Chrien Ross Point of View
"Baket ba parang lutang na lutang ang isipan mo kanina Chrien? Napapangitan ka na ba talaga ke Mam?"
"Hooooy Chrien!!!!!!!" malakas na sigaw saken ni Rizza dahilan para magulat ako.
"Baket ba?" takang tanong ko.
"Ayyy may sapi nga talaga ang baklang to!" -Rizza.
"Baket ba parang wala ka sa sarili mong hayup ka?"
Takte! Baket nga ba nagkakaganito ako?
Flashback
"Boypren ko"
Biglang tumahimik ang buong paligid at ramdam ko na saken nakatuon ang buong atensyon ng mga taong nasa paligid ko.
"Anong sabe mo?" Pag-uulit ni Oah.
Aktong magsasalita pa sana ako nung biglang hinila ni Allyson ang kaliwang kamay ko palabas ng bahay. Pilit niya akong isinakay sa sasakyan niya. Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan ngunit kapwa kaming tahimik at walang kibo sa bawat isa.
Hindi ko na alam kung ilang minuto ang lumipas bago kami nakarating dito sa La Playa Beach Resort. Nakaupo kaming dalawa sa harap ng dagat at pareho kaming nakatingin lang sa paulit ulit at pabalik balik na umaalon na tubig.
"Uulitin ko ang tanong ko..." basag ni Allyson sa katahimikang bumabalot saming dalawa. Hindi ako lumingon sa kanya pero nag-aantay ako ng kasunod nyang sasabihin.
"Sino yung kasama mo?" diretsong tanong niya saken at nanatiling nakatingin lang sa harapan.
Teka ano nga ba pangalan nung lalakeng yun? Kakainis naman oh. Hindi ko man lang naitanong kung ano pangalan niya.
"Ahh... Si Wi-"
"Ang gusto kong marinig ay yung totoo. At kung sakaling totoo ang sinasabi mo kanina na boypren mo ang lalakeng yun.."
Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ko kanina na boypren ko yung lalakeng kasama ko. Kaya ko lang naman sinabi yun kasi ayoko na mapalapit kay Allyson. Ayoko nga magalit ang mama niya sa kanya dahil lang sa pakikipaglapit saken.
Pero itong sinasabi ni Allyson.. Pakiramdam ko sasabihin niya na kung totoo man yung sinabi ko pakiramdam ko sasabihin niya na lalayo na siya. Mas maigi na siguro yun. Ayoko naman na ako pa maging dahilan kung bakit sila hindi magkakasundo ng mama niya.
"Hindi ako magdadalawang isip tuluyan kitang paghigpitan at ilalayo talaga kita dito" dugtong niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Ross gusto ko lang malaman mo na nag-aantay lang tayo ng tama at legal na panahon para sating dalawa" muling sabi niya.
Hindi ko masyadong naiintindihan ang sinasabi ni Allyson dahil sa mga unang sinabi niya.
"Ayoko ng mauulit pa ang nangyari.. Kung sakali man may problema, sabihin mo saken. Pag-uusapan natin. Ikaw at ako. Kaya please lang Chrien Ross magpakaayos ka" huling sinabi niya at binalot na uli kami ng katahimikan.
End of Flashback
"Oh ano naman ang problema mo lugaw? May tae ba?" untag nanaman saken ni Rizza.
"Tumigil ka nga sa kalokohan mo Rizza. Medyo masama lang pakiramdam ko" mahinahon kong sagot sa kanya.
"May napapansin kamo ako sa Chrien"
"Ano?"
"Habang tumatagal kamo lalo ka tumatalande! Iayos mo nga mukha mo! Mukha kang tilapya!" bulyaw saken ni Rizza.
Pinilit kong maging maayos at okay ang sarili ko. Ewan ko ba. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko. Paulit ulit pa rin kasi sa isipan ko ang sinabi ng mama ni Allyson. Tapos naiisip ko rin ang bespren ko, si Oah. Saka yung sinabi saken ni Kuya Justin. Ang gulo gulo ng isip kooooooooooo!
"Chrien wag na tayo pumasok sa last subject. Salubungin natin dalawa ang birthday ko. Inom tayo sa likod, sagot ko" sabi saken ni Rizza.
"Ayoko na Rizza. Baka malasing nanaman ako at kung saan nanaman ako. Kita mo naman na pinagalitan na ako ni Kuya Den eh" pagtanggi ko.
"Ako bahala! Saka hindi naman tayo maglalasing eh. Kaunti lang. Mga limang empi lights lang" muli niyang sagot.
"Ha!? Lima?" -Ako.
"Oh e di tanga ka nga talaga. Naniwala ka agad! Beh makakaya ba natin ubusin ang limang empi lights! Mga dalawa lang!" -Rizza.
"Isa lang. Tapos hindi natin uubusin. Kaunti lang"
"NapakaKJ mo talaga! Halika na nga!" sabay tayo naming dalawa at naglakad na kami palabas ng eskwelahan.
"Kuyang!!! Isang set nga po. Tapos 5 dugo at isaw ng baboy, yung tusta!" malakas na sigae ni Rizza kasunod nun ay ang pagkuha sa songbook na nasa harapan namin.
Nilapag ni Kuyang ang alak na may kasamang pitsel at dalawang baso. Empi nga ang iinumin namin.
"Ako na magtatagay. Baka dayain mo pa ako!" -Rizza.
Nagsimula na si Rizza na magtagay. Sabe ko nga magtig-isang baso nalang kami kase dalawa lang naman kami kaso hindi daw niya mapifeel ang pagiinom kapag ganun ang ginawa namin.
"Alam mo ba Chrien may natitipuhan ako" biglang sabi ni Rizza matapos ilapag ang tagay niya.
"Sino? Yung nasa highest section?" tanong ko sa kanya.
"Tangnamo! Tanga! Tipo ko yung guard sa school!" giit niya.
"oh wag ka na magreact. Wala ka magagawa. Yun ang tipo ko yung laging nangsusundot.... ng bag" paliwanag niya.
Nagkwento ng nagkwento si Rizza. Tawa nga ako ng tawa sa mga sinasabe niya eh. Ang wish daw niya bukas sa birthday niya ay dumating yung guard ng school namin. Yayayain daw niya mag-inom kahit daw umagahin silang dalawa.
"Rizza ihi lang ako ha.." paalam ko sa kanya.
"Baket? Inidoro ba ako at nagpapaalam ka pa saken?" sagot niya at ininom ang tagay niya.
Bahagya akong tumayo at nagsimulang maglakad papuntang banyo. Bigla akong napatigil nung may bumangga ang katawan ko sa isang bagay.
"Gusto ko lang ipaalam na hindi ko gusto na ang girlfriend ko ay nag-iinom lalo na kapag hindi ako ang kasama"
Author: Sensya po. Sobrang busy. Bukas po subukan ko mag-update uli. Salamat po...
Votes,likes and comments po para sipagin ako :)
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomansaLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb