wala naman sa itsura niya ang magkakagusto sakin eh. Saka hindi naman talaga pwedeng maging kami. Bata pa kami!
"Bakit hindi pwedeng maging tayo?" seryosong tanong niya uli sakin.
Bakit nga ba hindi pwedeng maging kami? Bata pa kami? Pandak ako? Bakla ako? Ano pa ba ang pwede kong idahilan sa kanya?
"Palagi kasi kaming maraming assignment..." sagot ko.
Matapos yun ay wala na akong narinig sa kanya. Kaya nilingon ko siya.
"Oh bakit ka natawa?" tanong ko nung nakita kong natawa siyang mag-isa.
Wala siyang sinagot. Ang tanging ginawa niya lamang ay ipinatong sa ulo ko ang kamay niya at ginulo niya ang buhok ko.
"Napasaya mo ako.." sabi niya at malawak ang pagkakangiti niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Christian Allyson PoVPalagi kasi kaming maraming assignment.
Palagi kasi kaming maraming assignment.
Palagi kasi kaming maraming assignment.
Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Chrien Ross na yan. Napapangiti nga ako palagi eh. Napakaseryoso niya nung sinabi niya yun at halatang nagsasabi siya ng totoo.
"Christian..."
Bakit ba kasi nauso pa ang assignment eh. Kung pwede nga lang ako magreklamo sa DepEd at isasangguni ko na huwag na magbigay ng assignment para pwede na maging kami ni Chrien eh. Tangina. Dahil sa assignment hindi pwedeng maging kami? Ang babaw men!
"Christian...."
Kaso may mga hadlang. Halata kay Justin na may gusto siya kay Chrien at ganoon din si Noah. Kahit na. Hindi ako papatalo sa dalawang iyon. Mas pogi ako sa kanila at mas malaki ang katawan ko!
"CHRISTIAN ANO BA NANGYAYARI SAYO!!!!!!"
Bigla akong napapitlag nung halos mabingi ako sa sobrang lakas ng pagtawag sakin. Nakatapat pa talaga sa tainga ko.
"Bakit ba naninigaw ka Jovert!!" sigaw ko sa kanya.
"Paano kita hindi sisigawan kanina pa kita tinatawag! Kanina ko pa sinasabi sayo na dumaan si Chrien kasama si Rizza!" pabalang na sabi ni Jovert.
"Bakit hindi mo agad sinabi!!?" inis na sagot ko sa kanya.
"Kanina ko pa nga sinasabi sayo! E nakatulala ka diyan sa Hamburger mo!" sagit niya.
"Ayun sila Baby Chrien! Wait lang puntahan ko lang" biglang tayo ni Mj.
"Bakit mo pupuntahan si Chrien Ross?" diretsong tanong ko.
"Wala lang. Kakamustahin ko lang. Saka wala naman silang ibang kasama bukod kay Rizza" nakangiting sagot niya.
"Teka!!!" pigil ko.
"Bakit?" -Mj.
"Sasama ako!"
Author: Salamat po sa pagbabasa. :)
Penge pong comments and votes. :)BubeiYebeb
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomansaLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb