SEASON TWO - Enrolment

781 50 9
                                    

Chrien Ross Point of View

"Samahan na kita" prisinta sakin ni Oah habang nakaangkas ako sa motor niya.

"Hindi na noh! Kayang kaya ko iyon. Saka kasama ko rin si Rizza" sagot ko tukoy ko sa pag-eenroll.

Bilis ng panahon noh?
Hindi nga pala natuloy ang concert ng shooting star band. Naresched at sinabing bago daw magchristmas itutuloy. Nagkaroon ata ng problema si Leonard (Sa book 3 po ng One More Chance malalaman ang reason).

Masaya naman ang naging bakasyon ko. Madami akong nagawa at napuntahang lugar. Nagchampion sila Oah sa basketball at nagkaroon kami ng biglaang gala sa Ilocos.

Nasulit ko ang bakasyon.

Ngayong first day of school kami ni Rizza mag-eenroll. Yun daw kasi ang teknik para maging magkaklase kaming dalawa. Ayaw daw niya na hindi kami magkaklase kasi siguradong babagsak daw siya kapag hindi ako kasama.

"Sunduin kita mamayang hapon" bilin sakin ni Oah nung nakababa na ako ng motor niya.

"Huwag na. Alam ko naman na may gala din kayo nila Jake. Huwag ka magwori sakin. Itetext nalang kita kapag nakauwe na ako" sagot ko sa kanya at mabilis ko ng nilapitan si Rizza na nakatayo malapit sa guidance office.

"Aba! Ibang iba ka na Chrien ah! Hindi ka na virhin noh?" bati sakin ni Rizza.

"Baliw! Halika na nga at mahaba pa ang pila" sabay hila ko sa kamay niya. Pumila kami sa guidance office. Dito kasi ang una at huling step para makapag-enroll.

"Ano ba yan! Amoy bayabas naman dito!" reklamo ni Rizza habang tinitingnan ang mga pawisang estudyanteng nakapila rin katulad namin.

"Hindi ako na-inform. Nakapagdala sana ng rexona spray!" dugtong niya habang hawak hawak ang ilong niya.

"Section Rosal kayong dalawa. Ibigay niyo itong card niyo para tanggapin na kayo" sabi samin nung guidance councilor at kaagad na kaming umalis sa pila.

"Chrien awrang awra ka kamo ngayon. Blooming na blooming ka" puri sakin ni Rizza habang naglalakad kami papuntang section Rosal. Nginitian ko lang siya. Wala naman akong dapat isagot. Masaya lang talaga ako kasi naenjoy ko ang bakasyon ko.

"Oooooops! Wag mong sabihin na papasok na agad tayo?" pigil sakin ni Rizza nung akyong maglalakad ako papunta sa Section Rosal room.

"Natural. First day ngayon diba?" sagot ko.

"Kaya nga! First day. Kaya huwag muna tayo pumasok! Ayoko magpakilala sa unahan noh! Saka nakacivillian tayo!" sabi ulit niya.

"Tara na nga muna. Hayaan mk na muna yang mga magiging kaklase natin. Hindi naman magbabago pagmumukha ng nga panget na yan eh" dugtong niya at hinila niya ang kamay ko pababa. Third floor na kasi ang room namin ngyon. Umangat ng isa. Dati kasi sa main building ang room namin at second floor.

Hinila ako ni Rizza hanggang sa makarating kami dito sa kantin. Madami pa ring estudyante ang nakacivillian. Mga freshman, late na mag-enroll ay mga senior high na ngayon lang din ang enrolment.

"Mamaya kapag open na ang gate. Lumabas tayo. May alam akong bagong inuman place sa likod ng school. Tago yun kaya safe tayo dun" bulong sakin ni Rizza.

"Eh bakit binubulong mo pa sakin? Wala naman tayong ibang kasama" -Ako.

"E malay ko bang may kamag-anak dito si Yomi yung kalaban ni Eugene sa ghostfighter na kahit utot ng langgam e naririnig!" pagalit niyang sagot sakin.

"Bibili muna ako ng pagkain. Hindi na kami kumain ni Oah sa bahay kanina e. Sabi mo kasi kanina ka pa andito sa school" reklamo ko sa kanya.

"E totoo naman. Nauna pa nga ako sa janitor kanina. 5:30am palang andito na ako!"

"Naku ewan ko sayo Rizza, diyan ka muna" sabi ko at tumayo na ako. Bago ko simulan ihakbang ang paa ko papalapit sa bilihan ng drinks at pagkain ay isinuot ko ang earphone ko. Pinindot ko ito at nagpatuloy ang tugtog na inistop ko kanina.

Habang naglalakad ako ay may napansin akong pamilyar na mukha. Nabuka ang bibig nito at halatang may sinasabi. Hindi ko naririnig dahil nakatuon ang dalawang tainga ko sa pinapakinggan kong kanta.

Fuck it - Eamon

Tama. Si Ronje yung lalakeng nasa dadaanan ko. Nasa gilid siya at nakangiti sakin. Nginitian ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang sa nakita ko si Allyson na nakatayo sa gilid malapit kay Ronje.

Nilampasan ko si Allyson.
Wala naman akong dahilan para kausapin siya eh. Saka wala naman dapat pag-usapan.

"Ate eto pong bayad" sabay abot ko ng pera sa babaeng nagtitinda sa kantin. Kaagad na akong bumalik sa table namin ni Rizza. Tinanggal ko ang earphone ko at nagsimula na kaming kumain.

"Okay ka lang?" alalang tanong sakin ni Rizza.

"Bakit?" takang tanong ko dahil sa biglang tanong niya sakin.

"Dahil dun oh" pangusong turo niya sa kinaroroonan nila Ronje.

"E ano naman? Wala na yun. Matagal na iyon" diretsong sagot ko sa kanya.

Habang nag-aantay kami ng oras ay biglang may lumapit saming lalake.

"Hi!" bati niya.

"Low" sagot naman ni Rizza dahilan para mapatawa ako.

"Anong satin?" tanong ni Rizza.

"Ahh... Ikaw si Chrien diba? Kapatid ni Sir Den?" tanong niya sakin.

"Oo. Bakit?"

"Pwede makuha number mo?" diretsong tanong sakin nung lalake.

"Anong konek ng pagiging kapatid nitong baklang to kay Sir Den sa pagkuha mo ng number niya?" mataray na sabat ni Rizza.

"Tumigil ka nga Rizza... Eto kuya oh. Wag tatawag ha. Text lang. Ayoko maistorbo sa paglalaro ko ng mobile legends" nakangiti kong sabi sa lalake.

Matapos yun ay umalis na agad yung lalake.

"Walang masama sa pagkuha ng number. Malay natin may gustong itanong tungkol kay Kuya Den. Alam mo namang suplado si Kuya Den sa mga estudyante niya eh" paliwanag ko kay Rizza.

"Ewan ko sayong bakla ka. Tara na nga. Bukas na yung gate oh" yaya niya sakin at nagsimula na kaming maglakad papalabas ng gate.



Author: Bukas na po uli ako mag-update. :) Maraming salamat po. Comments and likes pls. :)

Hi Lloydaganda! :) Thank you sa support :)

Ang Manliligaw Kong Bully Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon