Chrien Ross PoV"Chrien bakit parang blooming na blooming ka?" Puna sakin ni Riza habang sabay kaming naakyat sa hagdan.
Blooming ba talaga ako? Kanina si Kuya Den sinabihan din ako ng ganun. Masama bang mag-ayos ng sarili? Highschool na ako kaya normal lang na maging aware na ako sa kilos at itsura ko.
"Ikaw Chrien ha! Baka may hindi ka sinasabi sakin! Iba kasi yang ngiti mo! Ngiting wala ng virginity!" Malakas na asar sakin ni Riza.
"Langya ka! Bibig mo!" Sita ko sa kanya.
Okay lang naman na kiligin ako diba?
Flashback
Tangna! Ang lambot ng labi ni Oah. Ramdam na ramdam ko ang pagkakadikit ng mga labi namin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kakaiba yung pakiramdam ko. Naramdaman kong bumukas ang pinto pero hindi ko na iyon binigyan ng atensyon.
Nararamdaman ko ang dila ni Oah sa bibig ko pero hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Kagat kagat niya pagkatapos ang ibabang labi ko.
"Ien sor-"
"Oah...." putol ko.
"Ien hindi ko na kasi napigilan..."
Mahinang sabi niya. Napakaseryoso ng mukha ni Oah ngayon. Napakalamlam ng dalawa niyang mata at nakatuon lang sakin iyon.
"Ien mahal na mahal kita..." sunod niyang sabi sakin dahilan para lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Shit! Mahal ako ng bestfriend ko.
"Alam ko hindi ito ang tamang pagkakataon para sating dalawa. Pero hindi na ako makapag-antay. Ien... liligawan na kita... ayoko ng bigyan ng pagkakataon ang iba para makuha ka pa nila sakin" napakaseryosong sabi niya sakin.
Wala akong masabi sa mga narinig ko mula sa kanya. Ang tanging nasa isipan ko lang ay ang pagdampi ng mga labi namin kanina at ang sinabi niyang mahal na mahal niya ako.
Naramdaman ko nalang ang pagyapos ni Oah sakin. Mahigpit."Lakad na. Pumasok ka na sa loob ng bahay. Susunduin kita bukas. Simula ngayon mas magiging malambing na ako sayo" sabi niya sakin kasunod nun ay ang paggulo nya sa buhok ko.
Aktong papasok na uli ako sa pintuan nung muli niya akong tinawag.
"Ien.. hindi kita pagbabawalan makipagkaibigan kay Justin pero tandaan mo na meron ka ng ako kaya magtitiwala ako sayo... matulog ka ng maaga. Goodnight Yen" napakalambing niyang sabi sakin.
End of Flashback
"Langya! Play na agad natin sa isang araw! Ang bilis ah! Ibang character ang memorize ko! Paktay tayo diyan!" Alalang sabi ni Riza habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
"Uyyy!! Final rehearsal tayo bukas. Dun tayo sa bahay" biglang dating ni Jacob.
"Oo nga. Kailangan natin yun. Iba rin kasi ang alam kong character lines gawa nitong impaktang to eh!" Sabay turo ko kay Riza.
"Oo na! Ako naman palagi eh! Ako nalang lagi ang may kasalanan! Ako na may mali at siya na ang nuknukan ng panget!" Sagot ni Riza sabay turo kay Maam De Guzman na nakatayo sa gilid namin.
"Langya ka Riza! Narinig ka ata ni Maam!" -Ako
"Kaya nga bilisan nyo lakad! Tangnamo Chrien dami mo pang sinasabe! Kapag ako pinatawag nanaman sa guidance nyan!" Hila samin ni Riza.
"Sensya na late ako... May praktis kasi kami. Championship na namin sa isang araw" biglang sulpot ni Oah sa harapan namin habang nagtatanggal ng helmet.
Nakatingin lang ako sa kanya. Langya! Eto nanaman yung imahinasyon ko. Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Ewan ko pero sa pagkakataong ito ay parang mas ang pogi ng bestfriend ko sa paningin ko.
"Oyy Chrien kinakausap ka ni Noah! Nakatanga na naman!" Sabay tapik sakin ni Riza.
"Halika na. Mag-e-early dinner pa tayo" dugtong niya sabay suot niya sakin ng helmet na katulad ng sa kanya.
"Una na kami sa inyo. Text nyo nalang ako kung anong oras tayo magpapraktis. Ingat kayo" ngiting paalam ko sa mga kaklase ko.
Yumapos na ako kay Oah. Kinikilig ako. Siguro nga mahal ko na dati pa Oah. Hindi ko lang nabibigyan pansin ang nararamdaman ko kasi inisip kong bestfriend ko siya. Pero ngayon kung iisipin - kinikilig ako sa lahat ng moments namin ni Oah.
"Pasensya na-late ako kanina. Ang higpit kasi ni coach ngayon" sabi ni Oah habang nakain kami.
"Okay lang yun. Saka dapat nga tinawagan mo nalang ako para hindi mo na ako sunduin. Dapat nagpraktis ka muna" sagot ko habang nilalagyan ko ulit ng fries yung burger niya.
"Hindi naman pwede yun. Babalik nalang ako mamaya dun pagkahatid ko sayo. Teka narinig kong may praktis ulit kayo? Kelan yun para makasama ako" -Oah.
"Bukas daw. Sa isang araw na kasi ang play namin. Ang problema dahil kay Riza ibang character ang alam namin. Nakakalito nga eh" sagot ko.
"Magpapaalam ako kay coach na hindi ako aattend bukas para masamahan kita. Sigurado kasing gagabihin ka nanaman ng uwe" -Oah.
"Ganito nalang. Magpraktis ka nalang muna. Tatawagan nalang kita pagtapos na praktis namin. Sayang naman yung praktis Oah. Saka gusto ko manalo kayo. Gusto teamwork kayo" ngiting sabi ko sa kanya.
"Okay okay. Kaso may isa pa akong problema.. sa isang araw na rin ang championship namin.. gusto kitang panuorin sa play niyo. Gusto kitang i-video" dugtong nanaman niya.
"Gusto nga rin kita panuorin eh. Sana magkaiba ng time noh?" -Ako.
Ilang sandali lang ay natapos na kaming kumain. Hinatid na ako ni Oah dito sa bahay. Sinabi ko kasing bumalik siya sa praktis. Baka kasi magalit na ang coach nila.
"Oyy Nicholas eto ang pamalit mong damit! Baka magpatuyo ka pa ng pawis. Saka nilagay ko narin dito sa maliit na bag ang gatorade mo" bilin ko sa kanya.
"Saka magpalit ka muna ng rubbershoes. Eto munang isa ang gamitin mo. Lagi nalang yan ginagamit mo eh kadami dami naman dito oh" sabay turo ko sa mga gamit niya dito sa kwarto ko.
"Eto pa ang towe-"
Hindi ko na naituloy ang dapat na sasabihin ko nung bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at muli nanaman niyang pinagdampi ang labi namin.
"I love you so much Ien...." mahinang bulong niya matapos umawang ng mga labi namin.
Wala na akong nasabi pa. Natulala nanaman ako.
"Paano Yenyen? Alis na ako. Huwag ka magpupuyat ha! Lagot ka saken! Tatawagan kita mamaya kapag nakauwe na ako" napakalawak niyang paalam sakin.
"Hoy Nicholas Noah! Magdahan dahan ka ng pagdadrive!" Malakas kong sigaw sa kanya.
"Opo Boss! Labyu!" Malakas niyang sagot at tuluyan na siyang nakalayo.
Author: Sensya po. Late na late Update. Napakarami ko lang po inasikaso. Maraming salamat po sa pag-aantay.
Pengeng votes and comments.
BubeiYebeb
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book V
RomanceLaktawan muna natin ang Book IV :) Subaybayan naman natin ang storya ni Chrien. Alam ko kasing marami ang nag-aabang sanyo ng magyayari kay Chrien. Support niyo po ito. Maraming salamat po! BubeiYebeb